CHAPTER 21

84 17 0
                                    

CHAPTER 21

Maurine's Pov

Nandito parin kami sa resort. Kahapon madaming humanga sa boses ko at sila kean napanganga hahahaha joke lang. Nadito kami sa isnag kubo.

"Bes,alam mo nakatitig talaga si Kean sayo kahapon!" Sabi muli ni Shayne. Hays kahapon pa to eh.

"Shayne,okay lang yun titig lang yun huh" sabi ko sumimangot siya.

"Baka may gusto siya sayo" napalingon ako kay Payth.

"Payth! Hindi yun magkakagusto saken noh" sabi ko. Totoo naman ah ayaw nya sakin este sa ugali ko.

"Baka ikaw naman ang may gusto sa kanya" sabi naman ni Chloe na mukhang seryoso.

"Chloe Deica Sauwi, hindi ako magkakagusto sa taong may ayaw saken at minsan lang akong mainlove noh" aabi ko. Tumawa sila.

"Ano aasarin nyo na naman ako?" Tanong ko.

"Hindi" sabi nila sabay tigil sa pagtawa.

"Bukas daw uuwi na sila tayo ang maiiwan dito" sabi ni trixie.

"Oonga tapos ngayon maghapon lang tayo magsasagot tapos sila uuwi na" sabi ni Chloe.

"Oh girls mukhang busy kayo ahh oh eto na ang sasagitan nyo...ayusin huh at mamaya ko rin yan kukuhain dahil aalis na kami ng 5 am so bye na muna eenjoy pa kami" sabi ni ms. Deipe.

"Okay po ms. Deipe enjoy po kayo" sabi namin ngumiti lang siya at kumaway.

"Sagutan na natin" sabi ni Faith

"Osige start!" Sabi namin at sinimulan ng magsagot.

Zam's point of view

Kasama ko sina Kean sa isang kubo dun nagkwekwentuhan kami.

"Pre,sayang noh di ka kasama" sabi ni Xavier.

"Oonga eh pero okay lang kasi mageenjoy na kami ngayon" aniko.

"Oy diba malapit na birthday mo Kean..." sabi ko. Oo malapit na nga September 2 ang b.day nya. August 11 na ngayon.

"Malayo pa haha joke" sabi ni Kean.

"Ilan taon kana nga?" Tanong ni Xavier.

"Kuya Xavier 20 palang toh!" Sabi ni Kean napatawa ako.

Haha mas matanda kasi sa grupo namin ay si Xavier 22 na sya ang kasunod ay si Gab 21 tapos si Darren 21 den at si Kean 19 na mag20 at ganun din ako mag 20 na rin ako sa december 10.

"Hahahaha" tawa namin ni Kean.

"Uy guys si ms. Pen nandito" sabi ni Darren.

"Hi ms. Pen" bati namin tatlo.

"Hello, oh eto ang sasagutan nyo ayusin ang pagsasagot huh at mamaya 5pm kukuhain ko nayan dahil ang alis namin bukas ay 5am osige bye na" sabi ni ms. Pen tapos kumaway na. Hayss.

"Ah mga dre una na ako huh bye na" paalam ko.

"Cge dre enjoy ka!" Sabi nila.

"Cge kayo rin" sabi ko at kumaway na.

Maya-maya nakita ko sa Mau at sina Faith nasa kabilang kubo. Dumaan nlng ako.

"Hi zam!" Bati ni Chloe at Trixie.

"Hello" sabi ko. Wala na akong sinabi pa pinuntahan ko nalang si Pia.

No one's pov

Alasingko ng hapon ng pumunta si ms. Pen kina mau at si Ms. Deipe naman kila Kean para kuhain na ang sinagutan.

"Oh girls akin na yan pahinga na kayo" sabi ni ms. Pen. Ibinigay nila ito isa-isa.
"Hayss ms. Pen maiiwan ba talaga kami dito?" Tanong ni Mau.

"Aba oo dahil yun ang sabi ng dein" sabi ni ms.pen.

"Whoo saya siguro natin!" Sabi ni Trixie.

"Nako oo masaya kayo dahil free kayo!" Sabi ni ms. Pen.

"Osya pahinga na kayo" sabi ni Ms. Pen.




Maurine's POV

""Let me be the one to break it up
So you won't have to make excuses
We dont need to find a set up where
Someone wins and someone loses
We just have to say our love was true
But has now become a lie
So I'm tellin' you I love you one last time
And goodbye" kumakanta ako papasok sa room namin. Sumabay si Faith magaling din kasi yan kumanta basta magaling kame lahat.

"Ah guys cr muna ako" aniko.

Naligo ako at nagbihis narin. Gusto ko lang magpahangin sa labas kaya lumabas ako. Nagpaalam rin ako kina Faith. Baka kase mamaya magalit sila sakin dahil hindi ako nagpaalam sa kanila.

Habang naglalakad ako. Pinagmamasdan ko yung buwan at mga bituin. Alam nyo bang....humihiling ako sa buwan? Ang hinihiling ko ay sana tumagal pa ang buhay ko at makasama kopa ang mga taong mahal ko. Kase hindi naman natin masasabi ang buhay nating mga tao. Meron din tayong hangganan. Kahit anong oras....meron pwedeng mawala....kahit anong araw.



Napalingon ako sa hindi kalayuan. Nakita ko ang isang lalaking nakatanaw siguro humihiling rin siya sa buwan.



"Maurine?"

Napalingon ako. Si Darren pala.



"Oh?"



"Gabi na ah...delikado na baka mamaya mapahamak ka. Pumasok kana" sambit niya.


"Uhm...kaya ko ang sarili ko" aniko.


"Bahala ka. Basta tawagin mo lang si Kean. Ayun oh! Kung gusto mo lapitan mona rin."



"Ayaw ko. Mas gusto ko dito. Tsaka ayaw kong istorbohin yung tao" aniko. Tumango si Darren.



Lasing ang loko.



"Osige! Alis na ako! Pasabi kay Shane mahal ko siya!" Napangisi ako.



"Sige makakarating" aniko tumango na siya at umalis narin.

Napabuntong hininga ako.


Ano kayang feeling ng may minamahal? Yung panghabang-buhay na......siguro ansarap-sarap.....



Naalala ko tuloy si Mama at Papa. Naalala ko yung lovestory nila. Simula raw highschool sila ay magjowa na sila. So....ang tagal na nila sobra! Nagsimula raw ang lovestory nila nung intrams sa school nila. Si Mama daw ay isang mananayaw at si Papa naman ay isang manganganta. Nagkasama raw sila sa backstage noon at nagkakilala rin sila ron mismo. Ansabi ni Papa, si Mama raw ay inlove na inlove sakanya noon. At ganon rin naman si Papa.


Naiinggit tuloy ako sakanilang lovestory. Naalala ko tuloy si Papa. Miss kona siya sobra....


Nagulat ako ng makita kong nakatingin saakin si Kean pero umiwas rin siya kaagad.



"Mau? Gabi na pumasok kana" sambit ni Shane.



"Oo...papasok na ako tara na" aniko. Lumingon pa ako sa kinaroroonan ni Kean pero nakatingin parin siya sa buwan.



Pagkapasok namin sa aming tinutuluyan. Nakinig kong nagtatawan sina Chloe.


"May pinasasabi pala si Darren, mahal ka daw niya" aniko kay Shane. Namula naman si Shane.



"Alam ko naman iyon" kiniliti ko siya.



"Ayiee! Sana all!"





___________________________________________________________

:)

When I Met You | Book 1| [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon