INY#7

896 40 0
                                    

BRAIN BATTLES:PART 1.1
╮(💙▽💙)╭ ALI
___________

"Sa dalawang halik mo ay nabihag ako. Para bang himala ang lahat ng ito. Sa dalawang halik mo ayos na ako. Sa dalawang halik mo ay napa-ibig ako" Kinakantahan ko si bebe ko at ayun namumula na siya. Hehe ang guwapo ko kasi.

Hindi pa nagsisimula ang klase dahil hindi pa nagriring ang bell kaya bebe time na muna. Sinulyapan niya ako kaya dapat pala nilapit ko ang mukha ko sa kaniya para magkiss kami ulit. Ang lakas ng kabog ng puso ko sa kaniya I think she's the one na kahit nerdy type siya pero type ko naman.

"Can you shut your fucking mouth!" Aniya sabay irap. Pakipot pa itong bebe ko e gustong-gusto naman ang halik ko.

"Oh ayan na naman yang bunganga mo. Gusto mo naman ng halik."

"Just shut up! okay!" Iritadong aniya pero ngumiti lang ako ng napakatamis.

"Baka gusto mo lang nakadikit ang mga labi ko para mas madali mong mahalikan." I teased her. Umirap lang siya ang binalingan ang katabi na si Ms. Secret na kumakalabit sa kaniya.

"What?!" Asik niya kaya mukhang nagulat naman si Ms. Secret.

"Galit ka teh?! Pwes, mas galit ako kung galit ka para magkagalitan tayo!" Aniya kaya hindi ako makarelate.

"Stop the nonsense! What do you need?!" Tanong nito na akala mo malapit ng pumutok na bulkan.

"Masyado ka namang serious Elsa... Pwedeng kalmahan mo lang." Saad nito sa bebe ko. "Samahan mo ako mamaya pagpuntang bayan may bibilhin lang ako."aniya kaya tumango si Bebe ko.

"Sige basta ihatid mo ako a pauwi." Aniya na alam kung napipilitan lang dahil sa kakulitan ni Anna para tumigil na ito.

"Paano kita ihahatid pauwi sa inyo? Ano, bubuhatin kita? Hindi kita mabubuhat papuntang bahay niyo Elsa at baka mamatay ako sa pagbuhat sa iyo. Magnda lang ako at hindi kargador." Ayun nabatukan.

"Hindi mo naman ako bubuhatin! Syempre may sasakyan kayo kaya ihahatid mo ako gamit iyon. Hindi. mo. ako. bubuhatin. Tsk." Pagdidiin niya rito.

"Linawin mo kasi Elsa! Pero kapag nahatid kita sa inyo ay hatid mo rin ako a samin para maghatiran tayong dalawa."
Elsa pala ang name ng bebe girl ko a.

"Hindi mo lang naintindihan Anna! Argh! And stop talking nonsense! You're getting on my nerves at baka itapon pa kita sa bintana kahit nasa top floor pa tayo!" Buryong na buryong na talaga siya sa pinagsasabi Ms. Secret na wala namang katuturan.

RIDICULOUS LOVE [SEASON ONE]Where stories live. Discover now