chapter 22

593 23 3
                                    

Makalipas ang mahigit isang buwan ay naka recover na si lisa...

Jennie's Pov's
Makalipas ang pagdarasal at pagpabalik balik sa hospitas ay sa awa ng Diyos nagising na si lisa na ikipinasalamat ng kanyang mga magulang ganun din naman ako at iba pa niyang kaibigan pero hindi pa rin siya nilalabas ng hospital na kung saan siya dinala. Well nandito kami sa school tapos na ang exam namin nung nakaraang linggo pa at hindi naman natuloy ang program dahil pina cancell yun ng mga magulang ni lisa especially wala pa si lisa eh kay lisa ideya yun para sa buong estudyante yun. So ayun nga nandito kami sa school at hindi ko nga namalayan ang paglipas ng mga buwan akalain mo yun mag wawalong buwan na kami dito at pitong buwan naman na kami ni kai wala namang nagbago sa amin o sa akin oo ! Mahal ko si lisa at sinabi niyang mahal niya din ako at yung mga panahong natutulog siya nandun ako sa tabi niya pero kasama ko ang boyfriend ko kaya mas lalo pa akong napamahal kay kai at kinalimutan ko na lang ang mga sinabi ko nung tulog o wala pang malay si lisa malamang naman siguro eh nakalimutan niya na yun o hindi niya na naalala sa tagal niyang nagpahinga at nawalan ng malay hindi na ako umasang may pag asa pa kami at lalo kong binuhos ang pagmamahal ko kay kai na dapat para sa kaniya at ngayong gising na nga siya ay mas mabuti na lang na maging magkaibigan kami dahil ayaw kong saktan si kai at ayaw kong sirain ang pangako namin sa isa't isa habang tulala ako at nakatingin sa langit dahil nandito kami sa parking lot inaantay namin ang driver na susundo sa amin ni jisoo ng tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ako ng text mula kay kai actually mauuna sila sa hospital at susunod lang kami sa kanila matapos namin makapagpalit sa mansion ngayon lang kasi ulit sila bibisita kay lisa kami naman ay napunta doon para may kapalitan sila tito at tita pero tuwing biyernes lang yun ng gabi at sabado dahil pag dating ng linggo ng gabi sila naman dahil kailangan naman namin mag pahinga ng kapatid ko para kinabukasan araw ng lunes papasok naman kami. Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang driver at sumakay na kami ni jisoo at nakita ko siyang nakasimangot kaya nung makasakay kami ng sasakyan eh tinanong ko siya kung bakit pero tinanggal ko muna yung headset ko para naman magkarinigan kami...

Jennie : hoy! Chu bakit nakasimangot ka ? (Pagtatanong ko pero tiningnan niya lang ako ng wala man lang reaksyon bago sumagot)
Jisoo : wala masama lang pakiramdam ko! (Sabi niya hinawakan ko naman siya hindi naman mainit)
Jennie : wala ka namang lagnat ah! Bakit ? Ano bang masakit sayo ! (Dagdag ko pa)
Jisoo : wala jennie ! Pwede ba wag mo muna akong guluhin magiging okay din ako !! (Sabi niya at kita ko yung luha niyang namumuo sa mga mata niya ! Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya naawa lang ako sa kapatid ko ngayon ko lang siya nakitang ganito)

Natahimik na lang ako at hindi ko na nga siya kinulit tulad ng sinabi niya kaya binalik ko ulit headset sa tenga ko at nakinig ng tugtog pero yung mga oras naman ng pakikinig ko para akong sinasaksak sa puso ng mga lyrics ng kantang tumutunog mula sa cellphone ko...

...
Time Skip...
Jisoo's Pov's
Nakarating kami ng mansion ng hindi ko kinikibo ang kapatid ko hindi ko gustong madamay siya ayaw ko lang talaga ng may nagtatanong sa akin lalo na ngayong nasasaktan ako matagal na rin akong nakakaramdam ng selos at sakit sa mga nakikita kong pagkakamabutihan nila jin at rose oo! Nasasaktan ako tama ang nabasa mo hindi ko na kaya yung sakit na dinadala o nararamdaman ko ayaw ko naman sabihin o ipaalam sa kapatid ko dahil bestfriend niya si rose at ayaw kong ako pa ang maging dahilan ng maging alitan nila kung sakali man. So ayun nga nandito ako sa kwarto ko ngayon at hindi ko na mapigilan yung pagpatak ng luha ko siguro mga dalawang linggo na akong ganito dahil mag iisang buwan ko ng nakikita sila jin at rose na magkasama nung unang kita ko naman sa kanila parang wala lang sa akin o parang hindi naman ako apektado o baka naman yun lang yung dapat na pinaparamdam ko sa sarili ko dahil wala naman akong karapatan masaktan ng ganito at mas lalong hindi ko naman karapatang ipaalam dahil hindi naman ako gusto ni rose. Lumipas pa ang ilang minuto ng pag iisip ko nun at pag iyak ng may tumawag sa akin mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko pero yung kapatid ko lang naman yun hindi pa naman ako nakakatayo ng makita kong buksan niya yung pinto kaya dali dali akong nagtatakbo sa loob ng cr at binuksan agad ang shower at narinig kong tinatawag niya na naman ako kaya pinatay ko yung shower at sumagot...

Jennie : chu! Dalian mo na pupunta pa tayo ng hospital kanina ka pa umakyat ah! (Sabi niya kaya sumagot ako na kunware nakalimutan ko)
Jisoo : ha? Hospital jen? (Sabi ko habang pinipigil ang pag hikbi)
Jennie : hay naku ! Chu ikaw talaga diba bibisita tayo kay lisa nandun na sila kai kanina pa tayo hinihintay naka dalawang tawag na sa akin si tzuyu hindi ka daw macontact! (Sabi niya naman)
Jisoo : ah ! Una kana sa baba jen susunod na ako chaka lowbat yung cellphone ko sige na jen! Para matapos na ako ! (At binuksan ko ulit yung shower at hindi na siya nag salita pa kaya naligo na ako ng tuluyan)

Time Skip...
Matapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at inayus ang sarili bale nag t-shirt ako ng black ng may pangalan ko sa likod , then nag pantalon ako ng fitted , nag suot din ako ng sombrelo at nagdala ng jacket pero mamaya ko na susuutin pag dating namin ng hospital ang init kaya. Matapos kong mag ayus ng sarili eh kinuha ko yung cellphone at wallet ko nilagay ko sa bulsa yung cellphone ko pero hindi ko pa din binuksan hindi naman lowbat yun eh sinadya ko lang patayin at binitbit ang wallet ko ng matapos ako eh mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwaro ko at pagbukas ko bumungad agad si jennie at nakasimangot na ito dahil yata sa inip kaya tinanong ko siya...

Jisoo : oh ! Bakit ? (Sabay sarado ko ng pintuan)
Jennie : anong bakit ! Kanina ka pa ang bagal bagal mo ! (Saad niya pero nakasunod na ito sa akin dahil na una na akong mag lakad)
Jisoo : eh di sana na una ka na ! Kaya ko naman sumunod don ! (Inis kong sabi at naupo pa ako sa sopa sa baba para maiinis siya lalo)
Jennie : abat ! Bakit ganyan ka umasta sa akin inaano ba kita? May mali ba akong nagawa ? Tumayo ka na nga diyan hinahanap ka daw ni lisa kanina pa !! (Natatawa ako sa reaksyon niya pero dapat hindi ko ipahalata kaya tumayo na ako dahil hinahanap na daw ako ni lisa)
Jisoo : wala ! Bahala ka kung anong isipin mo ! Tara na . (pag aaya ko at na una na akong mag lakad palabas)
Jennie : kita mo yang ugali mo hinintay kita sa labas ng kwarto mo tapos iiwanan mo ko bwisit ka talaga !! (Sabi niya pero hindi ko na siya pinansin bahala siya)

Umalis na kami sa mansion 7pm na pasado at wala akong paki kung mainis si jennie dahil nag aantay yung boyfriend niya hindi naman ako interesado makita sila si lisa lang pinunta ko dun at malamang si tzuyu marami na naman tanong sa akin dahil sa mga kawirduhan ko kapag kasama ko siya ilang beses niya na akong tinatanong pero puro wala , oo , hindi , ewan , basta at kung ano ano lang maisip na salita ang nasasagot ko alam niya naman na gusto ko si rose pero hindi niya alam na nakakaramdam na ako ng ganitong sakit at selos. Kung ikaw kaya sa kalagayan ko ipapaalam mo ba na nasasaktan ka ng dahil lang sa selos kahit wala ka namang karapatan baka kahit ikaw dito at chaka baka pag nalaman nila tawanan lang nila ako o asarin kaya mas mabuting sarilihin ko na lang diba?. Well balik tayo kung nasaan na kami nakarating na kami ng hospital at hindi muna ako bumaba si jennie naman bumaba agad pero nakatayo pa siya sa labas malamang hinihintay niya ko pero wala akong paki bahala siya sasalubungin lang siya ng bestfriend niyang si rose eh. Hindi nagtagal ang pag tayo niya mula sa labas ng buksan niya ulit yung sasakyan at tawagin ako ng may inis na tinig...

Jennie :ano namang kabagalan yan !! (Sabi niya)
Jisoo : mamaya na ko ! Mauna kana nga dun sabay na kami ni manong (nakita ko naman si manong na nakatingin sa akin mula sa salamin sa harapan nakalimutan ko magpaparking pa pala siya)
Jennie : bahala ka sa buhay mo chu!! Nga pala manong pag akyat niyo sa taas padala na lang ako ng isang bag na nilagay mo sa likod ha ! Mauuna na po ako salamat. (Pag alis niya nginitian ko naman si manong na natatawa lang sa amin ni jennie)

Pinaandar ulit ni manong yung sasakyan at nagpark na kami sa bandang dulo kaya lalakad pa kami bago tuluyang makapasok sa hospital...

Dyan muna! 😆
(ChaeSoo is Waving...

*MALAY MO SA HULI TAYO PA RIN*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon