My Three Boyfriends

18.5K 244 25
                                    

By: Aya_Hoshino

Katulad nyo ay sawa na rin ako sa mga istorya tungkol sa amnesia. Bumenta na yan sa napakaraming telenobela pero nang ako na mismo ang nakaranas nito ay hindi talaga ako makapaniwala.

Nakakatakot palang magising isang araw na wala kang matandaan. Kahit pangalan ko nga nakalimutan ko. Sa iba ko pa nalaman na ako pala si Jinri.

Maraming mga taong dumating at isa-isang nagpakilala sa akin. Andyan daw ang mama ko, papa ko at mga kapatid ko at andun din ang bestfriend ko pero kung saan ako naloka?

Tatlong lalake ang nagpakilalang boyfriend ko! At yun daw ay sina Lynus, Xander at Keith.

Nagdrama pa ang tatlo sa harapan ko at pinaamin ako kung pinagsabay ko ba sila.

Halleeerrr!!!! May amnesia nga ako di bah? Kaya pano ko naman yun malalaman?

Pinapili pa nila ako kung sino talaga ang minahal ko sa kanila? Diyos ko po! Pano ko naman yun malalaman eh hindi ko nga sila kilala! :'(

Buti na lang pinaalis muna sila ng papa ko kasi baka ma-stress lang ako sa kakaisip. Kaya ang naiwan na lang sa kwarto ay ang besfriend ko daw na si Jonas.

Agad ko itong tinanong. "Ba't di ka pa umalis kasama nila?"

"MGA boyfriend mo lang ang pinaalis at hindi ako isa sa mga yun!" Sagot ba naman niya. -_-

Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko grabe! Bukod sa nagtataray ang dating ng pananalita niya ay gwapo naman siya.

Kung talagang close kami nitong taong ito ay pano at hindi ko siya naging nobyo? Di hamak na sa mga pinakaunang taong nakilala ko ay siya lang ang lalakeng nagpalaglag sa panty ko.

Pero parang alam ko na rin ang dahilan kung bakit hindi naging kami, mukhang sa ugali nagkatalo. Parang napaka-pilosopo kasi ng taong ito grabe!

Hindi ko ma-imagine kung pano kami naging magkaibigan eh mukhang ang layo naman ng ugali namin sa isa't-isa. o_O

Kaya muli ko siyang tinanong "Magkaibigan ba talaga tayo?"

Pero hindi ako sinagot ng loko at sa halip ay nagtanong din siya na ikina-panlaki ng mga mata ko.

Sabi ba naman niya sa akin na "May amnesia ka ba talaga?"

Kaya naman sinigawan ko siya "Ano sa tingin mo!?"

Namula ako ng bahagya ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin at nagsalita "Baka lang kasi nagpapanggap ka lang na may amnesia kasi natatakot kang harapin ang katotohanang tig-tatatlo ang boyfriend mo."

Mabilis pa sa alas-kwatro ko siyang naitulak palayo.

Hindi ko talaga maintindihan ang puso ko kung bakit ang bilis ng tibok.

Hindi naman ako guilty kasi totoo naman talagang wala akong maalala, pero ang lalakeng ito ang nagpapalakas ng pintig ng puso ko.

Doon na nawala ang kaseryosohan ng lalakeng kaharap ko. Lumapad ang ngiti niya at umabot pa yon sa tsinito niyang mata.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" Naiiyak na ako sa mga ginagawa niya.

Tumawa pa siya matapos kong sabihin ang mga katagang yon. Hindi ko tuloy siya maintindihan.

"Sige na nga dahil wala ka namang inililihim sa akin mula pa noon ay maniniwala na lang akong may amnesia ka nga."

"Sobra ka! Ayoko na tuloy maniwala sa sinasabi nilang kaibigan kita!"

At muli ay lumabas na naman ang inaabangan kong pagtawa niya.

"Kung totoong kaibigan nga kita at wala akong inililihim sayo... so alam mo rin ba ang tungkol sa mga boyfriend ko?" Matapos ko yong itanong sa kanya ay bigla akong kinabahan sa pag-iiba ng reaksyon niya.

Matipid na "Oo" lang ang sinagot ng mokong kaya kinulit ko pa siya ng kinulit. "Kung alam mo, bakit hinayaan mo lang ako?"

"Bakit, mapipigilan ba kita?"

Doon ako napaisip kung ano ba talaga ako noon? Ang dami kong gustong malaman tungkol sa pagkatao ko.

Kung pano ako noon at kung bakit ako mayroong tatlong boyfriend. Play girl ba talaga ako? Pinagsabay ko nga ba yung tatlo?

Gusto kong alamin ang katotohanan at kailangan ko ang taong ito.

Bilang kaibigan ko ay alam kong hindi niya ako tatanggihan. BWAHAHAHHAHA!!! (Evil Grin).

#MyThreeBoyfriendsI

MY THREE BOYFRIENDS I (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon