SCENE 11

973 31 5
                                    

MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: IF THEY ONLY KNEW

(SCENE 11)

H A N S

Pinihit ko ang doorknob ng pintuan sa kwarto ni Macoy. Palibhasa nasa school siya ngayon kaya naman ay malaya akong nakakapasok dito sa munting lugar na sumasaksi sa totoong pagkatao ni Macoy. I mean, walang halong malisya gaya na mga nauna kong nasaksihan sa kanya, kundi iyong totoong si Macoy, na hindi nakikita nang karamihan.

How I wish na kayang magsalita nang apat na sulok ng silid na ito para sila na ang mag kwento sa akin ng mga bagay na nais ko pang malaman tungkol sa kanya.

Humakbang ako hanggang sa tuluyang mahawakan ng kamay ko ang painting na natatakpan ng puting tela, tinanggal ko ang nakatakip dito at pinag aral ko nang mabuti ang makahulugang ipininta niya. Hindi ko man lubusang nauunawan ang kahulugan ng pintang tinitingnan ko ngayon, pero sapat na iyon bilang pagpapatunay kung gaano kalalim si Macoy bilang tao.

Muli ko pang iginala ang paningin ko sa paligid. Mula sa mga dingding na mayroong nakasabit na sariling paintings niya, sa ayos ng mga picture frame niya, sa mga libro sa shelves, maging sa pagkakapwesto ng closet at drawer niya at sa iba pang mga gamit na alam kong mahalaga sa kanya. Bawat detalye ng pagkaka-design ng kwarto ni Macoy ay nagsasabi kung gaano siya ka-fashionate--tulad na lang kung paano niya ipinta ang mga obra maestra niya.

Kinuha ko ang isang picture frame na may litrato niya at mataman ko iyong pinagmasdan.

"Bakit hindi ko nakikita ang mga ngiting 'yan Macoy? What can I do to make that smile back?"

At dala pa rin ang picture frame niya ay nahiga ako sa kanyang kama. Kinuha ko pa ang unan niya at nakapikit akong inamoy ito. Iniisip na nandidito siya ngayon sa tabi ko, nakangiti at hindi nagagalit.

"Bakit ngayon lang tayo nagkakilala Macoy? Sana noon pa.." saad ng isip ko habang pinagmamasdan pa rin ang litrato niyang hawak ko.

Nasa ganoon akong pagmo-moment nang biglang mag-vibrate ang phone ko mula sa aking bulsa.

"Good morning, sorry for the inconvenience. But is this, mr. Samonte?"

"Yes, speaking.."

"I'm mr. Rodriguez. Macoy's teacher in History."

"O-okay.. what is this all about?"

"Seems like he didn't tell you yet.. but we need you to come here in his school. To talk about our concerns with him."

Matapos ang maikli naming pag uusap sa cellphone ng history teacher ni Macoy ay mabilis akong naligo at nagbihis ng mapormang damit, nag shave at ilang minuto ko ring inayos ang buhok ko. Sino ba ang pupurmahan ko doon? Si Macoy? Napangisi ako sa sarili kong iniisip.

Hindi na ako nagulat sa atensiyon na ibinibigay sa akin ng mga kaklase ni Macoy pagkarating ko sa eskwelahan. Hindi man sa nagmamayabang, pero nung nasa America pa ako, ay minsan nang may nag suggest sa akin na mag-model or mag-artista. Pero hindi iyon ang goal ko, nung mga panahong iyon kaya hindi ko pinansin ang mga suhesiyon nila.

Nang makarating kami sa faculti
y ng eskwelahan ay hindi na nga nagpaligoy-ligoy pa ang teacher ni Macoy, na nagpatawag sa akin dito.

MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Where stories live. Discover now