My Kinder Crush 2 (I'vemissedTheOldDays..WithYou)

115 5 3
                                    

Victor POV

After 5 years.

"Kamusta na kaya siya" tanong ko sa isipan ko. Habang nakatingin ako sa Laptop ko dahil tinitignan ko ang Facebook niya.. Naalala ko pa nung nag send siya ng friend request nun dati.. Grade 3 ako nun. Mas advance kasi siya sakin ng 1 taon. Pero nung kinder kami magkaklase kami. Ewan ko ba? Siguro nag advance siya.. Kaya ganun.

Hindi ko na alam kung ano na ba nangyayari sakanya. Kung ayos lang ba siya? Kung may Boyfriend na ba siya? Kung masaya ba siya ? Kung ano ba nagbago sakanya ? Syempre madami. Pero di nagbabago pagtingin ko sakanya. Bestfriend ko yun eh. Naaalala pa kaya niya ako ? Naiisip ? Hay..

Isa siya sa Importanteng tao at Babae sa Buhay ko. Dahil Bestfriend ko siya. She's always at my side everytime that I need her. she's always makes me Smile Widely and Seriously. She's always makes me Happy and Completely. Because She's my Bestfriend. Although sometimes we're having some argue. But in the end of the day. We're Okay. I've missed that. I've missed the old days. And ofcourse I really missed her. =(

Marami ng nagbago sa buhay ko buhat ng mawala siya,, buhat ng magkahiwalay kami. Naging Hearthrob ako sa school namin. Madami humahanga't nagkakagusto sakin. At syempre di ko sinayang ang Kagwapuhan ko. napakadami ko ng naging Syota. Playboy ako at maarte sa pagpili ng babae .. Pero may iilan din namang naging Girlfriend. Pero sa totoo Lang. Sa iisang tao lang talaga nakatali 'tong Puso ko. Kaso hindi kami pwede. Dahil..

Hindi niya na ako Gusto .. At may isang matinding dahilan kung bakit hindi kami Pwedeng dalawa.

Bukod sa aking pagkalungkot.. Binaling ko nalang sarili ko sa makabuluhang bagay. Nag aral din ako ng mabuti. Tsaka.. Inenjoy ko buhay ko, Dota. Computer. Gala dito Gala don. At kung anu ano pag kasarapan sa buhay. Wala naman problema sa pera dahil Both parents ko ay Doctor. Kaya nga nagamot na yung mata ko kasi dati lumabo ito at nabanlag pako pero nagamot naman ako nila Mommy. Kaya di na rin ako naka eyeglasses,. Mahilig pala ako sa Basketball. Kaya nga excited ako tuwing Liga sa amin. Kasi lagi ko nakikita si Giorgina. Pinagmamasdan ko siyang magcheer o manuod sa kapatid niya, si Dave. Kaibigan ko din si dave nagkakalaro kasi kami nun Dota. At minsan basketball. Magaling mag basketball si Dave, varsity yun at MVP sa school nila.

Kaya taon taon kapag Liga inaantay ko talaga siya sa court. Naalala ko pa dati. Nanalo siyang Muse nun. Ang cute niya nun kaso ang kapal ng pagkaka make up sakanya mukha na siyang clown pero Para sakin BARBIE DOLL siya. Tsaka, mas bagay kasi sakanya ang Pagkasimple niya. Simpleng babae lang si Giorgina ., pero dati mahilig yun sa accesories. Pero based sa nakikita ko sakanya ngayon ay sobrang simple nalang niya, ni hikaw, di siya nagsusuot, siguro kapag aalis nalang.

Magaling palang kumembot si Giorgina. Kaya namangha ako sa pagmomodel niya nun ang Ganda kasi niya at Ang galing kaya bagay lang sakanya yung Title na "BEST MUSE". Sa tuwing naalala ko yun, napapangiti ako kasi nung time nayun. After ng Parada nga nun ng mga Muses .. Nagkita kami ni Giorgina sa court. At tinawag ko siya. "Giorgina!" tapos ngumiti ako nun. Lumingon naman siya at ngumiti din siya sakin. Yung ngiting yun,, SOBRANG NAMISS KO YUN., lalo na yung may-ari ng Ngiting yun. Psh. Hay nako giorgina! Ginugulo mo nanaman isip ko.

Pero kahit ganoon, sobrang naging masaya pa din naman ako nung mga panahon na hindi na kami close ni giorgina,. Kasi pinilit kong maging Masaya. Kasi si Giorgina,, Masayang masaya na siya.

Giorgina POV

Yung mga panahon hindi na kami close ni Victor.. I mean Bitoy ko. Malungkot ako nun. Kasi namimiss ko na siya, sobra! Yung mga ngitian namin. Tawanan , kulitan , yung pagbuhat niya sakin at pagsalo mula sa slide, at kung anu ano pang moment namin dati, I really missed him.. So much.

My Kinder Crush (Three Shots)Where stories live. Discover now