Ballpen

451 5 5
                                    

Ang ballpen ay parang kaibigan

dahil lagi tayo nito tinutulungan.

Ang ballpen ay parang love

dahil minsan hindi ito gumagana

ngunit,

konteng pukpok mo lang

Okey na.

Yan ang natutunan ko sa buhay.

Na minsan kailangan mo lang talagang

pukpokin ang utak niya,

para.............

Mahalin Ka.

Ako si Amy, 2nd Year student sa high school.

Mahiyain.

Mayumi.

Matalino

at Nerd.

School Freak- yun ang tawag nila sa akin.

Pero di ko sila masisisi,

kasi

totoo naman eh.

I love school.

Hindi dahil sa lessons.

Hindi dahil sa Grades.

O sa mga activities.

I love school dahil nakikita ko siya.

"Pahiram naman ballpen?" Yon ang lagi

niya sinasabi sa akin at pinapahiram

ko naman siya.

Sabi ng iba, School supplier niya daw ako...

pero mali sila............

Ballpen supplier lang.

"Amy pahiram ballpen." Sabi niya.

"O sige.Wait lang."

Hinanap ko sa bag ko ang

pencil case ko kaso nawawala ito.

"Sorry. Naiwan ko ata Pencil Case ko eh." Sabi ko sa kanya.

"Ganun ba. Edi ibig sabihin niyan, Wala ka ballpen?"

"Oo." Sinabi ko na para bang na guilty.

"May test pa naman tayo sa Bio." Sabi niya.

Tama siya may test kami at mukang

sa pagkakataon

na ito

bibiguin ako ng Kaibigan ko.

"Pano na yan. Pupunta nalang ako sa Canteen para bumili."

Ngunit huli na. Nakapasok na si Ma'am Rasco.

"Aww....Pano na yan?" Tinanong ko siya.

"Eto." may kinuha siya sa kanyang bulsa at binigay ito sa akin.

Isa itong Ballpen.

"May ballpen ka?" Tinanong ko siya,

tumawa siya at sinabi

"Oo. Madami akong ballpen."

"Ba't ka humihiram sa akin?"

"Kasi sa paraan na yon,

Makakausap na kita,

Mahahawakan ko pa ang kamay

mo kahit sa

pakiramdam lang ng

Ballpen mo."

Kaya ngayong pasukan na ito. Masasabi kong

tinutulungan ako ng

kaibigan ko---

Si Ballpen.

Ballpen- January 23, 2011

created by:

Belenette

BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon