Chapter 2

3 1 0
                                    

CHAPTER 2

"EHEM!!, umupo na kayo." napatingin ako sa nagsalita, si Sander isa sa pinakamatanda sakanila. Hindi nga halata na sya yung pinakamatanda eh.

"Tara na guys order na tayo, nagugutom na akooo" sabi ni Han habang nakapout,hanggang sa may bumatok sa kanya

"Eng bekle nemen pere Hahahaha" pang aasar ni Min kay Han. Wala parin silang pinagbago, ganun parin mga makukulit tulad nung Highschool palang kami.

"Ano ba hindi ako bakla noh! baka ikaw??!!" balik na sabi ni Han kay Min

"Naalala niyo pa ba guys nung time na pumunta tayo sa Enchanted Kingdom, yung umiyak si Han dahil hindi niya nakuha yung stuff toy? hahahahaha" tawa ni Jake

"Ayy oo!! naalala ko yan hahahaha parang bading lang hahahaha" balik asar ni Tristan

Ah oo naalala ko rin yan dati, mga grade 11 palang kami. Tawa nga ako ng tawa noon eh, dahil sa hindi nya nakuha yung stuff toy ayun umiyak ng umiyak. Parang bata lang eh noh?

Dumating na kaagad ang mga inorder namin na pagkain. Habang kumakain, hindi ko mapigilan na tumingin sa kanila.

Ang saya saya nilang tingnan, si Dominic na nakikipag agawan ng pagkain kay Han, si Min na nakisali sa agawan nila Dominic, si Sander na sumusuway kay Sam dahil sa makalat kumain, si Jayson at Joshua na nag susubuan ng pagkain, si Jake Tristan at Walter na tahimik na kumakain, si Warren, Vander at Dino na natatawa nalang sa pinag-gagawa ng mga kaibigan.

"Ah nga pala, sa lunes papasok na kami sa paaralan na pinapasukan niyo ni Dominic" masayang sabi ni Jayson.

"Napag usapan rin namin na parehas tayo na bahay na titirahan" excited na sabi ni Joshua.

"At sa bahay ni Walter tayo titira!!!!" masayang sabi ni Sam na may kasamang palakpak pa.

Wait!!! Bahay nino?? ni Walter?? titira sa iisang bubong nitong mga baliw na toh? No way!!!

"Wait!!! kasama ako? teka teka!! ayokooooo!!!" tanggi ko

"Bakit naman bespren? Napag sabihan na namin sila tita na sasama ka samin na tumira at pumayag naman sila." sabi ni Dominic

Tiningnan ko sila isa isa kung totoo ang sinasabi ni Dominic at tumango sila.

No way!! Hindi pwede!!

Hindi naman sa maarte at ayaw silang makasama, gusto ko rin naman silang kasama subalit hindi ko matanggap na kasama ko ulit siya sa iisang bahay tulad nang dati.

"Eh pero, bakit kasama ako? Hindi ba pwedeng doon nalang ako tumira sa bahay namin?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko kung paano sila nadismaya sa pag kakasabi ko nun.

"Hindi ka naman pinipilit eh, kung ayaw mo edi huwag" Sabi ni Walter na biglang tumayo at umalis. Napatingin naman ako sa kanila.

"Tama naman siya eh, hindi ka naman namin pinipilit. Pero huwag naman sanang ganon, kung alam mo lang Carissa." Sabi ni Min at sinundan si Walter.

Anong kung alam ko lang?Bakit? Naguguluhan ako sa sinabi ni Min. Napatingin ako kay Jayson na nag salita.

"Pag isipan mo muna kung sasama ka ba o hindi, para di na sya mahirapan"

Nag taka ako sa sinabi niya. Bakit siya mahihirapan kung siya ang dahilan kung bakit ayaw kong sumama. Siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan sa mga pinag gagawa niya sa akin noon.

"Si Walter rin ang nag offer na doon kami sa bahay niya pwedeng tumira" Sabi ni Han habang kumakain ng drumstick.

"At siya nga yung nag sabi na isama ka, kaya nga nagulat rin kami kung bakit ganon yung sinabi niya bago kami umuwi ng Pilipinas." Sabi ni Joshua na inakbayan pa ako.

Habang sinasabi nila yun, hindi ko maisip na siya pala ang nag sabi sa kanila na pwede akong sumama. Sa lahat ng ginawa niya sakin noon, may natitira pa rin pala siyang bait.

"Alam ko na may ginawa siya sayong kasalanan, lahat naman diba ng Tao nag babago? Malay mo nag bago na siya at gusto niya rin na makahingi ng tawad sayo" sabi ni Tristan na nakangiti sakin.

Hanggang sa pag uwi ko sa bahay, tumatak parin sakin ang mga sinabi ni Tristan. Lahat ng tao nagbabago? Nagbago na siya? Baka humihingi ng tawad? Si Walter magbabago? Parang wala naman sa sistema niya ang magbago.

Sa tuwing nakikita ko yung mga itsura na nadismaya at nalungkot sila sa sinabi ko na hindi ako sasama, nakonsensiya ako. Alam ko naman na namiss nila ako dahil ilang taon na ang lumipas nung umalis sila para mag aral sila sa ibang bansa. At namiss ko rin silang kasama at mga kakulitan nila, kaya nakapag pasiya na ako. Sasama ako di dahil kay Walter, kundi sa mga kaibigan ko na naghihintay.

~~~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waiting in the RainWhere stories live. Discover now