Entry 19: Sacrifices

12K 271 42
                                    

[Chapter 19: Sacrifices] ♥


"Alas nuebe na ng gabi, nasaan na ba ang batang iyon?" Pagaalala ng isang babae habang nakadungaw sa bintana ng kanilang bahay. Hindi siya mapakali at maya't mayang sumisilip sa kanyang cellphone upang tignan kung may tawag o mensahe ang kanyang anak.


Siya si Gwyneth, balisang balisang naghihintay sa kanyang anak na si Royana. Gabi na at wala pa rin siyang balita kung bakit hindi pa rin ito umuuwi galing eskwelahan.


Nakahanda na ang kanilang hapunan, kaarawan ni Gwyneth ang araw na ito at kaya't nakapaghanda siya ng marami para sa kanilang mag-ina. "Nakakain na ko ng sarili, hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi. Nasaan ka na ba anak?" Kanyang pag-aalala.


Dahil sa kanyang masamang kutob, umalis ito ng kanyang bahay at dumeretso sa portal na kung saan si Royana ay dumadaan. Madilim na ang paligid at maliwanag ang buwan sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad habang hawak hawak ang isang maliit na flashlight, kanyang naaninag na may presensya ng tao sa gubat na iton. 


Siya'y napatigil at nagmasid, may makasalubong siyang dalaga na nag eensayo mag archery sa gitna ng kagubatan. "Isa ba iyong mangangaso?" Pagtataka ni Gwyneth habang tinitignan niya ang babae na aakmang papana. Habang siya'y nagmamasid bigla na lang siyang napangiti at inaalala ang kanyang nakaraan sa pagpapana. 


"Sino 'ka?" Nagulat ang di kilalang babae nang makita niyang pinapanuod siya ni Gwyneth sa malayo.  "Itaas mo pa ang kamay mo sabay irelax mo ang pagtayo mo." Pagpayo ni Gwyneth sa dalaga.


Sinunod ito ng babae at tumama ito sa inaasinta niyang usa na nagtatago. Ang kawawang usa ay nanghihina habang tumatagas ang dugo ne'to sa lupa.


"Isa ka bang mangangaso? Mukhang magaling ka ata sa pagpana." Tugon ng dilag.


"Ah hindi naman. Di ko alam na pede palang mangaso dito sa gubat dito? Akala ko pinagbabawal ng mga awtoridad ito." Pagtataka ng Gwyneth.


"Walang masama kapag walang nakakaalam." Ngiti ng di kilalang dalaga at ngumiti ito. "Bakit ka naririto sa mga oras na 'to?" Pagtataka ng dalaga habang inaayos ang kanyang mga gamit.


"May hinahanap akong babae. Naka-uniporme siya at kasing katawan mo. Baka nakita mo?" Pagtatanong ni Gwyneth.


"Nakauniporme? Studyante na nasa gubat?" Natatawang banggit ng dalaga. Siya'y ngumiti at tumitig kay Gwyneth. "Hahahaha, nakita ko ata ang hinahanap mo." Parang baliw na tumatawa ang dalaga kaya napa-atras si Gwyneth.


"Sino ka?" Pagtataka ni Gwyneth.


Patuloy na tumatawa ang babae. Nanlamig ang temperatura ng kagubatan, biglang nanginig sa lamig at takot Si Gwyneth. Hindi ordinaryong nilalang ang kanyang nakakausap, iyon ang kanyang nasisigurado.


Aakmang tatakbo si Gwyneth nang biglang nagyelo ang kanyang mga papa at siya'y natumba. Siya'y tumingin pataas at nakita niya ng malapitan ang di kilalang dalaga. Ibang iba ang itsura ne'to mula kanina. Puti na ang buhok at napaka putla niyang tignan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Majica AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon