Fancy 29

275K 7.3K 1.9K
                                    

Fancy POV

I don't know what push me to talk to Blake. I need to. Naguguluhan ako at alam kong siya lang ang makakasagot sa'ken. 

Breaktime na at sinundan ko ng tingin si Hazel na lumabas na. Narinig ko na nagpabili nalang ng snack si Blake at dito daw sila sa room. Pinauna ko na sina Sydd at Daniella sa cafeteria. Mabuti nalang at naki-ayon ang pagkakataon. I really want to talk with him. 

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Blake.."

He looked at me. Pero emotionless ang tingin niya. "Why?"

"C-can we talk?"

"Wala tayong pag-uusapan. So please, Jewel? Don't disturb me and don't talk to me."

Masakit ang pagsabihan niya ng ganito. Feeling ko bawat salita niya, may tumutusok na matalim na bagay sa puso ko. Naiiyak ako pero pinigilan ko. I don't want to look like a mess lalo't andito kami sa room. 

"Please, Blake. Kahit sandali lang? Pwede? Kahit sa rooftop sana?"

He sighed then looked at me. Frustrated. "Fine. I'll give you time. But after this, 'wag na 'wag ka ng lalapit sa'ken."

That hits me. Masakit talaga. At wala akong idea kung bakit ganito magsalita si Blake. He loves me, right? 

Tumingin ako sa kanya. Diretso sa mata saka tumango. If that's what he wants. But I'll try to ask him to stay with me. I love him and I don't care about Hazel. 

Naglakad nako palabas ng room. Good thing walang sign ng Hazel. So diretso nako sa hallway papunta sa gilid kung saan andon ang hagdan paakyat sa rooftop. Ramdam kong tahimik na sumusunod sa'ken si Blake. Ibang iba na siya. Ang mga mata niya..they were cold. Parang walang emosyon. 

"Now, talk." Sabi nya nang makarating kami dito sa rooftop. Okay, pinaparamdam niyang ayaw niyang mag-aksaya ng oras saken. Pero mabuti na yung binigyan nya ako ng time kahit papaano. 

"Blake gusto kong malaman ang dahilan mo. Bakit? Tell me. Alam na ba ni Hazel? Kaya ba iniwasan moko at nilayuan? Tinatako--"

"Stop it, Jewel. You already know the reason."

Naiyak na akong tuluyan. "Pero Blake..kung 'yun lang ang dahilan, 'yung ugali ko? Pwede ko 'yun baguhin. Pwede kong tanggalin lahat ng ugaling ayaw mo saken. Basta 'wag mo na ako iwan, Blake.."

I'm desperate. Mahal ko si Blake. Since the day I met him, nagustuhan ko na siya. I'm really inlove with him. At ngayong abot-kamay ko na siya, hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kaya kong hayaan na mawala siya saken. Mahal nya din ako..

"You're acting desperate, Jewel. No, there's another reason.."

Humihikbi ako. Nanatiling nakatingin sa kanya. "Ano 'yun? Tell me, Blake.."

"I don't love you."

Crazy Little DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon