BRO 21

12 0 0
                                    

Chanyeol POV.
Pinapanood ko si Baekhyun na nasa ilalim ng puno naka headset ito habang nakapikit. Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin nitong mga nakaraang araw pero gusto ko lagi syang nasa tabi ko, laging kasama, gusto ko lagi ko syang nakikita. Grrrrr Park Chanyeol ano ba nangyayari sayo.
"Ang lalim ng iniisip mo" tanong sakin ni Kai.
"wala to bro." sagot ko at ibinalik ko yung tingin ko sa librong binabasa ko.
"bro ayan na naman si Sehun."
Napatingin ako sa sinasabi ni Kai at nakita ko si Sehun na may dalang bulaklak para kay Baekhyun.
"sa tingin mo may chance ba si Sehun kay Baekhyun ?" tanong sakin ni Kai.
"ewan ko." walang ganang sagot ko habang nakatingin sa kela Baekhyun at sehun habang nag uusap ang mga ito.
"bat ang init ng ulo mo?"
"wala to mauna na ako." inayus ko yung gamit ko at umalis na.
"hey bro san ka pupunta? Nag aaya si Kris sa bar after practice"
"pasabi wala ako sa mood. Uwi na ako." sabi ko sa kanya ng hindi na ako lumingon.

Nadaanan ko sila Baekhyun at Sehun.
"Chanyeol, san ka pupunta?" tanong sakin ni Baekhyun
"uwi na ako sabay ka ba?" tanong ko sa kanya ng hindi humihinto sa paglalakad.
"Chanyeol sandali sabay na ako." napatigil ako ako at nilingon ko sya. Patakbo syang lumapit sa akin. Napataas ang kilay ko ng makitang kasunod nito si Sehun.
"wait Baekhyun ako na lang maghahatid sayo" nakita kong hinawakan ni Sehun yung kanang wrist ni Baekhyun.
"sakin sya sasabay narinig mo naman sinabi nya kanina diba" inalis ko yung pagkakahawak ni Sehun sa wrist ni Baekhyun at saka ko hinatak si Baek patago sa likod ko.
"whoo easy bro. Gusto ko lang ihatid si Baek. Saka bakit ka ba nangingiaalam? Sino ba ka? " maangas na salita ni Sehun sakin. Nagpantig yung tenga ko sa mga salitang binitawan nya. Sino nga ba ako?
"kapatid nya." matipid kong sagot sa kanya.
"reality check tayo bro. Step brother mo lang sya but basically speaking hindi mo pa sya stepbrother kasi hindi pa naman kasal parents nyo so let me correct it HINDI KAYO MAGKAANO ANO." ipinagdiinan sakin ni Sehun ang status namin ni Baekhyun. Napahigpit ang hawak ko kay Baekhyun dahil sa inis na nararamdaman ko.
" Sehun please stop it. Kay Chanyeol ako sasabay. " naramdaman kong tumingin sakin si Baekhyun." let's go Chan." ngumiti ito at hinatak na ako papalayo kay Sehun.

"ilayo mo nga yang bulaklak mo na yan." puna ko sa bouquet ng bulaklak na kandong ni Baekhyun. Ewan naiinis ako hindi ko alam kung dahil sa bulaklak, o dahil sa nagbigay nito, o dahil nakikita ko si Baekhyun na nakangiti habang inaamoy ang mga ito. Kakainis hindi tuloy ako magkapag concentrate sa pagdadrive.
"bakit ba ang init ng ulo mo?" nagtatakang tanong sakin ni Baekhyun.
"wala ang pangit lang nung bulaklak mo." inagaw ko kay Baekhyun yung bouquet ng bulaklak at saka itinapon ito sa labas ng binatana ng kotse.
"WTF Chanyeol bat mo ginawa yun?" galit na sigaw sakin ni Baekhyun.
"wala trip ko lang." sagot ko ng di sya nililingon."
"tanginang trip mo yan nakakabadtrip. Umayos ka Chanyeol." rinig ko sa boses nya yung inis. Kaya hindi na ako nagsalita.
Hindi sya umiimik sakin hanggang makarating kami sa bahay. Bumaba sya at pabagsak na isinara yung pinto ng kotse.
"Baekhyun I'm sorry ok." sigaw ko pero hindi nya ko nilingon. Putek Chanyeol anong ginawa mo.
Bumalik ako sa loob ng kotse at pinaharorot ito sa pinakamalapit na flower shop.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Baekhyun.
"bakit?" inis na bungad sakin ni Baekhyun.
"sorry" Inabot ko sa kanya yung dala ko sabay alis at pasuk sa kwarto ko.
"thank you." rinig ko sabi ni Baekhyun.
Pasimpleng sumilip ako sa pinto at nakita ko syang nakangiti habang inaamoy yung bouquet of roses na binigay ko sa kanya.
Isinara ko yung pinto ng kwarto ko at napasandal ako dito ng may ngiti sa labi.
"yes" bulong ko sa sarili ko. 100 pcs of roses yung binigay ko ano ka ngayon Sehun wala ka sakin hahahaha.
Hindi ko alam kung bakit pero Gusto ko ang dahilan ng pagngiti mo Baekhyun.

BROther roManceWhere stories live. Discover now