Chapter 22 - Honey

10.1K 167 22
                                    

Chapter 22


Kiray's POV

"DANNA!?" Sigaw ni DJ. Teka nga bakit niya kilala tong babaeng mukhang clown sa kapal ng make-up. Sinetch itech? "Oh hi DJ! Andito ka rin pala. Long time no see." Sabi nung clown sabay ngiting tagumpay. Ay ano to? Kunwari di alam na andito si DJ? Nako girl di ka marunong umarte. Hindi pang famas!


"Danna what are you doing here?" Tanong muli ni DJ. "May binibisita lang. And you? Oh I bet dito ka nag-aaral, Am I right? Mygosh! What a co-incident. What to you call this? Destiny? Meant to be?" Sabay ngisi. Nako ha! Nanonosebleed ako sa kanya. hindi uso tagalog te? Destiny agad? Meant to be agad? JUSKO.



"For pete's sake wag kang mag-inarte na parang wala kang alam. Oh c'mon kilala na kita. Can you just please answer my question honestly. What are you doing here!?" Sigaw ulet ni DJ. HALA. Ano ba talagang nangyayari? Magkaano-ano ba silang dalawa? "You really wanna know what I am doing here huh. Well I WANT YOU BACK HONEY." I want you back hon? What is the meaning of this!? Omg!



"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT!?" Sigaw ni Kath. Hala ka. "Are you deaf? Sabi ko I want him back. And excuse me who the hell are you?" Nako sobrang nosebleed na to dalhin niyo na ko sa hospital pls. Isinghot mo lang yan Kirs kaya mo yang inglesan na yan.


"Oh well I'm Kathryn DJ's GIRLFRIEND BITCH." Sagot naman ni Kath. Nako kitang-kita sa mata ni Kath na naiinis na siya ng bonggacious. Buti na lang kokonti na lang yung mga tao dito sa canteen.



"Bitch? EXCUSE ME!?"Ay bingi te? Bitch ka nga daw. "Oh sige dumaan ka na." Sarcastic na sabi ni Juls. Nubayan may ex nanamang umeeksena. Una si Barbie, si Sam tapos Danna naman ngayon.


"Pwede ba umalis ka na!" Sigaw ni DJ kay clown. Sinunod naman siya nung clown pero bago siya umalis nag-iwan pa siya ng linya niya. Yes taray! "Aalis ako ngayon pero tandaan mo to Daniel makukuha rin kita, makukuha rin kita ulet. At ikaw *turo kay Kath* di pa tayo tapos." At tuluyan na siyang umalis.

Binigyan ng matalim ng tingin ni Kath si DJ. "Kath, magpapaliwanag ako."



"Yeah right! Explain mong mabuti, HONEY!" Sigaw ni Kath sabay walk-out. Hay, sana naman magkaayos na sila agad.



Yen's POV



"Hey Neil sandali nga lang!" Sigaw ko sabay hila sa kanya. Napapagod na ko kakahabol sa kanya ee. "ANO!?" Sigaw ni Neil.


Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Neil please wag ka namang magalit oh." Pakiusap ko sa kanya. Nakakatakot kasi siyang magalit ee.

"Sinong di magagalit kapag sinabi sayo ng girlfriend mo na gusto niya ng makipag-break sayo ng di mo alam kung anong pesteng dahilan niya!" Sigaw niya pa ulet. Naiiyak na ko pero pinipigilan kong tumulo yung luha ko. Oo gusto ko ng tapusin toh, ang pagkukunwaring ito.

Ilang linggo ko na rin pinagisipan ito. Tama na. "Neil magka-iba yun. Sila totoo yung relasyon nila, tayo hindi. Gusto ko lang tapusin na yung deal." Halos maibulong ko na yung huling salita na yun. Ang sakit lang kasing isipin na kasundan lang to.



"BAKIT!? ANO BANG PROBLEMA MO YEN!?" Sigaw niya ulet sakin.



"KASI NEIL MAS LALO KITANG MINAMAHAL. AT SOBRANG SAKIT NA UMAASTA KA LANG NA BOYFRIEND KO DAHIL SA LECHENG DEAL NA YAN!" Sigaw ko rin sa kanya at ang luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak ay tumulo na ngaun, lintik naman oh.



"Mahal mo rin ako?" Tanong niya sakin. Napakunot ang noo ko? "Oo mahal rin kita, unang kita ko pa lang sayo naattract na agad sayo. Kaso di ko alam kung paano ka liligawan kaya dinaan ko na lang sa pang-iinis. I love you." Tugon niya at hinalikan ako sa noo.


"Well, well, well. Ang taray pang-ilang episode na ba yan ng teleserye niyo?" Tanong ni Sam. Umeeksena nananan ang lecheng toh. Masaya na kami eh pwede ba.


"Pwede ba Sam tigilan mo na kami." Pakiusap ni Neil. Pero matigas talaga tong Sam na toh. "NO!  Sisiguraduhin kong mapupunta ka sakin Neil." Push pa more. Hindi ka nga mahal eh. Pinagpipilitan? Uhaw sa pagibig. Hindi hindi niya kami mapaghihiwalay ni Neil. Nagaaksaya lang siya ng oras. Nakakatawa siya.



Enrique's POV



"I love you too." Pagamin ko kay Zharm, halata namang kinagulat niya ito. "Isang buwan na rin ang nakalipas nang aminin mong mahal mo ko." Paninimula ko, nag-iwas naman siya ng tingin.

"Sinubukan kitang iwasan. Pero habang lumalayo ako, mas narerealize ko na kailangan kita. Hindi kita kayang mawala." Dagdag ko.

Niyakap ko siya. "Alam ko mahirap paniwalaan. Pero araw-araw kong ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal." Saad ko.

Hinalikan ko ang ilong niya. "I love you." Sambit kong muli, habang kinukulong ko siya sa aking bisig. "I love you too." Tugon niya at niyakap ako pabalik. Naramdaman ko na lang na umiiyak siya sa sobrang tuwa. Haha. Iyakin talaga.

Nabulag ako sa ibang babas dati. Yung babae palang deserving sa pagmamahal ko lagi lang palang nasa tabi ko. Ang tanga ko dahil ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng ito. Pero buti nalang meant to be talaga. Napakasaya ko. Wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan namin ni Zharm.


Daniel's POV



"Please let me explain." Habol ko sa kanya sabay hawak ko sa braso niya. "Let me go."



"Please reyna ko let me explain first." Pakiusap ko sa kanya. Binigyan niya ako ng walang emosyon na tingin.



Hindi pa rin niya ako iniimik. Pero gaya nga ng sinabi ko magpapaliwanag ako. "Si Danna ang isa sa mga ex-girlfriends ko. Siya ang pinaka-una at inaamin ko minahal ko siya bilang kaibigan, pinilit ko ang sarili ko na mahalin siya kaya lang hindi ko talaga kaya, it's just for fun. Hindi ko alam na bumalik na siya ng Pilipinas ngayon ko lang siya nakita ulet after 5 years I think. And for pete's sake my queen, wala akong balak balikan siya dahil ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. At di ko hahayaan na may sumira ng relasyon na to. I love you. Ipaglalaban kita kahit saan, kahit kanino." Pagpapaliwanag ko.


Ngumisi siya. "Siguraduhin mo lang Daniel. What's mine, is mine. You are mine, just so you know." Pagpapaalala niya sakin. Alam ko. Hindi ko naman nakakalimutang yun eh. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

Kung bat ba kasi umeksena yung babaeng yun eh. Masaya na ko ngayon, tapos biglang may maninira. Mahal na mahal ko si Kath, at walang makakasira saming dalawa. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ang aming relasyon.

Forever And A Day (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon