ANG LALAKI..

1.8K 26 2
                                    

PARA SA MGA BOYS 

ANG LALAKI:

Hindi mahilig sa mahabang usapan.

Hindi tumatagal sa seryosong usapan.

Mabilis mainip sa isang sitwasyon.

Hindi mahilig sa mahabang paliwanag.

Mabilis uminit ang ulo.

Nakakapagsabi ng hindi maganda minsan.

Madalas tumingin sa mga babaeng sexy na dumadaan.

Pero kahit ganun, ang lalaki pag nagmahal ng totoo:

Kahit hindi mahilig sa mahabang usapan, basta makausap lang babaeng mahal niya, kahit wala nang mapag-usapan, ayaw pang ibaba ang cellphone.

Hindi man tumatagal sa seryosong usapan pero pag tungkol sa kanilang dalawa at sa kung ano mang problema nila ng babaeng mahal niya, gumagawa ng paraan para maayos agad at hindi na lumala pa.

Kahit mainipin man pero pag kasama ka na, parang ayaw ka pang pauwiin kasi gusto ka pang makasama ng matagal.

Hindi man mahilig sa mahabang paliwanag pero kung nasasaktan na, kahit ayaw mo pang makinig sa paliwanag na yun, mage-effort pa rin para mapaintindi ka.

Mabilis man uminit ang ulo pero isang lambing mo lang, lumalamig na.

Nakakapagsabi man ng hindi maganda minsan, dala lang yun sa init ng ulo.

Pagkatapos ng away, hihingi pa rin ng tawad. Kasi para sa aming mga lalaki, dapat kami yung boss pero ang totoo, kayo pa rin yun.

At kahit na madalas kami tumingin at pumuri sa mga nagagandahang babae dyan, bago kami matulog, kayo pa rin naman ang iniisip namin at kayo pa rin naman ang nag-iisa sa puso namin at pinakamaganda sa aming paningin..

Love Tips & Author's Point of view CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon