Chapter 3

99 11 3
                                    


"Baba."



"Huh?"


"Bumaba ka na," sabi nong mysterious at masungit na guy na nagdradrive ng motorsiklo na inaangkasan ko ngayon.


Tumingala naman ako sa kalangitan at napa-buntong hininga na lamang nang makita na madilim na. Gabi at mainit pa rin ang hamog ng hangin sa lugar na kinaroroonan namin. Kanina pa lumubog ang araw at kanina pa ako nakikisakay sa hindi ko kilalang lalaki na ito. "Kahit dalhin mo lang ako sa main city. Okay na ako doon. Promise, babayaran talaga kita-"


He took a deep sigh before he talk to me again. "Kailangan mo nang makababa bago pa man madamay ako ng tuluyan sa problema mo. I already saved you. It's now your turn to do my request."


Napalingon muna ito sa likod at chineck kung wala nang sumusunod sa amin. Nong nasigurado niya na ligtas na kami pareho ay nag-glide ito pakanan para iparada ng maayosang kanyang sasakyan. Akala ko nagjojoke lang siya nang sinabi niyang kailangan ko nang bumaba pero hindi pala. Tinungkod niya ang right stand ng kanyang motor dahilan nang pagpatay ng makina nito. Then inialis ng lalaki ang suot-suot na helmet kanina at lumingon ulit siya sa direksyon ko.


"Baba!" sigaw niya sakin.


Napakamot naman ako ng dahil sa sinabi niya. "Luh! Grabe. Ang harsh mo naman. Iiwan mo lang ba ako rito sa gitna ng walang hanggang kalsada. Ni isang bahay nga wala akong makita. Tao pa kaya?" natatarantang pahayag ko sa lalaking kausap. Nong napasapo na siya noo dahil sa pinagsasabi ko ay nagkusa na akong sumunod sa gusto niya.


Nagmadaling bumaba ako sa motor ng lalaki. Nanginginig pa nga ang kamay ko sa takot dahil ginagawa ko ngayon. Magiging mag-isa na naman ako dahil rito. Gabi na! Tas iiwan pa ako ng tao na 'to na walang awa. I looked at him with my confused look. "Thank you sa pag-safe mo sa'kin kanina pero pwede ba tulungan mo ako ulit?"


Umirap siya in a manly way bago niya ginulo ang kanyang buhok at sinuot ang kanyang itim na helmet. "Get lost!" aniya bago pina-andar ng tuluyan ang kanyang motor. Inalis agad nong lalaki ang right stand nito bago ako tinignan muli. "You're running away from criminals without knowing you are with one," he told me bago pinaharurot ang motor sa'king harap.


In just a blink of my eyes, nawala na siya nang tuluyan. Tanging usok mula sa kanyang sasakyan ang pumapaligid sa akin ngayon. Napa-ubo na lamang ako rito bago winagayway sa ere yung kamay ko. "Ang gago! Pero salamat hah!" naiinis kong sigaw doon sa lalaking nang iwan sa akin rito kahit hindi naman niya ako maririnig.


Napatigil na lamang ako sa ginagawa ko nang maalala yung shotgun na nakita ko na hawak-hawak niya kanina. It made my spines shiver nong matandaan ko kung pano niya iyon ginamit sa mga sasakyan ng mga taong humahabol sa akin. Napatakip ako ng bibig dahil sa narealize ko.


"Oh my God? Di, joke lang! Pwede naman pala siya umalis." Napatingin ako sa direksyon kung saan ito dumaan bago napahawak sa dibdib ko. I can feel my heart racing. Napahinga na lang ako ng malalim para mabawasan ang kaba na nararamdaman. "Grabe, nakakatakot pala ang lalaking 'yon. Kung hindi niya lang talaga ako sinalba kanila ay mapagkakamalan ko rin siyang kriminal," bulong ko na lamang sa sarili.

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Where stories live. Discover now