Chapter 04

3 0 0
                                    


- Pia's POV -

Nagising ako sa malakas na ring ng cellphone ko. Agad ko itong kunuha sa side table ko at sinagot.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Si Raff to, nakauwi ba kayo ng ligtas kagabi?" Tanong ni Raff sa kabilang linya.

"Oo, bakit?"

"Wala nag alala lang ako, di kasi sinasagot ni Lily yung tawag ko." Sabi niya sa kabilang linya.

"Baka tulog pa, kagigising ko nga lang e" sagot ko naman sa kanya. Malamang hangover 'yon.

"Ala una na ng hapon tulog parin kayo, grabe naman yang hangover na yan"

"Hindi kami kasing tibay mo sa inuman Raff"

"Sabagay, o siya sige may gagawin pa ako, bye" pamamaalam ni Raff.

"Sige bye, ingat" paalam ko tiyaka pinatay na yung tawag.

Lumabas na'ko ng kwarto ko para magluto ng kakainin namin ni Lily. Malamang hangover yon. Nagluto lang ako ng fried egg and ham. Sandwich lang kakainin namin ngayon tinatamad na'ko magluto ng bigas kaya yon na lang. Gumawa rin ako ng chicken soup para sa hangover ni Lily, sabi ng lola ko mabisa rin daw 'yon na pampawala ng hangover.

Pumasok na'ko sa kwarto ni Lily para gisingin siya.

- Lily's POV -

"Lily, gising na" panggigising sakin ni Pia. Ano ba naman, ang aga naman netong maggising wala namang pasok.

"Ang aga palang Pia" Sabi ko saka pumikit ulet.

"Anong maaga mag aalas dos na ng hapon" Sabi ni Pia kaya agad akong lumingom sa orasan ko.

Pagbangon ko agad na kumirot yung ulo ko. Tanginang yan, hangover nanaman.

"Yan, makipagpatibayan ba naman kay Raff" parinig niya saken. "Kaya mi bang maglakad?" Dagdag pa niya.

"Hangover lang Pia, hindi ako lumpo wag kang oa" Sabi ko sa kanya at naglakad na papuntang banyo kahit nahihilo at sumasakit yung ulo ko.

Nag toothbrush at naghilamos muna ako bago dumiretso sa kusina para kumain. Nang papuntang kusina nandon na si Pia at nakahain na siya.

"Oh, ito pampahupa ng hangover" Sabi niya pagkaupo ko tyaka inabot sakin yung bowl na may soup.

"Salamat" Sabi ko pagkaabot tyaka humigop. Kumuha rin ako ng bread tyaka tinost at nilagyan ng egg, ham at cheese.

Nang matapos kami kumain biglang nagtanong si Pia.

"May maalala ka ba kagabi?" Tanong niya.

"Nag inom tayo dahil birthday ni Klydie" Sagot ko naman, yun lang yung maalala ko eh.

"Yun lang?" Tanong niya ulit. Ano kaya 'yon? Wag mong sabihing may nagawa nanaman akong kahihiyan nong lasing ako, wala naman sana.

"Bakit? Meron ba akong nagawang mali?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Kahihiyan, oo marami" sagot niya. Eto na  nga ba ang sinasabi ko eh.

"Huh? Wala akong maalala, kwento mo nga kagagahang pinggagawa ko kagabi" Sabi ko sa kaniya at 'yon na nga nagsimula na siyang magkwento.

I Was Cursed By A SorcererWhere stories live. Discover now