Kalix Pov.

Ngayon ang flight namen pabalik sa pilipinas. Isang araw na ang nakalipas nung umalis dito sa seoul sila valerie. Nandito ako ngayon sa kwarto para ayusin ang gamit ko at ilagay sa maleta ko. Nakaligo na ako, nakasuot ako ng hoodie na gray at black pants, tapos white shoes na Balenciaga. Regalo lang saken to lol.

"Kuya nakita mo ba yung chimmy pillow ko?" Tanong ni nicole pag pasok sa kwarto ko.

"Hindi baby e, baka naman naiwan mo sa sala?"

"Wala don kuya e."

"Itanong mo nalang kay mommy."

"Sige po." Sabi nya at lumabas ng kwarto.

Kringg* (phone rings)

*Yes hello kalix lee speaking.*

[Putanginamo ali hahaha yes hello kapa dyan. Pasukan na bukas uuwi ba kayo?] Sabi ni Stephen sa kabilang linya. Ka team ka sya sa basketball.

*Oo flight namen mamaya bro.*

[Nga pala pre may apat na nag transfer dito sa school naten babae lahat dre.]

*Sus tigilan moko gago ka mambababae ka nanaman.*

[Killjoy mo pre, di ka pa ata nakakamove on kay natasha e.]

*Kung tumawag ka lang para mambwiset bahala ka d'yan.* Sabi ko at binaba na ang tawag.

Nakakabwiset lagi nalang ako inaasar. Kahit mga kapatid ko inaasar ako na hindi pako nakakamove on. Wtf e si kurt naman talaga yung di pa nakakamove on sa ex nya e kay andrea. Kinakausap nya paren kahit may boyfriend na yung ex nya hindi ata naiilang.

"Alii come here na kakain na tayo!" Sigaw ni mommy kaya  sinara ko na yung maleta ko at bumaba na para kumain.

"Ali sabi ni daddy mauuna na syang bumalik sa pilipinas tayo nalang lima nila mommy ang nandito." Bungad agad saken ni kurt pag pasok ko sa kitchen.

"Bakit daw?" Tanong ko sakanya at naupo.

"May aasikasuhin daw si dad sa business e. Yun lang sinabi."

"Ah ok." Sabi ko, kumuha na nang pagkain.

Kumuha ako ng kaunting kanin at ulam. Yun lang ang kinuha ko medyo busog pako dahil kumain ako ng cake kanina.

*30 minutes after.*

Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko nakaupo nag cecellphone. Iniistalk ko si valerie wala lang crush ko e HAHAHAHA nalove at first sight na ata ako puta.

May story sya na nasa car sya at naka caption "otw to mall." Siguro may bibilhin sya o di kaya e mag babonding sila nung mga kaibigan nya.

*Boogsshh!*

Napatalon ako sa gulat dahil sa pang gugulat ni kurt saken alangan napatalon kase di nagulat?

"Putangina kurt ano ba problema mo?" Asik ko sakanya.

"Wala, ikaw anong problema? Alam kong hindi ka okay." Sabi nya at naupo sa harapan ko.

"Tss. You know me too well bro. I'm fine I don't have any problem." Sabi ko at nag cross arms.

"Sus, sakin kapa nag tago alam kong merong bumabagabag sayo. Ano ba yon?" sabi ni kurt saken habang naka tingin sa labas.

"I have a crush. But i can't tell her." Sabi ko at binuksan ang cellphone ko.

"Your crush. Si valerie ba?"

"How did you know?"

"Halata, lagi kang nakatingin sa picture nya. 

"Haha dali mo naman nahulaan bro. Pero ayos lang naman ako wag mo akong problemahin." Sabi ko at nag pahalumbaba sa coffe table.

"Sus tara na nga anong oras na baka malate tayo sa flight naten." Sabi nya at tumayo.

"Mabuti pa nga." Sabi ko at tumayo na rin para ayusin ang mga gamit ko.

***
To be continued...

A/N

Sorry for short ud busy kasi ako ngayon sa oc namin. I hope you understand. :)

Unexpected Love Où les histoires vivent. Découvrez maintenant