Sa mga minamahal kong May-akda sa Wattpad

108 3 2
                                    

Masyado ka atang na-overwhelm sa dami ng fans at votes mo sa story na yan...

Ang tanong, may balak ka pa bang tapusin yan?

O uutuin mo nalang lahat ng readers mo na patuloy paring basahin ang 'wala na sa original plot' slash 'wala nang koneksyon sa prologue' mong kwento?

 .

Hanggang ilang chapters ba ang gusto mong maabot, Isang libo?

Ilang beses ka nabang nagpa-'xxx votes para sa new update' sa mga readers mo?

Balak bang libutin ng mga karakter sa istorya mo ang buong mundo at maya't maya nalang iba ang theme at plot mo?

Na kadalasan lang namang nangyayari ay mag-aaway at magbabati rin naman ang peg ng bida?

Na lagi nalang ang rason ng away ay si kontrabida?

tapos magsi-sequel ka dahil mamamatay ang isang bida?

Na sa sequel ay malalaman ko na lang ang pagkamatay niya ay joke lang pala?

napahiling nalang tuloy ako na "Sana namatay nalang pala talaga siya".

 .

Hanggang ilang book ba ang balak mong gawin?

Para lamang mapanatili ang ranggo mong mahirap akyatin.

Oo nga't ika'y magaling, ngunit tanong ko lamang: "wala ka na bang ibang maisip kaya ipinagpatuloy mo nalang ang iyong maganda sanang lathalain?"

Oo nga't nakakakilig ang bidang magkasintahan, pero wala na ba silang alam gawin kung hindi mag-away-bati na lamang?

Oo nga't nakakaaliw at nakakatawa, ngunit hindi mo na ba namalayan na ang plot ng iyong istorya ay lumihis na?

Oo nga't nakakalibog, ngunit wala na ba silang ibang alam na gawin kung hindi mang-alindog?

Ang iyong istorya ay maganda na sana, kung hindi ka lamang nagpaapekto sa sinasabi ng iba.

Ang mga papuri nila at maging ang mga 'sana-si-blank-at-si-blank-ang-magkatuluyan' o 'sana-may-book-2/3/4/5/6....+infinity' nilang hirit, maaari rin namang pakinggan ngunit wag masyadong magpahagip.

 .

Isipin mo muna ang kahihinatnan ng iyong istorya bago magpadala sa inilalabas ng kanilang mga labi. 

Sa mga minamahal kong May-akda sa WattpadWhere stories live. Discover now