COD 30

75 4 0
                                    

Flordelisa Alferez
•Active Now

MON AT 6:58 AM

Mamang Flor:
Ang aga ng sundo mo, Iha

Erich:
Good morning Mang, pero anong sundo po?

'Yung isasama ka sa kabilang buhay?😣

Mamang Flor:
Hindi no, juskong bata ka😪😪😪

Erich:
Ay ano bang sundo ang ibig mo pong sabihin?

Mamang Flor:
Yung pogi no'ng isang araw ba, siya ang ibig kong sabihin

Erich:
Ay ganon po ba? Sorry po, medyo lutang pa kasi ako. Binangungot kasi ako kaninang madaling araw na may nakaitim na 'di ko kita ang mata tapos pinapasama niya ako sa kaniya.

Sasama sana ako kung mala Lee Dong Wook na grim reaper siya😌

Mamang Flor:
Nakakatakot naman pero ano ba 'yang Lee at grim reaper na sinasabi mo?

Erich:
Ay sorry, sa pinapanood ko po 'yang koreanovela😅

Mamang Flor:
Kaya naman pala

Basta wag kang matakot sa mga masasamang nilalang, dasal lang katapat n'yan

Erich:
Oo nga po

Mamang Flor:
Pero bumaba ka na, wag mong paghintayin ang everyday service ride mo

Baka maunahan ka pa ng iba d'yan

Erich:
😅😂

Care of Destiny (Epistolary)Where stories live. Discover now