Kabanata 4

18 1 0
                                    

Text

Pumasok ako sa double doors. Agad naman akong sinalubong ni Manang.

"Anak--"

"Anak nyo po sya?" Gulat na tanong nung tatlong lalaki na kasunod ko.

Akma nang sasagot si Manang Zobel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong magsinungaling.

"Pamangkin nya ko." Mahinahon kong sagot. Hinawakan ko si Manang Zobel sa balikat at inilayo muna sa mga lalaki.

"Anak, bakit ka nagsinungaling?" Bungad nito sakin nung hindi na kami rinig nung tatlo.

"Ewan ko po. Para hindi na sila tanong ng tanong pa. Kunwari pamangkin nyo ako ha?" Mukhang hindi nagustuhan ni Manang yung sinabi ko pero tumango na lamang ito.

"Sino po pala yung mga yun?" Tukoy sa mga lalaki sa labas.

"Ahh, mababait ang mga batang iyan. Mga haciendero yun." Nangingiti nitong sagot. "Madalas nila akong dalawin dito sa bahay para hindi daw ako mabagot at para walang mag isip na wala akong kasama dito. Baka daw kasi pasukin ng masasamang loob."

Napanguso ako sa sinabi ni Manang at tumango na lang. "Isa po ba sa kanila ang may ari nung Hacienda Ferrante?"

Kunot noo kong tanong.

"Sa kanilang tatlo? Nako, wala sa kanila ang may ari nun. Saglit lang ha, ikukuha ko kayo ng makakain. Hamo at ipapakilala kita sa tatlo."

Nung pumunta si manang sa kitchen ay umakyat na muna ako para mag shower ng mabilis. Hindi na ako nagblow dry ng buhok dahil matatagal pa. Nag pedal na lang ako at simpleng tshirt.

Pagbaba ko ay nagtatawanan na ulit yung tatlo. Kausap nila si Manang na nakikitawa din.

"Oh, ito na pala yung pamangkin ko." Napangisi ako. Naks, umaakting si Manang. Pwede. Hahaha! Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nasa akin nakatuon ang 3 pares ng mga mata.

"Hi! Ako nga pala si Terrence." Agad tumayo at nag offer ng handshake yung lalaking nasa pinakamalapit sakin.

Tinanggap ko naman agad iyon. Spiky ang buhok nya at maputi ang balat. Gwapo plus may dimples pa.

"Raven." Ngumiti ito kaya sinuklian ko din ng ngisi.

"Hi Raven! I'm Cameron. Cum for short." Nakangisi nitong bat, bakas sa boses nito ang pagiging mapaglaro. Spiky din ang buhok nya, parang kay shark boy. Singkit yung mga mata nya tapos perfect yung curve ng lips. Ang gwapo din. Chinito, at tulad ni Terrence ay mestizo ito.

Tinanggap ko yung kamay nya. "Nice meeting yung Cam." I flashed him a soft smile.

Lumanding yung mga mata ko sa lalaki sa dulo. Sya yung nakasabay ko sa jeep at tricycle. Nakangiti sya maging ang mga mata nya. Perpekto ang hubog ng ilong at mapula ang mga labi. May kahawig syang sikat na artista. Yung poging australiano na maganda ang boses.

"Raven." Ngumiti ako at naghintay na banggitin yung pangalan nya pero hindi nya sinabi! Parang nahilaw yung ngiti ko ah.

"I'm Raven, you are?" Taas kilay ko nang tanong. Nagtawanan si Cam, Terrence pati na si Manang!

"I'm Raven." Sambit nito sa baritonong tinig. Natigilan ako.

"Oh, so we share the same name." Bulalas ko. Agad kong ini-offer yung kamay ko para sa handshake. May maliit na ngiti sa labi nito kaya medyo nailang ako.

"So, galing ka daw Manila?" Agad na tanong ni Terrence. Umalis si Manang dahil madami pa daw syang gagawin sa loob.

"Yup. Dun ako nag-aaral." Noon. Maikli kong sagot. Para akong nasa hot seat dahil nakaharap yung upuan nilang tatlo sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For those who are hopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon