Pang pitong Tula

12 2 0
                                    


Pang pitung tula bago matatapos
Pang pitung tula at hindi na magagapos
Kahit sa ulan hindi na ikaw ang naaalala
Hinawakan ng puso ko sa pangalan mo'y huling letra

Kagaya ka ng buwan sa aking paningin
At ako si araw na hindi mo talaga napansin
Napansin mo nga, pina asa naman
At ako naman ang tangang  hindi mo pinahalagahan

Naghihintay lang ako sa'yong atensiyon
Pero kahit kunti wala kang emosyon
Matatapos na ang itong tula
Matatapos na kitang ipapaksa

Bakit pag ako yung magmahal
Palagi nalang may bawal
Kailan ba ako pwedeng sumaya
Kailan ba ako pwedeng lumigaya

PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora