Chapter 3

1.5K 44 3
                                    

Tatlong araw na ang nakararaan magmula nang magpasya nang lumipat ng kanyang matitirhan si Sofie, mula din sa tulong ni Kievan. Si Kievan na rin ang taga hatid-sundo niya sa tuwing pag-alis at pag-uwi niya galing trabaho.

Mula nang lumipat siya ay hindi na siya inabala pa ng manyakis na caller niya at dahil, doon ay nakaramdam siya nang kaginhawaan.

Alas kwatro i-medya ng umaga ay maaga na siyang nagising dahil, naisipan niyang mag-jogging. Suot niya ang paired fitted jogging pants habang nakapaslak sa magkabilang tainga niya ang earphones at naka-on naman ang audio music sa cellphone niya. 

Payapa ang umaga para sa kanya at medyo malayo-layo na rin ang tinakbuhan niya mula sa bagong apartment na kanyang nililipatan. Tuloy namamawis na ang kaniyang likod pati mukha niya dahil, nakalimutan niyang magdala ng bimpong pampunas.

Umarko ang kaniyang kabilang kilay nang makita ang mahamog na daan. Tila mga ulap iyon na humaharang sa kaniyang dinaraanan. 

Mahina ang tugtog ng music sa kanyang cellphone nang nasa kalagitnaan na siya ng daan ay nakarinig siya ng yabag papalapit sa kinaroroonan niya ngunit, hindi dahilan iyon para tumigil siya at lumingon doon.

Saka lamang siya nahinto nang tila may kung anong usok ang nakita niya at kasing bilis iyon ng hangin. Bigla siyang nangilabot lalo na ng marinig niya ang pamilyar na tinig at boses iyon ng lalaki---brusko at baritono ang boses nito.

“You're alone? Isn't it bad for you to come alone in this way, honey?”

Nanlaki at tila kakapusan ng kaniyang hininga si Sofie dahil, sa gulat. Kulang na lamang ay manlamig ang buo niyang laman sa lalaking ngayon ay kaybilis nang kilos, kaharap niya at may nakamamatay na ngisi.

“Miss me?” bwelta pa nito bagay na ikinaawang ng kaniyang bibig at nanuyo ang lalamunan niya sa hindi malamang dahilan.

Naistatwa siya mula sa kanyang kinatatayuan, hindi malabo ang kaniyang mga mata at hindi rin siya bulag.

His gaze makes her heart melt in a second. The guy reddish eyes were like blood and hypnotized.

Hinayaan niyang tangayin ng estranghero ang kaniyang katawan upang ilapit ito sa kanya. Hinawi nito ang iilang hibla ng kaniyang buhok na siyang sagabal sa maputi niyang leeg.

The stranger fangs comes out at walang pag-aatubiling kinagat siya nito sa leeg.

NAGISING mula sa malakas na pagtawag sa kanyang ngalan si Sofie, ang kaibigan niyang si Haidy ang may gawa niyon habang tinapik-tapik nito ang kaniyang pisngi dahil, pilit siyang ginigising.

“Hoy! Babae. . . gising na, woi!” narinig niyang sambit nito.

Bigla ay napabalikwas siya nang bangon mula sa pagkahiga at tila hindi makapaniwalang nakauwi siya sa kanyang apartment samantalang kaharap niya kanina ang isang estranghero. 

Kaagad siyang natigilan kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Napababa rin siya mula sa kanyang higaan at kaagad napaharap sa salamin saka minasdan ang kaniyang leeg.

“Ayos ka lang?” nagtatakang naitanong ni Haidy nang makita ang pagkabalisa niya.

“Haidy, pa-paano ako. . .pa-paano ako nakauwi?” wala sa sariling naitanong niya rito.

“Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Luh! Sofie, nauntog ka ba kagabi kaya ka nagkaganyan?” litong tugon ni Haidy.

“Wa-wala, kalimutan mo na. Kanina ka pa ba?” pag-iba niya kaagad sa usapan.

“Actually, oo. Pero ang himbing ng tulog mo kaya ginising na kita,” nakangising tugon sa kanya ni Haidy.

“Yayain sana kitang mag-mall. Busy daw kasi si Valerie kaya hindi ako masasamahan,” pagpapatuloy pa nito.

Napangiti na lamang siya saka ngumiti rito nang pilit.

“Sige, wala naman akong gagawin ngayong araw kaya samahan na kita!” nakangiting aniya.

Niyakap siya nang mahigpit ni Haidy dahil sa tuwa nito.

Sa kusina ang tuloy nilang dalawa. Habang nagtitimpla ng kape ay hindi mawaglit sa isipan ni Sofie ang lalaking iyon kanina. Ang pag-iba nang kulay ng mga mata nito at paglabas ng kaniyang mga pangil. Lalo na ang kakilabot na ngisi nito na nagbigay sa kanya ng takot.

“Wherever you hide still I can seek you Sofie, 'cause you're only mine!”  katagang naisaad ng estranghero bago pa man siya mawalan ng kaniyang ulirat.

“Did he bite me? My God! The vampires really exist? Hindi ito totoo,” wikang aniya sa isipan.

Bahagya niyang nahimas ang kaniyang leeg kung saan kinagat siya ng bampira ngunit, wala naman siyang makapang sugat mula roon.

Isa nga ba iyong ilusyon? Paano kung totoo?

“Uy! Okay ka lang?” untag sa kaniya ni Haidy bagay na ikinagulat niya. 

Biglang napangiwi ang kaibigan niya at kuryosidad na tumitig ito sa kaniya. 

“Mukhang kailangan mo nang bawas-bawasan ang pagkakape gurl, masyado ka nang nerbyosa!” pangasar nitong dugtong.

“Tsk! Hindi noh! May iniisip lang ako,” aniya habang nakanguso.

Natawa na lamang si Haidy at naiiling itong tumitig sa kaniya.

Naiwang lumalakbay ang diwa niya at hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit. Hindi naman siya nanonood ng horror movies kagabi kung panaginip lamang iyon.

SA KABILANG banda, habang abala sa kanyang ginagawa si Kievan nang maramdaman na lamang niyang may panauhin siyang paparating. Mabilis ang mga kilos nito bagay na hindi niya napaghandaan. 

Nakatayo na ito sa kaniyang harapan habang nakatitig sa kaniya nang seryoso at masama.

“Mukhang ini-enjoy mo ang buhay mo rito,” baritono ang boses ng dumating bagay na ikinapikit ni Kievan nang tumungo maglakad ito.

Nagtangis ang panga nito na animo'y nakahanda siyang saktan dahil, sa sama ng bawat pagtitig nitong ginawa.

“Don’t you try fooling me around, brother. Dare you touch what’s mine!” pagpapatuloy nito.

Naikuyom ni Kievan ang sariling kamao at umigting ang panga niyang nakipagtitigan sa kaniyang kapatid bago niya ito sinagot ng pabalang. Naging kalmado siya saka napangisi ng malademonyo.

“She is no one’s property, Krunos!” nakangising aniya.

Nagngitngit sa galit si Krunos at kulang na lamang ay umapoy ang kulay abong mga mata nito. Ngunit, hindi ito nagsalita pa at tanging pagpakawala nang buntonghininga ang tangi nitong ginawa.

His brother Kievan might be right, but just for him…Sofie is his property. His whole clan would hate him, but he does’t care at all.

“She’s mine, Kievan. Since the day she was born, she'e only belongs to me!’’ umigting ang pangang saad ni Krunos habang tinitingnan siya nito nang matalim.

Kievan, just smirked and distracted himself from pouring wine into his glass.

“It’s because of lust, didn’t you? You know in your body that she is the only one who has the ability to warm you up!’’  tiim bagang naisagot ni Kievan bagay na ikinasakal sa kaniya ng kapatid at kaagad na nag-iba ang kulay ng mga mata nito maging ang paghaba ng matutulis nitong mga kuko.

“Shut the fuck up! If I hadn’t been your brother I would have killed you Kievan!’’ Krunos promised badly before taking himself away from him. 

“I’m watching your actions, my brother. As soon as you approach her again, you will never owe me!” maawtoridad nitong banta saka lumisan nang kaybilis.

Nagtangis ang pangang naikuyom na lamang ni Kievan ang sariling kamao at walang pasabi ay nabasag mula sa kamay niya ang hawak na baso.

“Fuck you! I’ll make sure Krunos, matatakot siya sayo at hindi kita hahayaang gamitin lamang si Sofie sa gusto mong mangyari. Magkamatayan man tayo!’’ nagngitngit ang kalooban niyang naisatinig.

Darkest Desire 1: KRUNOS  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon