Prologue

12 0 0
                                    

Tunganga...

Nakatunganga nanaman ako sa ere. I really don't know what's happening inside me. Minsan, iniisip ko kung tao ba talaga ako dahil sobrang numb ko sa mga bagay bagay. 

Kunot...

Nakakunot ang aking noo. May mga bagay na bigla na lang nag-aapear sa isip ko. Minsan, iniisip ko kung nasa tamang katawan ba ako dahil hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang mga events na yun.

" Dems, ayan ka nanaman. " 

Siya...

Siya lang naman ang taong nagpapasaya sa akin. Kinakaya kong harapin ang mga bagay bagay araw-araw dahil sa kanya. Pero minsan... minsan... na-bobother ako sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya dahil malakas ang kutob ko na may tinatago siya sa akin.

" Sorry Troy. May iniisip lang kasi ako. "

" Andito lang naman ako sa tabi mo, wag mo na akong isipin pa. "  ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. At dahil dun, napangiti rin ako. Sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya, lumiliwanag ang mundo ko pero pag tinitingnan ko ang malalim niyang mata, bigla na lang ako kakabahan.

Ayoko nang makipagbiruan. Pinapatay na ako ng curiosity ko! Kung hindi akong kayang tulungan ni Troy, pwes. Ako ang tutulong sa sarili ko.

" Troy, mauuna ako sayo mamaya-- "

I-sesecret ko sana sa kanya ang pag-alis ko papuntang Manila, dahil for sure, hindi niya ako papayagang umalis ng Cavite. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit bantay-sarado siya sa akin e fiancee ko lang naman siya.

Pero nagulat ako dahil hindi pa nga ako nakakapag-sinungaling, e nabasa na niya ang nasa isip ko. Umiwas ako sa deadly stare niya. Kahit sinong tumingin sa kanya ay siguradong matatakot. Para siyang wolf na nakakita ng kanyang prey. Tumayo siya agad na aking ikinagulat.

" Subukan mo lang pumunta kung saan-saan Demi. Hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari. "

Naiinis ako! Bakit ba niya ako kinukulong dito sa teritoryo niya?! Hindi ba talaga ako tao?! Hayop ba ako na dapat kinicage?

" Bakit?! Bakit mo ba ako ginaganito? Gusto ko ring mag-explore! Baka maka-alala na ako! "


Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa mgkabilang braso and he pulled me towards him. Nakita ko nanaman ang kadiliman sa mga mata niya. Kinilabutan ako.

" Diba sinabi ko na sayo na hindi ka na makaka-alala pa. Sinabihan ka na rin ng doctor. Hindi ka ba marunong makinig? "

" Pero.. may mga nakikita ako at napapaginipan. Gusto ko sa-- "

" At ano!? Pag naka-alala ka na, iiwan mo na ko?! "

" Troy, ano ka ba naman! Hindi ko kayang gawin yun! Hindi kita iiwan! Mahal kita! "

" Hindi Demi, I'm rest assured na iiwan mo ako... na ibabasura mo lang yang nararamdaman mo para sa akin. And I won't let that happen. I'll never let you go. "

Nakaktunaw ng puso sa tuwing sinasabi niya ang sentence na yun. Pero nakakasira ng utak sa tuwing inaanalyze ko ang katagang iyun.

Para kasing... may nililihim siya tungkol sa aming dalawa.

Let GoWhere stories live. Discover now