Chapter XII.

550 25 2
                                    


Yeoj's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa isa ko pang bahay sa La Presa. Actually, kubo siya. Antiques yung mga gamit. Malapit lang naman dun sa resthouse kaya nilakad ko nalang. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako sa gagawin ko, pero kailangan 'to. Mahal ko kasi talaga si Alice. And I'll do everything I can to make her MINE.

Iniisip ko, ano kayang magandang kantahin para kay Alice? I didn't even know how to make a girl happy. Kaya aaralin ko para kay Alice. I want her to be the happiest woman. Isa na yun sa plaplanuhin ko ngayong araw.

I want to express my feeling through actions.. And words. Kaya ito nga, haharanahin ko si Alice. I know, baduy na ang harana sa panahon ngayon pero okay lang. Para naman sakanya, eh. Sana sa gagawin kong 'to, maging masaya siya. I won't expect too much. Para di ako masaktan sa resulta.

NAKARATING na ako ngayon dito sa bahay kubo. Bilib talaga ako sa mga caretakers. They're keeping this house clean kahit walang tumitira. Bigla ko tuloy namiss yung memories naming pamilya. Yung Mommy ko.. Yung Daddy ko.. Wala eh. Iniwan nila ako.

Tinignan ko yung mga pictures na kuha ni Dad. He's a photographer. At kahit gusto kong sundan ang yapak niya, I can't. Fine arts kasi ang course ko. And I have no skills on taking pictures. Well, I'll try. Pagaaralan ko. Maganda din kasing kuhanan ng picture si Alice. She's perfect. Her eyes, her nose, and her lips. I can't take my eyes off her kapag kasama ko siya.

Kinuha ko ang gitara ko na nasa gilid ng pintuan. I missed playing guitar. 14 ako nung tumigil ako sa pagp.play nito. Tumingin ako sa songbook ng pwedeng kantahin. Ano bang bagay saaming dalawa?

And I know it's stupid on my part to say that I love you.

Bagay saamin. One sided love. Ako lang ang nagmamahal. Yun ang pinakamasakit. Yung lahat ng alam mong thoughts, idea at efforts nasasayang lang. That's what we called KATANGAHAN.

Lahat naman tayo nagpapakatanga sa pag-ibig. Wala, eh. Mahal natin sila. You just need to sacrifice yourself para makuha ang isang bagay.

Dun naman nagsisimula ang lahat diba?

Just try it, and don't be afraid on the result. Kung masasaktan ka, 'edi masasaktan ka. Atleast, naparamdam mo pa sa taong mahal mo na mahalaga siya, at may willing magsakripisyo ng lahat para sakanya..

That is a part of loving someone.

Alice's POV

Andito ako ngayon sa veranda, waiting for Yeoj. Nagising kasi ako. Di ako mapakali. Nakatingin lang ako sa view. What am I feeling? I can't believe, I'm falling inlove with him already.

You know, yung sa tuwing nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Nagu.guilty na nga rin ako sa mga ginagawa ko, eh. I'm not sure kung nagu.guilty lang talaga ako.. O mahal ko na siya.

Hindi siya mahirap mahalin. Lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kanya. May sense of humor, at sa konting bagay napapangiti ako. Pero di ko pinapakita. You know.. Uncertain feelings.

I'm afraid of loving again. Ayoko na, pagod na ako magmahal. Natatakot akong maloko ako ulit at mapaglaruan. Ayokong maulit yung mga nangyari sakin dati. Saamin ni Edward. Kaya hangga't maaari, I'll stop this feeling. Infatuation lang itong nararamdaman ko. Nasanay lang talaga akong nanjan siya. Nasanay lang akong lagi ko siyang nakikita. But, God. I don't want to say this pero di ko na siya kayang mawala sa tabi ko.

Gaya ngayon, 1 oras palang wala si Yeoj napaparanoid na ako. Kung ano ano na ang naiisip ko. Baka iniwan na niya ako. I tooked a heavy sighed, at tumayo. Nakaramdam kasi ako ng uhaw. Naalala kong may ginawang Lemonade si Yeoj kanina.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon