Chapter 05

4 1 0
                                    

Ilang beses akong nag simulang gumawa ng layout. Guhit, bura lang din naman ang nangyayari. Alam kong wala ako sa sarili ngayon at marami akong iniisip, pero sinusubukan ko pa rin na mag isip ng layout para sa project. My personal life shouldn't affect my career.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I packed my things and went downstairs para makauwi na sa Manila. It was 5 in the morning when I saw Lola cooking at the kitchen. Si mama naman ay nag wawalis doon sa may tapat ng bahay.

Lumapit ako kay Lola saka siya niyakap patalikod. Bahagya pa siyang nagulat pero hinayaan lang din ako. Hindi ko alam kung kailan ako muling makaka balik dito, kailangan ko rin sulitin.

Nang kumalas sa pagkakayakap ay inaya pa akong mag agahan muna sa bahay pero maagap akong umiling. Kakain nalang ako habang buma-byahe.

Hindi na nakipag talo sa'kin si Lola at hinayaan na akong maka alis. Sinabi niya rin na hindi dito natulog si Attorney dahil may emergency daw kaya kagabi pa lamang ay umalis na.

Si Vryle naman ay tulog pa. Mukhang napagod sa bonding nila kagabi ni Attorney. Ayoko naman siyang gisingin dahil mukhang masarap ang tulog.

Lumabas na ako ng bahay saka nakitang nag didilig na ngayon ng mga halaman si Mama. Bahagya akong lumapit sa kaniya saka siya niyakap.

Tinugon niya ang yakap na ‘yon pero may iba pa ring hatid sa'kin. Parang yakap na ginagawa natin dahil niyakap lang din tayo ng isang tao. Wala akong maramdamang pagmamahal.

"Si Papa po?" Tanong ko nang maputol ang yakap.

"Hindi siya umuwi. Mukhang nagkasiyahan talaga sila kagabi at hindi na kinayang umuwi. Pupuntahan ko na lamang siya roon kay Tiyo Miguel mo." Sabay peke siyang ngumiti sa'kin.

I know she's lying. I heard Papa in their room. Manipis lamang ang pader kaya rinig na rinig ko silang nagtatalo kagabi.

Rinig ko rin ang pagbalita ni Mama kay Papa na narito ako. Narinig ko rin kung ano'ng naging reaksyon ni Papa sa pag punta ko.

I heard Papa smirked after knowing I was here. "Bakit siya narito? Hindi niya ba ramdam na hindi siya welcome rito?"

"Roberto--"

"Hinanap niya ba ako?" Boses iyon ni Papa na mukhang nandidiri sa kaniyang sinabi.

"Oo." Sagot ni Mama.

"Kailan siya aalis? Ayoko siyang makita." Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko dahil sa mga naririnig pero tinatatagan ko ang loob ko. Kararating ko pa lamang ay gusto na niya akong umalis. Bakit siya ganiyan?

"Bukas. Pinilit lamang siya ni Mama na dito mag palipas ng gabi." Saad ni Mama.

"Mabuti naman. Sabihin mo sa kaniya na hindi ko siya gustong makita." Dagdag pa ni Papa.

Tanging ngiti ang iginanti ko kay Mama bago tuluyang lumabas ng gate. I entered my car saka pinaharurot ang sasakyan papuntang Manila.

I can't force them to love me. Gano‘n naman ‘yon ‘di ba? You can't force someone to love you. If they really want to treat me this way, okay lang sa'kin. I know Mama still care for me. I'm still hoping that she, really has some care for her daughter. And I'm silently praying that Papa as well, will treat me like his princess.

Nang nasa tapat na ako ng unit ay napatingin ako sa kabilang pinto. Naka lock ito. Akala ko naka uwi na siya kagabi pa? Baka nasa trabaho lang or baka may pinuntahan. Ano bang pakealam ko?

I entered my room and lay on my bed. Yesterday was so tiring at wala akong sapat na tulog. Wala rin akong nasimulang layout dahil sa mga iniisip ko. Naisip ko rin yung sinabi ni Ryder kagabi. Kung sino ang tinutukoy niya. Sabi ni Vryle no‘n, ‘Mama’. May cancer ba ang Mama ni Ryder?

More than This (ONGOING)Where stories live. Discover now