Chapter 17

3.2K 69 5
                                    

      Nagising na lamang ang dalaga sa bisig ng binatang tinulungan niya. Pareho silang walang saplot at nababalot ang katawan ng kumot. Sa pagmulat ng mga mata ng dalaga ay bigla nalang siyang mapapahikbi.

" Hey, what's wrong? " tanong ng binatang nagising sa hikbi ng dalagang nasa bisig niya.

" Mali ang ginawa natin sir at hindi ko mapapatawad ang sarili ko. " wikang hikbi ng dalaga na ikinahalik ng binata sa noo niya.

     Patatahanin siya nito. " Hey Jen, wala kang kasalanan at ako ang may gusto nito. " paliwanag niya sa dalaga sabay sa paghawi nito sa buhok niya.

" Pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang pagkababae ko sa taong papakasalan ko at hindi sa ganitong paraan. " aniya ng dalaga habang nahihiyang tumitig sa mga mata ng binata.

Hahawakan na lamang ang kamay niya nito at saka magwiwika.

" Ito tandaan mo Jen kapag may nangyare sayo ay agad mong ipaalam sa akin at pananagutan kita." Halik niya sa pisngi ng dalaga at humingi ng paumanhin sa nangyare.

    Halos hindi maka bangon ang dalaga sa kinahihigaan nito dahil sa sakit ng katawan niya.

" Hey, don’t move at ako ang bahala sayo. " lapit niya sa dalaga habang may dalang breakfast.

Jen Pov's
Isinuko ko na ang lahat sa lalaking hindi ko nobyo at hindi ko rin siya lubusang kilala. Para akong hinampas ng tubo sa sobrang sakit ng katawan ko ngayon.

" Kain kana, Jen. " subo niya sa akin habang nakasandal ako sa kaniyang bisig.

Naamoy ko pa rin ang sex of scent kagabi. Nakakahiya ka Jen at pumayag kang galawin ka niya ng hindi kayo kasal.

" Heto oh, eat this para lumakas ka. " subo niya ng sopas na may leafy vegetable na halo. Hmm, mukhang masarap nga ang luto niya.

      Mula sa aking kinauupuan ay naaamoy ko ang pabango niyang napakabango at hindi ko mahulaan kong ano iyon. " heto pa, " pasimple niyang ihip rito at isinubo sa akin.

" Salamat, Sir. " sabi ko habang sinusubukang makabagon pero hindi eh.

Ano ba kasi ang ginawa niya sa akin at pati lakas ko ay naubos.

" Jen, unang beses kong ginawa yong kagabi kaya dapat kang maghanda sa consequences. I want you to marry me, Jen. " pagtatapat niya habang pasimpleng kung anong may isinuot sa daliri ko. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa kumikinang na singsing na may malaking diamond rito.

      Nagulat na lamang ako sa ginawa niya na parang hindi makapaniwala sa singsing na isinuot niya sa akin. Kumikinang sa ganda na tila napakamahal ang halaga.

" Sir, hindi ko ata matatanggap ito. " hubad ko ng singsing na isinuot niya at ibinalik ito sa kaniya. Napayakap na lamang ako sa unan habang nasa likuran ko siya.

" Jen, sayo yan at isuot mo yan kapag handa ka nang mahalin ako. Maghihintay ako Jen kahit anong tagal pa. " bulong niya sa akin sabay inilagay ang singsing sa mga palad ko.

      Ano bang gusto niya at ganun siya? Hindi ko pwedeng tanggapin ang inaalok niya sa akin.

" I'm so sorry hindi ako deserve sa pagmamahal mo at sana wag mo na din hintayin ang pagbabalik ko. Kakalimutan ko na rin ang nangyare sa atin kagabi. Sir, I'm sorry ho pero mahirap lang ako at hindi nababagay sa isang tulad niyo. " pagtatapat ko kay sir na tila hindi dapat iyon ang sasabihin ko.

" Naiintindihan kita Ms. Santos kaya pahinga ka muna at saka na ako aalis kapag nakarating na ang huling hiling mo. " sabi niya saka kinuha ang laptop niya.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now