CHAPTER 6

2.2K 88 4
                                    

🌹🚬

MINA

"Stop pouting. You look like a duck." Padabog kong inilapag ang sizzling sisig sa dining table.

At kailan pa ko nagmukhang duck, ha?!

Nawala na ang antok ko dahil sa sinabi niya at pati na rin sa ingay at bango nitong sisig na niluto ko. Nagutom tuloy ako bigla.

"May i-uutos ka pa ba? Kasi kung wala na, matutulog na ako." Sabi ko.

Sumandal siya sa inuupuan niya. Pinanood ko siya habang pinaglalaruan ng kanang kamay niya ang shot glass. Naglalabasan ang ugat niya kapag ginagalaw niya iyong baso. Ka-inis talaga itong si Thomas! Kahit simpleng galaw lang niya, kinikilig na ako.

"Sit," Biglang sabi niya sakin sabay mabilis na ininom iyong hawak niya.

"Huh?" Wala sa sariling sagot ko. Padabog niyang inilapag ang shot glass sabay titig sakin.

"I said, sit." Bakit kung makatingin siya sakin, parang may tama na siya? Eh sa pagkaka-bilang ko, nakaka-limang shot pa lang siya ah. Hindi naman madaling malasing si Thomas. Kung mayroon lang contest sa paramihan ng ma-iinom, isasali ko siya.

Umupo ako sa tapat niya.

Anong gagawin ko? Papanoorin siya?

Naka-upo na ako pero hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siya habang dire-diretso ang inom niya. Hindi ko tuloy alam kung anong trip niya ngayon. Kung idadamay niya 'ko sa pagpupuyat niya ngayong gabi, puwes huwag sana siyang magalit kapag nahuli na naman ako ng gising kinabukasan.

Tumikhim ako.

"Hindi pa ba 'ko... matutulog?" Sabi ko.

Tumingin lang siya sakin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"How's your visit earlier? Did you obey what I said to you?" Nagsalin siya ng alak sa shot glass niya.

"Oo naman. Nag-enjoy ako kanina. Nagkuwentuhan kami ni ate Anna tas nakipag-laro ako kay Casper. Si Jasper kasi, ang sungit eh."

"Because Jasper isn't childish like you." Sabay ngisi niya.

"Grabe ka naman Thomas! Wala lang siguro sa mood si Jasper kanina. Di bale, babawi ako kapag bumalik ako roon sa kanila." Sabi ko.

"Jasper's really like that. He's like Nick sometimes. But he's a good kid and clever too." Sabi ni Thomas.

Tumango ako sa sinabi niya about kay Jasper.

"I remember 3 years ago when we abducted them and they woke up. Jasper was quiet while his brother only giggled at that time. He enjoyed the ride, maybe."

Naalala ko iyon! Gulat na gulat ako noong biglang dumating si Thomas at may dala-dalang dalawang bata. At pagkatapos lang ng ilang minuto, dumating na si ate Anna. May busal pa siya bibig noong nakita ko siya. Awang-awa ako noon sa kanila.

"Thomas, noong kinidnap niyo sila, b–bakit mo sinaktan si ate Anna?" Hindi siya agad nakasagot.

Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya sabay inom ulit.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon