The Girls behind everything (Last Chapter)

29.9K 229 99
                                    

Third Person's POV

Ngayon ay humahagulgol si Katie sa dibdib ng dating manliligaw...

Oo, si NATHAN.

"Bakit ba ikaw na lang ang laging nandyan kapag may problema ako?!" hingit nya ang polo ni Nathan. "Bakit ba ikaw na lang lagi?! Hah! Bakit.... b-bakit... hindi na lang..... sya?" nanlulumo sya ng sabihin ang mga huling katagang iyon.

"Shhh... sige lang. Iiyak mo lang yan. I'm right here. Hindi na kita sasaktan." he said while patting her back to ease away the pain even just a little.

Sa totoo lang, nahihirapan syang makita ang babaeng minahal nya at minamahal nya ay nasasaktan ngayon dahil sa taong mahal nito. Ang tagal nyang nagdusa para dito, ang tagal nyang naghirap para lang hindi ito masaktan pa, pero ano ito ngayon? Labis pa din itong nasasaktan.

"Nate.. Ang sakit eh. Bakit sya ganon? Bakit pinaramdam nya sakin yung mga bagay na wala pa lang katotohanan?"

"Kat---" magaadvice sana sya kay Katie pero natigilan sya sa sumunod na sinabi nito.

"Bakit ba pareho niyo kong sinaktan? Bakit pareho kayo?!"

At hindi nya  na mapigilan ang mga luhang umaalpas kanina pa mula sa kanyang mata... Nahihirapan syang isipin na wala syang magawa para dito. Dahil alam nyang kahit anong gawin nya, hindi nya ito mapapasaya katulad ng saya na naidulot ni Renz para dito.

At alam nya sa sarili na isa sya sa dahilan kung bakit ito nahihirapan ngayon. Alam nyang walang kaalam-alam si Katie sa mga nangyayari sa paligid nito ngayon.

Kaya napagdisisyunan nya na gagawin nya na ang tama, kahit pa masakit sa kanya.  Pero gagawin nya, alang-alang kay Katie.

"Katie... there's something you need to know."

-------------------------------------------------------------------------

Patungo ngayon si Katie sa bahay ng may alam ng lahat. Ang sabi sa kanya ni Nathan kanina, ito lang daw ang makakapagsabi ng totoo sa kanya.

Pinipilit pa nga sya ni Nathan na sasamahan sya pero hindi sya pumayag at sinabi nya pang magpapakamatay sya kapag pinilit pa ni Nathan kaya naman tumigil din ito sa pagpilit.

 

~Ding dong

~Ding dong

~Ding dong

"Wait! Coming." sabi ng isang boses ng babae mula sa loob ng bahay.

Nakatayo na sya ngayon sa harapan ng gate nito.

DayDreaming (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon