Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 5

39.4K 4.1K 2.5K
                                    

Chapter 5

First Act

I thought everything would be okay after that tux incident, but I was wrong. Dahil nakikita niya pa lang akong naglalakad papalapit sa kanya, nagmamadali na agad siyang lumayo sa akin.

Gagong hapon na 'to! Gwapo ka? Gwapo?

Halos ibato ko sa kanya iyong tux niyang amoy langis habang nakikita ko ang likuran niyang nagmamadaling makalayo sa akin.

Can't he realize how lucky he is? Being trapped on this island with a very beautiful girl like me is a blessing for him!

Kahit amoy langis iyong tux niya, tanggap na tanggap ko pa rin siya. Kahit mukhang sabog at walang shampoo ng ilang buwan ang buhok niya, tanggap ko pa rin siya at kahit gano'n ang katawan niya na isang ubo na lang ay sobrang tanggap ko pa rin siya!

"Seiji!"

Lakad pa rin siya nang lakad at hindi lumilingon sa akin. Ganito na lang ba kami tuwing may araw? Ganito ba talaga 'to katakot sa babae?

Am I scary?!

I gasped. Natigil ako sa paghabol sa kanya at namaywang ako.

"How dare you!"

Gaano na ba kalabo ang mata ng hapon na 'to? This idiot Japanese is killing my beautiful patience!

"Right! Bahala ka sa buhay mo! Hinding-hindi na kita hahabulin! You think you're too handsome?! No! You are not! Hindi ka man lang tumapat sa hotness ng mga manliligaw ko! Amoy langis! Hmmp!" I stomped my foot and immediately turned back away from him.

I looked for a perfect spot to sit until I saw a shade under a tree. This island will ruin my million-dollar skin!

And I heard my stomach growls.

Ako na yata ang pinakamagandang babaeng nagugutom.

"I hate this life! Minsan na nga lang ako humiling sa bulalakaw, mali pa ang pagkakaintindi sa akin! What I mean is someone that will listen to me even if he can't understand is hindi literal!" I wiped my imaginary tears from my cheeks.

"What I mean is he will still listen to me even if I am being irrational kasi maiintindihan niya pa rin ako dahil kilala at mahal niya ako! I want that kind of man." I dramatically cupped my face. "Why him? Bakit literal akong hindi naiintindihan?!"

When I glanced at Seiji, he's already sitting below the next tree. Tatlo hanggang apat na dipa iyong agwat niya sa akin. Alam kong naririnig niya ang pinagsasabi ko pero nanatili siyang tuwid na nakatingin sa dagat.

Wala talaga siyang pake.

"And then, I was damn offended that night! He insulted my beauty! Kaya nagawa ko siyang isumpa sa sobrang asar ko! Sabi ko, amazona!" Halos sabunutan ko na ang sarili ko. "Bakit naman ako ang kasama ng hapon na 'yan dito?!"

I exaggeratedly wiped my imaginary tears on my cheeks again. "I think I'm dying. This is the end of me."

I placed the back of my right hand on my forehead like I was somewhat under the spotlight, a heroine losing her only hope for survival.

"Almost two days without skin care, hair spa, massage, milk bath, manicure . . . This is a tragedy! I am losing my hope."

I was elegantly sitting under the shades of a tree, with my silk dress, ruined yet sexy hair, delicate skin with grains of sand, glittering sweats when something whispered to me.

Yes, I am dizzy.

With my award-winning performance, I tragically dropped my whole body on the sand, looking weak, helpless, and hopeless, yet still beautiful.

Island Trap (Book 1 of Trap Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon