Chapter 02

10 1 0
                                    

     "Xy, your pizza is ready!" Nabuhayan siya ng marinig ang tawag ng kanyang Yaya Loxley, ibinaba niya na ang kanyang Cellphone at agad na pumunta sa kanilang kusina.

Wala pa man siya sa kusina ay amoy na amoy na niya ang luto ng kanyang Yaya, mukhang mabubusog na naman siya sa merienda niya ngayon.

"Thank you, Yaya" sambit niya sa kanyang Yaya at sinimulan ng kumain ng paborito niyang pizza. Habang kumakain siya ay biglang dumating ang kanyang mommy Danica. Inihinto niya ang kanyang pagkain at binigyan ng matamis na halik sa pisngi ang kanyang Mommy.

"Mom, why are you sho early?" she asked, yep bulol siya sa letter "S" kakalagay lang ng mommy niya sa kanya ng braces at dahil nga hindi pa siya sanay ay nabubulol siya magsalita. Isa rin kasing dentista ang mommy niya.

Kumuha ng isang slice ng pizza ang mommy niya at kinain iyon "Hmm... I told you not to eat hard foods right? but it's okay mukhang malambot naman ang pagkakagawa ng pizza na 'to." sabi ng mommy niya, totoo namang hindi matigas ang pizza na ginawa ng Yaya niya dahil bagong luto pa lamang ito at alam ng Yaya niya na bawal siya sa matitigas ng pagkain dahil bagong lagay pa lamang ang kanyang braces.

Umakyat na sa kanyang kwarto ang kanyang mommy habang siya ay inu-ubos ang natitirang dalawang slice ng pizza.

"Xy, Mr Lucaz is looking for you outside." Sabi ng isa sa kanilang Yaya, agad agad niyang inubos ang kanyang pizza at tumungo sa labas ng kanilang bahay.

And there, nakita niya ang kaibigan niyang ayaw papasukin ng kanilang guards. Napa-patawa siya sa nakikita niya dahil nga, kilala naman ng mga gwardiya si Lucaz pero ayaw nila itong papasukin.

Dahil noong nakaraang pagpunta ni Lucaz sa bahay nila ay nagdala ito ng mga uod, para daw sana sa garden nila pero hindi iyon nagustuhan ng mommy niya kaya pinagalitan si Lucaz.

"Hoy Avie wag kang tumawa jan! papasukin mo 'ko!" sigaw ni Lucaz na siyang i-kinatawa niya ng husto.

"Avie ano ba!" Galit na sigaw ni Lucaz, huminto siya sa pagtawa ngunit nag pipigil pa rin na hindi matawa sa nangyayari sa kaibigan niyang si Lucaz.

"Kuya, Let him in po pfft." sabi niya ng may pigil ng tawa, tumingin ng masama sa kanya si Lucaz at inismiran ito.

"Kaibigan ba talaga kitang bruha ka?" sabi ni Lucaz at inunahan siya sa pagpasok ng bahay.

"W-what? bruha? what doesh that even mean!?" litong tanong niya sa sarili niya.

"Hey Lucash! you bashtard!" inis na sigaw nito at sinundan si Lucaz sa pagpasok nito sa kanilang bahay.

Nadatnan niya si Lucaz na naka-upo ng hayahay sa sala at nanonood ng Basketball game.

Napa-irap na lamang sa kawalan si Xylia at binatukan ng malakas si Lucaz. "Aray ko Ah! inaano ba kitang babae ka? kanina ka pa nang i-inis." sabay kamot nito sa batok nito habang tinitingnan siya ng masama.

"What are you doing here? it'sh already 5 PM" Ani ni Xylia at tumabi kay Lucaz na siyang busy pa rin sa pag kamot sa batok niya, mukhang napalakas ata ang pagbatok niya kay Lucaz kaya panay kamot pa rin ito.

"Bulol." ngising pang i-inis ni Lucaz sa kanya, sinamaan niya na lamang ito ng tingin at tumutok sa palabas sa TV.

"Let'sh have a bet." nakangiting saad nito sa kaibigan niya kaya napatingin ito sa kanya. "Game! sa DLSU ako sa Ateneo ka" sabi ni Lucaz sa kanya.

Natuwa naman siya dahil alam niyang makukuha ng Ateneo ang championship, pumayag na lang siya sa gusto ni Lucaz "Deal! If I win you will buy me a 2 boxesh of pizzha"

"Pag ako nanalo, sasagutin mo na ko, biro lang pag ako nanalo bilhan mo ako ng sapatos ikaw na bahala sa brand basta yung mamahalin, deal!" natutuwang sabi nito sa kanya.

---

makalipas ang isang orang ng panonood nila ay panay sigaw at tuwang tuwa si Xylia dahil siya ang nanalo sa Deal nilang magkaibigan.

Samantalang si Lucaz naman ay parang binagsakan ng langit at lupa dahil sa natalo siya sa pustahan nlla ni Xylia, mapapa-gastos na naman kasi siya dahil sa pagkatalo niya.

"Anduga naman, sige bukas na lang yung pizza mo, kukupit muna ako kay mama HAHAHAH" sabi ni Lucaz kay Xylia.

"Shige I will wait my pizzha tomorrow." ngiting sambit niya sa kaibigan.

Napagpasyahan ng dalawa na maglaro na lamang sa PS4, ngunit ngayon ay wala ng bet na naganap dahil mukhang lulubog sa utang si Lucaz dahil lagi itong natatalo sa laro nila at sa pustahan.


...to be continue


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Xylia's First Love (Greek Series;Aprhodite)Where stories live. Discover now