Chapter 1

0 0 0
                                    

"Hoy, bakla. Bilisan mong magbihis."

Yan agad ang sinabi sakin ni Samii na kaibigan kong bakla, pagkadating ko sa location namin.

Agad akong pumunta sa cr at sinuot ang imo-model ko ngayon.

Isang white dress na hanggang tuhod lang, exposing my sexy bare back.

Isang white elegant shoes naman ang suot ko. Magaganda naman talaga lahat ng pinapagamit sakin at medyo sanay na ako. Total sa trabaho lang naman ako madalas nagsusuot ng ganitong damit.

Dali-dali akong lumabas at hinatak agad ako ng bakla.

"Make up artist, ready na ang model natin, please asikasuhin niyo siya. Simpleng make up lang ang gamitin niyo sa kanya."

Sabi ni Samii. May lumapit naman sa akin ang make up artist ng aming team.

"Miss Daisy, dito po tayo."

Sabi niya at hinila ako sa isang upuan. Sinimulan niya na ang pag-aayos sa buhok ko. Simple lang ang design ng buhok ko, medyo kulot ang sa baba ng buhok ko at nilugay lang ito at saka nilagyan ng high lights. Bongga.

Sinunod naman ang mukha ko.

Pagkatapos akong ayusan ay tiningnan muna ni Samii ang buong mukha ko. Baklang to.

"Ang ganda mo Daisy! Perfect talaga....anak mayaman ka ba?"

Gagang to, mukha ba akong anak mayaman? At saka okay na ako sa buhay ko.

"Gaga, anong anak mayaman ka diyan? Baklang Samii, okay na ako sa buhay ko at saka porke't ba magandang dyosa anak mayaman na agad? Duh."

"Hala grabe siya. Pinuri lang lumaki na agad ang ulo. Hoy babaita hindi mo na ako kailangang tawagin na 'Baklang Samii'. Halata naman ang kagandahan ko."

Bakla talaga may kasama pang pagposing hahahaha.

"Okay everyone, be ready.....let's start in within 5minutes."

Narinig kong announce ng photographer namin. Kaya pumwesto naman ang lahat.

Pumunta na ako sa lugar kong asan ako na-assign. Marami Naman akong kasama na mga model din, mapa-lalaki man o babae.

Iba-iba ang mga minomodel namin, may mga bag at saka kung ano-ano pa.

Ako yung unang kukunan ngayon tapos mamaya pa yung iba.

"Daisy, let's start"

Sabi ng photographer kaya nagpost na ako. Todo ngiti pa ako sa camera at iba-iba ang anggulo.

Medyo nangangalay na ako sa posisyon ko. Nang sa wakas ay tapos na.

"Good job Daisy, next model please.."

Sabi ng photographer kaya napangiti ako. Tapos na ang trabaho ko ngayong araw.

"Ang galing mo girl"

Puri ni Samii. Ang alam ko inggit lang yan sakin, gusto talagang maging babae, well ganyan ang ibinigay sa kanya.

"Alam ko"

"Tsee di na kita pupuriin, masyadong ambisosa ka girl"

"Hahaha, masanay ka na sa kagandahan ko."

DESTINED TO BE A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now