Chapter 1

26 1 0
                                    

Chapter 1

"Wake up, babe. We're here,"

Nang maidilat ko ang mata ko, bumungad sa akin ang kulay tsokolate na mga mata at mapulang labi ng boyfriend ko.

Rafael Joaquin Suarez.

Napakaswerte ko talaga.

"Hmm ayoko pa umalis sa tabi mo..." Pagmamakaawa ko rito. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakakapit ko sa kaniyang braso.

Narinig kong tumawa ito, "Shaz, hindi pwede maiiwan tayo ng eroplano!" Hinalikan ako ni Rafael sa noo bago niya ako inalis sa pagkakahiga sa kaniyang balikat.

Ngumuso ako rito bago bumangon, "Oh sige na nga! At baka maabutan pa nila tayo rito."

Ngayon kasi ang flight namin ni Rafael papuntang Caticlan at walang makakapigil sa amin. Hindi alam ng mga magulang namin ang pag-alis namin na ito. Tutol kasi ang aming mga magulang sa aming relasyon, kaya ito ang naisipan naming gawin... magtatanan kami.

Walang nakakaalam sa pag-alis namin na ito ni Rafa. Hindi ko na rin sinabi sa mga kaibigan ko at baka mabanggit pa nila ito sa mga magulang ko.

Mahirap na! At baka matunton kaming dalawa ni Rafael at paghiwalayin ulit.

Ilang beses na nila kami pinaghiwalay at pinaglayo, pero this time... Hindi na kami papayag.

Nauna na sa aking lumabas si Rafael ng taxi para ilabas ang aming mga bagahe. Bumaba na rin ako para tulungan siya.

Mahigit isang oras rin ang byahe namin galing Makati dahil na rin sa matinding traffic. Mabuti nalang at nakumbinsi ko si Rafa na umalis ng mas maaga.

Nang matapos na kami sa pagbaba, tinulungan na rin kami ni manong driver sa pagbaba ng mga ito, ay binayaran na ni Rafa si manong at saka ito nagmaneho papaalis.

Nang makapasok na kami sa NAIA, bigla akong hinila ni Rafa at niyakap, "Mahal na mahal kita, Shaz." Muntik pang tumulo luha ko!

Tinulak ko ito ng mahina, "Ano ba, Rafa! Ayokong maiyak sa airport ha!" Tumawa ako at hinalikan siya. "I love you too, babe."

Kumalas na siya sa pagkakayap at ginulo pa ang buhok ko. Pasaway!

Matapos naming mag-check in ni Rafael ay umupo na kami sa isa sa mga benches sa loob. May 10 minutes pa kami bago kami tawagin.

Habang naghihintay ay nagrequest ako kay Rafa na bilhan ako ng iced coffee. Namiss ko kasi ito kahit 3 days lang akong hindi nakainom nito.

Lagi akong pinapagalitan nito kapag umiinom ako ng higit sa isang kape sa isang araw.

"Kapag ikaw nagpalpitate, Shaz! Ewan ko na talaga sa'yo."

Kaya simula noon, hindi na ako tatlong beses magkape. Dalawa nalang!

Atleast, nabawasan diba?

"Calling all the passengers from: Flight PR487 bound to Caticlan is now boarding at Gate B."

Nang marinig ko ang flight number namin ay agad ko nang tinawagan si Rafa.

"Where are you, babe?"

"Still here, paying. Why?"

"Our flight's boarding na! Bilisan mo."

"Chill babe, we still have 5 minutes, okay? See you."

"Psh. Bilisan mo at miss na kita!"

Clingy much, Shaz?

Pero bago ako tumungo ng Gate B ay kailangan ko munang gumamit ng restroom. Kailangan kong magretouch!

Lost and FoundWhere stories live. Discover now