Chapter 9 - EK Moments

16.1K 229 34
                                    

Chapter 9



Daniel's POV

"Ahhh! Ahhh! OMG! OMG!" Kung makasigaw naman tong babaeng toh wagas. Ang sakit kaya sa tenga. Bungangera talaga tong babaeng toh. Hayop. "Huy Kath, ingay mo." Siya kasi mag-aaya siyang sumakay dito tapos ngayon sisigaw siya. Napakaunpridictable talaga nitong babaeng toh.



"OMG! OMG! It's so high!" Dineadma lang ako? Hayaan mo na nga lang, isusuot ko na lang tong headphones ko at i-100% ko yung volume para di ko siya marinig. Ang sakit sa tenga ng mga sigaw niya eh. "OHMYGOLLYGOSH, we're going down na DJ." Sabay yugyog sakin. Hanep ah, kahit 100% na yung volume naririnig ko pa rin yung sigaw niya. Iba na talaga ang nakalunok ng megaphone noh. Hindi ko nga siya pinansin, dineadma ko rin siya. Bawi-bawian lang yan dre.



Maya-maya tumahimik na rin siya, hay salamat. Tapos na 'yong kantang pinapakinggan ko at ang now playing na ay "mahal kita kasi." Ang cute kaya nitong kantang toh. Haha! Kadiri ang bakla, e bakit ba walang basagan ng trip.



"Bangin ka ba kasi, kasi nahuhulog na ako sayo naman kasi." Yan yung first line ng kanta. Kinakanta ko siya ngayon syempre with matching emotions and actions pa. San ka pa gwapo na singer pa. "Unggoy ka ba kasi, kasi sumasabit ka sa puso ko naman kasi. Pustiso ka ba kasi, kasi you know I can't smile without you." Pagpapatuloy ko pa sa pag-kanta. Eh bakit ba, feel na feel ko kaya. Haha!



"Pagod na pagod na ako maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko." Ito na susunod na ang pinakapaborito kong parte ng kanta. "Kasi naman kasi mahal kita ah-ah-ah-." Tapos napatigil ako sa pagkanta nang may narinig akong tumatawa. Tinanggal ko 'yung headphone ko. Nakita ko si Kath na kulang na lang humiga na sa sahig sa kakatawa.



"Anong nakakatawa Kath?" Mataray kong tanong syempre kunwari walang nangyari, kunwari wala akong ginawa. "Wala!" Sagot niya pero patuloy pa rin siya sa pagtawa.



"Psh! Halika na nga baba na tayo. Kanina pa pala tapos yung ride di mo man lang sinabi." Nakita at narinig pa tuloy niya akong kumanta, nakakahiya. Ano bang naisip ko't napakanta pa ko.



"Hahaha! Duh, I told you kaya di mo lang narinig busy ka kasi sa paggawa ng music video mo eh." Di naman masyadong halata na nagpipigil siya ng tawa ha. Banggitin ba naman daw ang music video? "Tsk! Halika na nga." Sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaya lang hinawakan ko na 'yung kamay niya na siya namang ikinagulat niya at tsaka ko na siya hinila. Haha! Crush ako neto, promise ramdam ko.



Kathryn's POV



Ayun! After ilang minuto ng paghahanap and paglalakad nakita na rin namin ang barkada. Gutom na ko, ayain ko nga ang barkadang kumain. I'm so hungry.



"Hey guys! Hungry na ko, kain na tayo?" I asked them.

1

2

3 minutes, 3 minutes na akong naghihintay  ng answer pero they are just tulala. All of them are tulala except for me and Mr. Yabang.




"Guys are you okay?" I asked them, baka sakaling sumagot. "What's with the hands?" Yen asked *sabay turo sa kamay ni DJ at Kath* Hands? Me and DJ looked at our hands. Then ngayon lang namin na-realize na hanggang ngayon pala his holding my hand. Agad-agad naming binawi 'yung hands namin. Wala ni isa ang nagsalita, AWKWARD.



"Ehem. Kayo ha." EJ, with a pang-aasar tone. "Oo nga kayo girl ha, anong meron?" Kiray asked. Pag hawak niya 'yung hand mo may something na kaagad Kirs? "Para-paraan ha." Diego said with a pang-aasar ngiti on his mukha.

"A-ah, tara guys let's eat na. Tara." I said. Change topic? Yeah, it's uso. Haha! After kong magsalita ginuyod ko na agad si Juls, Yen at Kirs. "Ah oo nga tara na gutom na rin ako eh." DJ agreed. "Change topic?" Neil said. Papansin talaga ever. "Gago! Tara na!" Haha! So kulet kasi ni Neil e, ayan tuloy na-mura ni DJ. I looked at him and I smiled at him. I gave him a look na thanks-for-agreeing-to-me-kanina. I think he gets it naman eh kasi he smiled back and he gave me a look na your-welcome.



"Huy girl 'yung ngiti mo abot hanggang heaven." Komento ni Yen. Chusera. Haba. "Girl tama na ang smile baka maihipan ka ng hangin dyan. Sige ka." Kirs said with a pang aasar tone. Uso rin eksenadora eh noh. Haha! "Mga baliw." I said with a huge smile on my face.



"Kaw girl ha. Haha!" Juls said with a kinikilig voice. "Haha, sira!" sabi ko kay Juls. Ang lalakas talaga nilang mag-asar.



Neil's POV

Aba akalain mo 'yun may POV ulit ako? Haha, nga pala andito kami ngayon sa may cr. Nagpalit kasi kami ng damit kasi basang-basa kami galing sa logjump. After 30 minutes lumabas na rin kami sa cr, nakita namin ang girls na kalalabas lang rin sa cr.



"Girls nasan nga pala sila Kath?" Tanong ni EJ. "Oo nga Juls nasan sila Kath?" Si Julia lang talaga ang tinanong mo Diegs? Damoves! "Si Julia lang talaga tinanong mo pre?" Pang-aasar ko. "Oo nga Diegs, ikaw ha." Pang-aasar din ni Yen. "Yiiiieeeee! Namumula si Juls." Pang-aasar rin ni liit este ni Kiray. Haha!



"Mga sira tara na nga hanapin na natin sila Kath." Sabi ni baby Juls. Change topic? Naniniwala kaya ako sa kasabihan na ang taong iniiba ang usapan ibig sabihin may itinatago o di kaya KINIKILIG. "Oo nga tara na nga kung anu-ano pa sinasabi niyo dyan." Sabi ni Diego. Kitams? Tama ako sa kasabihan ko.


At finally nang makita namin sila, magkaholding hands? Aba! Iba na toh eh. Dumadamoves rin tong Daniel na toh. Nuxx!

Habang naghahanap kami ng pwedeng makainan abot langit ang ngiti nitong Daniel na toh.



"Huy pare 'yang ngiti mo abot hanggang tenga." Sabi ni Diego. "Naku pare baka maihipan ka ng hangin nyan." Pang-aasar ko kay DJ. "Mga gago!" Sabi naman niya pero nakangiti parin? Inlove na yata ang gago.



"Kaw pare ha dumadamoves ka kay Kath." Sabi ni EJ, dineadma niya lang? Pero nakangiti pa rin? Nako iba na talaga toh.  "Ay naku malala na 'toh." Sabi ko kila EJ at Diego. Oo nga!" Sabi naman nilang dalawa pero deadma pa rin? Malala na nga. Haha! For sure, inlove na toh. Nainlove na rin ang playboy sa wakas.



Forever And A Day (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon