CHAPTER XVI

224 12 0
                                    

A/N: Munting paalala, ang inyong mababasa ay hindi binase sa kahit ano o kahit saang pangyayare sa totoong buhay. Ang nakapaloob sa kwentong ito'y hindi rin hango sa totoong buhay ng mga karakter purong imahenasyon lamang ang naglaman.

Maagang umalis si Reeva at Ash para pumunta sa studio para alamin ang ratings ng "Paalam"

Malakas na katok ang narinig ni Orville kaya nagmadali itong bumaba.

Orville: Baba naman, ilang minuto palang 'yung nakakalipas miss mo na agad ako, ikaw talaga—

Natigilan ito sa pagsasalita ng tuluyan niyang mabuksan ang pintuan.

Mitch: I miss you.

"Hindi pa naman Halloween pero bakit may multong bumabalik" bulong ni Orville sa kaniyang sarili.

Mitch: Wala man lang bang welcome hugg diyan?

Napatulala si Orville.

Mitch: Hindi mo lang ba ako patutuluyin?

Orville: T-tuloy ka.

Mitch: Wala parin palang nagbabago dito, I mean kung anong iniwan 'yun lang din paa ang babalikan ko may kasama pang alikabok.

Sabay tawa niya.

Orville: Malapit ko ng ipagbenta 'to.

Mitch: Ha?? Bakit naman?! Sayang naman, titirhan pa nating dalawa ito 'diba?

Umiling si Orville.

Mitch: Bakit? May iba na ba?

Orville: Oo, kaya kung may gusto kang bawiin sa bahay na 'to kunin mo na, baka itong linggo na 'to makahanap na ako ng buyer.

Mitch: Wala naman akong ibang babawiin dito kundi ikaw.

Reeva: Baba, may dala akong food kain tayoo—

Mitch: Direk??

Reeva: M-mitch?

Nilapitan ni Orville si Reeva.

Mitch: A-ang gandang reunion naman nito.

Orville: Pwede ka ng umalis.

Mitch: Ako pa talaga papaalisin mo??-'Wag mong sabihi na mas kakampihan mo pa yan kesa sa 'kin?! Dahil sa kaniya kung bakit umalis ako ng Pilipinas dahil sa kaniya kung bakit tayo nasira.

Orville: Walang kasalanan si Reeva, mas pinili mong iwan ako ng walang paalam. Hindi niya tayo sinira, pinili mo ang sarili mo at tinapon mo lahat ng meron tayo.

Napakapit sa pintuan si Mitch.

Reeva: Siguro naman pwede mo ng ibigay kay Orville 'yung katahimikang hinangad mo para sa sarili mo.

Mitch: Shut up, hindi ikaw ang kausap ko. At titingnan mo na din kung sinong kinakausap mo.

Sabay walk-out nito.

Reeva: Malaki talaga ang sayad ng babaeng yan, dapat letter B ang simula ng pangalanan niyan hindi M!

Napaupo sa isang tabi si Orville.

Reeva: Bakit tahimik ka?!

Orville: H-ha?

Reeva: Anong ha?! Alam ko na, siguro narealize mo na mahal mo parin siya nuh, Tangina Orville. Tangina.

Orville: Reeva, pwede ba nagugulat pa din ako sa nangyare.

Reeva: Nagulat?! O masaya ka dahil bumalik na siya, dahil binalikan kana niya! Andaya mo, madaya ka!

Binuksan nito ang pintuan at umalis kaagad.

"Ang sabi ko nagulat ako, hindi ko sinabing masaya ako." Sabay kamot ni Orville sa kaniyang ulo. "Hayy—Reeva hindi mo lang alam kong paano mo pinibibilis ang tumibok ng puso ko ng dahil sa'yo pero bakit ngayon kapa tinopak kung kailan kailangang kailangan kita."

Diametrically Opposed Of Resentment [BOOK 1]Where stories live. Discover now