Chapter Twenty Six

248 12 5
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Twenty Six

Nakalabas na kami ng parking lot nang magtanong ako kung saan kami pupunta.

"Let's eat first," sagot niya.

"Saan?"

"Where do you want?" Itinigil muna niya ang kotse sa tapat ng building.

Nawalan na ako ng gana kumain kanina pa pero parang wala naman akong choice kundi sumama. "Bahala ka."

"Do we have a favorite restaurant?" tanong niya.

I looked at him confusedly. Bakit bigla naman niyang naisipang magtanong nang tungkol sa nakaraan? Hindi niya ba alam na hindi ito good time para mag-reminisce?

"Wala sa malapit," simple kong sagot.

"Are you already hungry?"

"No."

"Well, then let's go to where we used to eat before," sabi niya sabay abot sakin ng phone niya. "Put in the address."

At dahil wala naman ako magagawa, binuksan ko na ang phone niya. Nagulat ako sa litrato na gamit niya as wallpaper.

It's a picture of a sunset. But not any sunset. Sigurado ako na kuha ito sa tabing dagat kung saan ko siya huling dinala.

Paano kaya niya nakunan 'to? Saka kailan?

"'You done?" tanong niya.

"Ha?" tulala ko na namang tanong.

He smiled. "I said, are you done?"

"Ah... Hindi pa. Password mo?"

"1234," sabi niya bago pa niya maiabot pabalik sa kanya ang phone.

Ganda ng password ah. Creative.

Binuksan ko ang phone niya at hinanap ang location guide app at inilagay ang address kung saan alam kong madalas siyang kumakain dati.

"Malapit 'to sa campus. Malayu-layo 'to kaya magdrive ka na," ani ko sabay lagay ng phone niya sa dashboard.

He started driving, habang ako pinipilit na maging komportable sa loob ng kotse niya. Hindi ko masyadong naalala ang itsura nito noong una akong sumakay dito kasi sobrang kinakabahan ako noon. Iyon iyong araw kung saan pinlano ko na ang closure naming dalawa.

Pero ito siya. Gusto ng closure pero hinihila pa rin ako sa kung saan-saan.

Tiningnan ko ang dashboard ng kotse niya. Malinis katulad nang dati niyang kotse noong college pa kami.

Tumingin ako sa gilid ko at napansin ang isang coffee cup na nakalagay sa kanyang drink holder.

Katulad ito ng brand nang kapeng nakita ko sa desk ko ngayong umaga. Brand na wala namang malapit na branch sa office namin.

Napansin niyang naguguluhan ang mukha ko. "Are you alright?"

Tumango ako at nagtanong. "Where did you buy your coffee?"

"I don't know. Shelby bought it for me," sagot niya.

Ano 'to? Si Shelby ang nagbibigay sakin ng kape? Malabo naman ata 'yon. 'Di naman kami close eh.

"Why? Did you like it?" he asked.

"Ha?"

"Tell me if you do, so I can buy you again," sambit niya.

Again? Anong again?

"Teka, are you the one leaving coffee on my desk?" nagtataka kong tanong.

Heartstrings Attached IINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ