Chapter 9 Lihim na nasasaktan

71 1 0
                                    

Christian's POV

Noong nalaman ko si KC pala ang future fiancee ko nabuhayan ako ng loob. Pero nalaman ko rin na nagmamahalan ang dalawa kahit gusto ko hadlangan yun wala ako magagawa di naman natuturuan ang puso. Nagpapanggap ako okay sa harapan nila kahit sa totoo lang nasasaktan na ako pumayag na din ako sa kagustuhan nila magpanggap sa harapan ng tita ko habang naghahanap pa sila ng paraan kung paano matitigil ang fixed marriage na ito kahit gusto ko matuloy pero no choice ako di nya ako mahal. Hay buhay.. Kuntento na ako sa pagpapanggap makasama ko lang siya martyr ba? Wala e mahal ko.

Nandito kami sa Boracay at yun todo lambingan yung dalawa habang ako pinapanuod lang sila nagpapanggap na okay lang kahit na nasasaktan. Maya maya pa tumabi sa kin si Sally

"Sweet nila noh? Alam mo ba nung dati kami pa ni Jayson di sya ganyan kasweet sa kin although ginagawa nya ang duty nya as my boyfriend at matagal ko na napapansin na mahal nya si KC kung umasta nga yan parang si KC ang girlfriend at di ako pero di ako nagalit kasi hanggat maari ayaw ko mag-away kami pero di ko expect na aabot sa ganito na papanindigan na ni Jayson ang nararamdaman nya for KC nakakatawa nga dahil kahit pinakawalan ko na siya mahal ko pa rin at mas nakakatawa dahil sa issues nila dalawa kailangan natin magpanggap. I know lihim ka nasasaktan same lang tayo pero kailangan natin sila I let go kasi di sila para sa atin. Plan ko nga kapag naayos na nila ang problem nila aalis na ako ng Pilipinas gusto ko kasi magmove on. Ikaw ano plano mo?"

Grabe nakakaawa itong babaeng ito sabagay parehas lang kami ng situation now kung di ko nga lang una nakilala si KC di malabong mainlove ako rito malay natin sa future maging kami di naman natin alam mangyayari sa future.

"Yun din gagawin ko aalis ako para makamove on mahirap kasi magmove on kung kasama pa rin natin sila babalik at babalik ang sakit plan ko na nga din sila tulungan kay tita susubukan ko iconvince si Tita na wag na ituloy ang kalokohan na ito una pa lang against na ako sa plano nya di naman na uso ang fixed marriage ngayon kalokohan na lang yan papakiusapan ko na din siya na ako na lang pupunta New York para di na umalis dito si KC mahirap ang long distance relationship unless sasama si Jayson sa New York."

Napahaba ang kwentuhan namin ni Sally infairness masarap siya kakwentuhan. Nabigla na lang kami nung biglang sumulpot sa likuran namin ang mag love birds haist -_-

"Ui ano yan mukhang heart to heart talk ah infairness bagay kayo kanina ko pa nga sinasabi dito kay Jayson na may future kayo. "

"Baby naman wag na natin sila pakialaman diskarte na nila yan kung magiging sila magiging sila diba?"

"Hay naku tumigil na nga kayo mga love birds buti pa KC punta na tayo sa kwarto magpalit na tayo ng pang swimming at maligo na tayo sa beach sayang ang araw."

Agad hinatak ni Sally si KC papuntang kwarto naiwan lang kami dito sa cottage ni Jayson.

"Pare salamat sa sacrifice alam ko nahihirapan na kayo ni Sally na magpanggap kasi masakit pa sa inyo ang nangyayari kung may magagawa lang kaagad ako ginawa ko na kaso naghahanap pa ako ng tamang paraan para matigil na yang tita mo"

Di na ako umimik hay habang tumatagal parang palala ng palala si tita ang dami na nya nasasagasaang tao.

KC's POV

Nandito kami sa kwarto ni Sally pilit nya ako pinapasuot ng 2 piece my god malamang giyera ako nito kay Jayson conservative forever peg nun haist. -_-

"Di pwede sally alam mo naman ugali ng ex boyfriend mo diba? Aawayin ako nun tiyak sando at shorts na lang susuotin ko. "

"Hay papaunder ka na sa kanya ngayon? Heller sis naman baka nakakalimutan mo ikaw ang kumakawawa sa kanya since magbest friend pa lang kayo tapos sa simple ganito lang takot na takot ka na sa kanya my god asan na ang amazonang  si KC?"

My Best friend revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon