Prologue

19 9 0
                                    

Sa tabing dagat halos lumaki kami ni Venice, magkatabi kasi ang bahay namin kaya halos araw-araw kaming magkasama. Di makokompleto ang araw ko pag wala sya sa tabi ko.

Nandito kami sa Music room pinapanood nya kong tumugtog ng piano.

"Ang galing mo naman Matthew. Alam mo bang narerelax ako tuwing tumutogtog ka."
"Bakit mo ko binobola. Anung hihingin mo sa akin. Magpapaturo ka sa assignment mo no?"
"Hindi naman kita binobola eh. Totoo namang gustong-gusto kong naririnig na tumutugtog ka."
"Lika may papakita ako sayo."

"Ano ba kasing ipapakita mo?"
"Ayan!"
Dinala ko sya sa amusement park.
"Ang ganda!"
"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo eh."
"Alika sakay tayo sa mga rides."
"Huh! Teka lang natatakot ako ah."
"Wag kang mag-alala akong bahala sayo."
"Siguradu ka?"
"Oo naman, alika na?"
"Hihihi! Natatakot ako teka lang"
"Lika na aalalayan kita."

                     

Magkasama kami ni Venice sa saya at maging sa lungkot. Halos sabay namatay ang Papa ko at Mama ni Venice.

                    

"Ang lungkot noh! Pag lumulubog ang araw nag-aagaw ang liwanag at dilim. Bakit kasi hindi nalang palaging umaga. Ung palaging nakasikat ang araw. Bakit kasi kaylangan pang magkaroon ng gabi?"
Nakaupo kami dito sa dalampasigan pinagmamasdan ang papalubog na araw.
"Siguro kaya may gabi para maappreciate natin ang umaga. Para may araw tayong aabangang sisikat."
"Nasan na kaya sila Matti? Nasan na kaya ang Papa mo at Mama ko?"
"Nasa ulap. Sabi ng Mama ko ng bata ako may hagdan daw diyan."
"Papunta sa..."
"sa langit"
"Kaya nya tayo binabantayan para lagi tayong ligtas."
"Ang daya-daya naman nila bakit kaylangan pa nilang magbantay pwede naman dito hindi yung kaylangan pa nila tayong iwan. Ayoko kasing mawala sila eh."
"Ako, di ako aalis sa tabi mo."
"Talaga?"
"Oo naman promise ko yan sayo, baka nga ikaw pa ang mang-iwan sakin eh."
"Hindi kita iiwan promise ko rin yan sayo, hinding hindi ako mawawala sa tabi mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One True LoveWhere stories live. Discover now