Pagnanasa

406 6 3
                                    

Sulyap ng mga mata,

Titig na tumutunaw,

Napakaamong mukha,

Paningin ko'y napukaw.

Ngisi imbes na ngiti,

Ibang init ang hatid,

Nakakagat na labi,

Ano ang nais ipabatid?

Dila'y inilalabas,

Pinagpapawisang wagas,

Napakahirap umiwas,

Sa pagnanasang bumabakas.

Sa aking kakatitig, hindi ka umiwas,

Ngunit lumalambot iyong tikas,

'Di na makapaghintay kumain,

Nang matamis na nakahain.

Kasalanan mang tumingin,

Maging ito'y hindi akin,

Ngunit labi ko'y nais sumimsim,

Dito sa napakalamig na ice cream.

- I cannot fight this feeling anymore! lol

Kwadernong Puro TulaWhere stories live. Discover now