Chapter 19

1.4K 45 3
                                    

Narrator

Hija pwede mo ba akong samahan sa kapitolyo?”

Napatigil si Fierrah sa pagmumukmok dahil sa paanyaya sa kanya ng abuela ng asawa.

“Sige po. Magbibihis lang po ako” Agad na sagot ni Fierrah sa matanda bago nagtungo sa banyo.

Naglinis muna sya ng katawan at tsaka kumuha ng damit. She choose to wear a black smocked off shoulder top and deep blue skinny jeans. She paired it with a crystal heels. Lalong na-emphasize and puti ng balat nya at ang hubog ng kanyang katawan.

She put an oil control powder on her face, a light blush on, and a coral red lip tint, giving her a no make-up, make-up look. Fierrah also styled her hair on a messy bun, showing her cute sexy nape, neck and shoulder blade.

She grab her Chanel sling bag before going out from the room.

“You really look stunning, hija” Papuri sa kanya ng matanda pagbaba nya ng hagdan. Nakangiti ito kaya sinuklian nya rin ito ng tingin.

Fierrah Lourice

“Hijo, Amari, we're leaving. I'll take your wife with me, hijo” Pagpapaalam ni Lola kay Ryker at sa higad na dikit ng dikit kay Ryker. Hmp! Magsama silang dalawa! Di ko napigilan ang sarili  ko at napairap ako sa kawalan.

Kitang-kita ko ang palihim na pag-irap ni Amira the gaga sakin kaya inirapan ko rin sya. But unlike her, lantaran ang pang-iirap ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Ryker. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Sige lang, magpakasasa ka lang dyan sa higad mo...I said at the back of my mind. Siguro gwapong gwapo na to sa sarili nya, feel na feel na pag-agawan sya. Akala mo naman hahabol ako sa kanya. Hmp! Hindi sya buto at mas lalong hindi ako aso para maghabol sa kanya.

“Lola tara na po baka ma-late pa tayo sa pupuntahan natin” Pang-aagaw ko sa atensyon ni Lola.

“Sige na we'll go ahead. Pahiram muna sa asawa mo ha, apo. Isasama ko muna sya sa kapitolyo” Inalalayan ko si lola hanggang sa makarating kami sa labas.









“Hija dito ka muna ha. I'll just talk to Mayor” Isang tango naman ang isinagot ko kay Lola.

Umupo muna ako sa mukang lounge para hintayin si lola kaso nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Parang naiihi ako. Palinga-linga ako sa paligid, hinahanap ang sign na nagtuturo  sa banyo.

“Is there something I can do to help you?” Isang baritonong boses ang nakakuha ng atensyon ko. Lumingon ako para makita ito.

He's tall and moreno. Napakilinis din nyang tingnan at maaliwalas ang kanyang mukha. Nakaguhit sa muka nya ang isang munting ngiti.

“Actually I'm looking for the washroom, can you tell me where it is?”

He obliged. Nagulat pa ako dahil paglabas ko ng washroom ay naroon pa rin sya.

“ Are you from here?" He asked

I can see curiosity from his stares. Isang ngiti muna ang aking binitawan.

“I'm not. I came here together with abuela, Doña Celestina Sebastian” Agad syang tumango nang marinig ang pangalan ng grandmother-in-law ko. I know the Sebastian's are well-known in this City.

“Oh I think I'm rude. Let me introduce myself, Rythm Mazerro, the city's vice mayor”

Walang halong pagmamataas ang kanyang pananalita kaya tinanggap ko ang nakalahad nyang kamay.

“Fierrha Lourice Sebastian, nice meeting you vice mayor”

“Ehem” Someone fake coughed that caught my attention.

“Oh! Bakit ka nandito?” Gulat na sabi ko paglingon ko. Si Ryker pala.

“Obviously, I'm here because of my wife. Let's go home, Lourice” Agad nyang ipinulupot ang kamay sa aking bewang at tsaka ako hinila paalis ng lugar.

Bago pa man kami makalayo ay nilongon ko pa ang kinatatayuan ni vice mayor. “Bye Vice mayor, see you when I see you” Kinawayan ko pa sya pero hinuli ni Ryker ang kamay ko at ipinirmi ito sa aking tabi.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang madilim nyang ekspresyon. “Anong problema mo?”

I saw how his jaw clenched. Sexy sanang tingnan kaso galit nga pala ako dahil sa pakikipagharutan nya kanina doon sa babaeng linta.

Nang marating namin ang parking area ay naalala ko si lola. “Wait lang, nasaan si lola?”

“She's already home”

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse pero bago pa man nya tuluyang maisara ang pinto ay narinig ko syang magsalita.

“Tsk. I was only gone for a while may umaligid na agad” Napaarko naman ang kilay ko dahil sa narinig.

Hmm. Threatened ba sya? Aba, dapat lang! Hindi ako alaga nyang aso na pwede nyang wag pansinin pero hahabol at hahabol pa rin sa kanya.

Yes I love him pero alam ko rin ang worth ko. Kaya kong magmakaawa para sa pagmamahal nya pero hindi ibig sabihin non ay magmamakaawa nalang ako ng magmamakaawa. I  can only beg for once or twice pero hindi unlimited ang panlilimos ko ng pagmamahal sa kanya.

Because I know, I deserve to be love.



































The Substitute BrideWhere stories live. Discover now