Chapter One:

17 0 0
                                    

Kath's POV: 

"Congrats Kath! I'm so happy for you! Natupad na din sa wakas ang pangarap mong maging President nang Student Council. Ikaw na! Ikaw na talaga!" bati sa akin nang bestfriend kong si Miles.

 "Thanks Miles. Nang dahil din sa'yo kaya nangyari ito. Salamat sa tulong mo." 

Si Miles kasi ang laging nandyan tuwing kailangan ko nang moral support lalo na kung involve sa mga school activities. Siya lang kasi ang nag-iisa kong bestfriend kaya wala akong ibang maasahan maliban sa kanya.

"Tss.. Ano ka ba Kath! Wala yun nu! Atsaka para saan pa't naging bestfriend mo ako diba?" sabi niya sabay bitiw nang isang super sincere na smile.

 "Salamat talaga Miles ha!" pasasalamat ko ulit sa kanya.

 "Hay naku! Tigilan mo nga ako sa pasasalamat mong yan! OA na! Mabuti sana kung nakakabusog yang "salamat" mo! Ang mabuti pa, mag-celebrate na lang tayo! Ilibre mo ako!"

Hay.. Umandar na naman ang pagka-dragon nang baabeng to! Kaya tumataba nang husto ehh. Di marunong mag-diet. Tsk! Tsk! Tsk!

"Oh sige! Basta hindi lalampas sa 200 ha? Wala akong budget ehh.." biro ko.

 "Asa! Kelan ka pa nawalan nang budget? Ang sabihin mo, kuripot ka! Tara na nga!"

Daniel's POV:

"Ma naman! Isang taon na lang at ga-graduate na ako! Bakit nyo pa ako pababalikin sa Pilipinas?" sigaw ko sa nanay ko. 

Paano namang hindi ehh pinipilit niya akong bumalik dun sa Pilipinas at dun na magpatuloy sa pag-aaral. Asar lang!

"Anak, you have to understand.. Your father needs you there.. So please anak, just listen to me, okay?" paliwanag ni mama.

 "My father needs me? For what ma? Para ipamukha sa akin kung gaano ako sa iresponsable? Tss! No way ma. I'm not going back to the Philippines." pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at umalis.

 Okay. Sabihan niyo na akong walang modo. Pero wala akong pakialam. Yan naman talaga ang pagkakilala nang mga magulang ko sa akin ehh . Na wala akong modo, walang utang na loob at higit sa lahat, walang silbi. 

Pero okay lang.. Atleast may nasabi pa sila para sa akin. Atleast sa ganoong paraan, nakikita pa rin nila ako. Na nag-eexist parin ako para sa kanila.

 "Daniel!" sigaw ni mama na naging dahilan para tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

Sa tono pa lang nang boses niya ay alam kong galit na siya.

"Anak, please do understand.. Alam mo namang kamamatay lang nang kuya mo diba? Wala nang katuwang ang papa mo sa mga kompanya. Wala nang namamahala sa mga kompanyang iniwan nang kuya mo. Your father needs you. So please anak, let's go back." 

Crazy Love (KathNieL FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon