Chapter 79 REVELATION 1

797 37 8
                                    

Luiie POV

Nanginginig ang mga kamay ni rache ng tingnan ko siya. nakataas ang mga kamay naming lahat at kita ko ang panginginig ng kamay niya.

"Hindi tayo pwedeng sumunod nalang sa utos nila, kailangan nating labanan ang mga yan" bulong ni blane na katabi ko

"Maraming mapapahamak"bulong ko din

"Just Trush me luiie, akong bahala"

Tumango na lamang ako at gustong gusto ko ng lapitan si rache para hawakan ang kamay niyang nanginginig sa takot.

"BILISAN NIYO ANG PAGKILOS!"sigaw nung nakaitim na lalaki

naghintay ako sa isesenyas ni blane, papasok na si alice sa itim na van, nagkatinginan kami ni blane at sa ibang mga lalaking kasama.

Pareho kaming tumango sa isa't isa syaka ako umikot para salubungin ng suntok ang lalaking nakaitim sa likod ko at inagaw ang baril.

"PUTA! huwag niyong hayaang makatakas ang iba!" sigaw ng lider nila

Ano kayang balak ng mga to samin? anong rason nila para gawin nila ang bagay nato?

Naghihiyawan na ang mga kababaihan at pilit tumatabi dahil sa mga nagsusuntukan.

Tinuhod ko ang lalaki at sinapak ito syaka siya napahiga. humanap muna ako ng pwedeng maipapalo sa kanila o panlaban.

Tanaw ko pa si zeira na pilit linalabanan ang suntok ng ibang lalaking naka itim.

Kailangan kong bantayan si rache at baka may makalapit sa kanya. subukan lang nilang lumapit at talagang pagsisisihan nila yun.

Ryan POV

Pinulot ko ang isang kahoy sa tabi tabi na sapat na para masaktang ang isang tao.

"Ryan sa likod mo!"sigaw ni angel

Kinindatan ko siya at binigyan ng flying kiss. ang kaninang nag aalala niyang mukha ay napalitan ng pandidiri.

"Ang landi mo! sabing sa likod mo!" sigaw niya

Tinignan ko ang itinuro niya at sumalubong sakin ang suntok sa panga ko. masakit yun at parang nayanig ang kagwapuhan ko.

"AHHHH!" sigaw ng mga babae

Binigyan ko din ng mas malakas pa na suntok ang gumawa sakin nun kanina. puta! agad naman siyang napahiga, bakla ata to. ang hina hina eh.

Inapakan ko muna siya sa tiyan niya at tumakbo ako para harangan ang papalapit sa banda ng mga kababaihan.

Sinapak ko siya gamit ang kahoy at umikot ako syaka siya siniko gamit padin ang kahoy.

Ang dami nila, limang Van sila at ng makita ko sila kanina na papababa ay mukhang lagpas bente ata ang mga to o lagpas trenta.

Tanaw ko si zeira na inaapakan sa mukha ang lalaki. parang nangigil siya at ayaw pa itong tigilan.

"Tama na yan zeira" nilapitan ko siya para ipatigil na

May alam din pala sa pakikipaglabanan ang babaeng to. sabagay siya nga naman ang naka pagpahospital dun sa Nico na taga Labina University.

Grey POV

Ganun nalang ang gulat ko ng matanaw ko ang kapatid ko na nakikipag agawan ng baril sa isa sa mga naka itim na lalaki.

"Shay!" sigaw ko at tinapos muna ang kaharap ko ngayon

Madaming lumalapit sakin para magsuntukan. hindi ko naman sila aatrasan, basta ay huwag lang masasaktan si Keziah at Shay dito. at iba pang mga kasama.

Living With My Enemy (Part 1)Where stories live. Discover now