Part 1

126 6 9
                                    

Boy's POV:

Nakaupo ako ngayon sa upuan, sa ilalim ng tent. May ano ba ngayon? Foundation day lang naman ng college namin. Architecture ang course ko. Kakatapos pa lang namin mag lunch ng mga kaibigan ko, and I'm so bored. Tinitignan ko na lang yung mga taong dumadaan sa tent namin.

Biglang may nagnakaw ng atensyon ko, grupo sila ng magkakaibigan. Lahat babae. Magaganda sila. Yung una kong nakita, shoulder length ang haba ng buhok, medyo maitim pero tama lang, bagay naman sakanya. May braces siya. Yung isa naman, matangkad, pinaka-payat sakanila, okay naman siya pero hindi ko type. Yung isa, maliit, kulot yung buhok pero hindi yung tipong kulot na magulo tignan. May ribbon siyang clip, bagay sakanya at maputi, cute siya, bagay sa height niya. Yung pinakahuli, chubby, maputi, may salamin, mahaba yung buhok at cute. Siya ang pinaka cute sakanila, singkit kasi. Mahilig ako sa mga singkit. Haha. Saka merong something sa itchura niya na parang gusto mong titigan para malaman mo yung ano yung something na yun.

Dadaan na sana sila sa tent namin, kaso yung tatlo, bumalik dun sa tent nila para may kunin, eh nangunguna yung chubby na maputi kaya 'di niya nahalata, naawa nga ako eh, para siya dun bata na nag iisa, yung parang gusto mong samahan haha. Pero alam niyo yung pinaka nakakagulat?

Nung nalaman niya na iniwan siya, biglang siyang nag salita, at ang sinabi niya..

"P*ta ba't iniwan nila ako?" Hindi ko masyadong narinig pero basang basa ko sa mga labi niya (Teka, ba't ako nakatingin 'dun? Haha)

Nagulat ako sa sinabi niya, akala ko talaga, siya yung tipong inosente na slow na kailangan i-explain mo sakanya ang mga bagay bagay at sa sobrang pagkagulat ko, 'di ko napansin na nakatitig ako sakanya, pano ko nalaman? Nagkatinginan kami eh. Ang itsura niya noon? Isang malaking question mark, nag tilt pa nga yung ulo niya, natuwa naman ako nun kasi ang cute niyan tignan. Sana naka-tilt na  lang lagi yung ulo niya. Haha biro lang. Tapos nginitian ko na lang siya nun, pagkatapos inalis niya yung tingin niya sakin at bumalik kung nasaan yung mga kasama niya. Nahiya siguro. Haha. Ang cute talaga noon, alam ko, high school pa lang to. Haynako. Sayang, konting segundo ko lang siya natitigan. Gusto ko sanang lapitan at kurutin yung pisngi. Pero nahihiya ako.

Maya maya, bumalik nanaman sila at sure ako na dadaan na talaga sila. Ngayon magkakasama na sila, may lollipop na siya sa bibig niya at nag tatawanan sila ng mga kaibigan niya. Ang cute niya talagang tignan, 'di ko alam pero sinundan ko siya ng tingin, nung palayo na sila, tinignan niya ako at ngumiti.

Di ko ulit alam pati na rin maipaliwanag kung bakit biglang uminit yung mukha ko. Naisip ko, makikita ko ba siya ulit? Sa laki ng eskuwelahang ito? Parang imposible.

---

Thank you :D

How Do Strangers Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon