Girlfriend for Hire - Yam Yam-28

152 4 2
                                    

Girlfriend for Hire – Yam-Yam28

Dati hindi ako mahilig sa romantic comedy teen fiction love stories kasi feeling ko ang less masyado ng drama. Mahilig talaga kasi ako sa mga twists and drama scenes sa mga binabasa ko, but binago ng GFFH yung hilig kung yun.

Isa ang GFFH sa mga naging foundation ko pagdating sa comedy parts ng iilang story ko. Maging yung personal life ko, isa din yung GFFH sa mga storya na nabasa ko nagbigay sakin ng mga positive na paniniwala and lesson na rin as well.

Maraming kalokohan, oo napakaraming kalokohan ng mga characters dito especially si Bryle, Nami, Third, Steve at Lolo Bernard. Sa isang update ni Ate Yam hindi pwedeng hindi ako matatawa ng sobra sa mga kalokohang ginagawa nila, feeling ko kasi kabarkada ko na sila. Yun siguro yung isa sa mga pinakamagandang nagawa ni Ate Yam, yung gumawa ng mga characters na magiging remarkable hindi lamang sa isip ng mga readers nya kundi pati na rin sa puso namin.

Yung mga unang parts, which is yung comedy, sobra talaga akong na-amaze! Ang pinaka-havey sa akin ay yung kabobohan ni Bryle, yung pagkabobo nya sa spelling, pagseselos nya sa mga bagay na hindi naman dapat pagselosan at kung ano ano pang kabobohan na mas lalong nakapagpa-attach sakin ng character nya. Siguro kung ako magkaka-boyfriend, siya yung ideal man ko. Bukod kasi sa sweet, alam kong irerespeto nya ako, patatawanin, and at the same time mamahalin.

Yung character ni Nami dito is yung pinaka-favorite ko nung dumating yung drama part, kung ako tunay na lalaki haha! Liligawan ko talaga sya! Sino ba naman ang hindi magmamahal sa ibang babae na kayang isakripisyo ang lahat bumalik lang yung lalaking mahal nya at alam nyang mahal sya. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa babaeng nanununtok haha! XD

Isa din sa pinakagusto kong character dito ay si Stacy, kasi iba talaga yung kamalditahan nya, pinanindigan nya hanggang dulo haha! Maldita pero may concern, Stacy is Stacy talaga!

Steve? 100 push ups! Haha! Favorite ko din yan!

Lolo Bernie? Isa talaga sa mga nakapagpatawa saking character, sana magkaroon ako ng lolo na kagaya nya! Wala na kasi akong kinalakihang lolo eh *sob * haha!

At ang author nito? Si Ate Yam, isa lang naman sya sa pinaka-the best author na nakilala ko. Napakalawak ng humor at isip nya pagdating sa pagsusulat. Hindi man sya ganung ka-formal magsulat damang dama mo naman yung story nya. Sa pagiisip ng twists? The best! Wakomasabi!

So, kung gusto nyo magbasa ng isang story na punong puno ng kabaliwan, kadramahan, kabobohan(Nami- Bobong babae), kagaguhan(Bryle – Gagong lalaki), kagandahan (Ate Yam), basahin nyo na ang Girlfriend for hire! For sure mageenjoy kayo at mamahalin nyo ang mga characters nito.

Available na rin yung book version nya sa mga bookstores nationwide! Bili na kayo! Wala kayong pagsisihan promise!

Rate: 9.3/10 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Story Reviews and Ratings <3Where stories live. Discover now