Fifteen

358 20 0
                                    

Nag-istrum ako ng akimg ukelele ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ma'am"tawag saken ng nasa labas kaya binaba ko muna yung ukelele sa aking kama at tumayo para buksan ang pinto.

"Oh!yaya jay ikaw pala bakit po?"tanong ko sa kanya

"Oum...may bisita po kayo sa baba"kumunot naman ang noo ko dahil wala akong inaasahang bisita.Nasanay na kong mag isa at walang kasama,simula ng pumunta sila mom ay hindi na ulit yun na sundan,tanging skype lang ang aming paraan upang makapag usap ng masinsinan.

"Yaya wala po akong inaasahang bisita ngayon.Sino po ba yun?"tanong ko sa kanya.

"Kaibigan niyo daw po siya ma'am eh"kumamot ng batok si yaya jay ng sinabi niya iyon

"Sige po,paki sabi hintayin ako doon sa baba"tumango naman siya at ako naman ay nag suklay ng buhok at itinali ito.

Bumaba na ko at nakita ko kung sinong bisita ang tinutokoy ni yaya jay.Si julie at ano ang ginagawa noya dito, usually lagi niyang kasama si kuya ben.

"Julie!"tawag ko sa kanya kaya napalingon siya saken.Ngumiti siya saken at niyakap ako.

"Nakaabala ba ko sayo?"tanong niya saken ako naman ay uming upang sabihing hindi.

"Hindi naman,bakit ka pala napa bisita?"ako naman ay nag tanong din sa kanya.

"Can we talk?"nag uusap na nga tayo eh.Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero wag na lang pala.Tumango ako sa kanya at inaya siya sa likod ng garden namin.

Naupo ako sa damuhan at siya naman ay ginaya ako.

"Ano pala ang pag uusapan naten, Julie?hindi na ko nag paigoy ligoy pa dahil may gusto din akong itanong sa kanya.Kung sino ba yung lalaking ksama niya doon sa mall.

"Amesy..."tawag niya saken at ako naman ay tinaasan siya ng kilay dahil parang kinakabahan siya."May gusto akong sabihin sayo pero sana sa atin lang muna ito"tumango na lang ako sa sinabi niya dahil kating kati na din ang dila ko na mag tanong sa kanya.

"Ano ba iyon?"tanong ko sa kanya kasi antagal niyang mag salita parang nag iisip pa siya ng malalim kung sasabihin niya ba saken.

"You know that I love your kuya ben right?"ngumuwi ako sa sinabi niya pero tumango pa din ako"Tatanungin kita amy ah"sabi niya saken tumango padin ako kasi bakit andami noyang paligoy ligoy.

"Sige ano ba yun?"tanong ko sa kanya.

"Pag ikaw ba kumain ka ng cheese araw araw di ka ba mauumay?"huh? Anong connect nun sa pinag uusapan namin pero sumagot pa den ako.

"Oo naman kahit paborito ko ang cheese ay minsan ay nauumay padin ako"tumango tango siya sa sinasabi ko.

"Ganyan ang nararamdaman ko ngayon"sabi niya saken,ako ay gulong gulo sa mga pinag sasabi niya.

"Julie,direct to the point na nga nalilito kasi ako eh"kumamot kamot ba ko sa ulo ko dahil naguguluhan na talaga ko.

Huminga siya ng malalim bago sumagot

"What I mean is nasasawa na ko kay kuya ben ewan ko basta pag gising ko wala na sawa na ko.Hindi ko alam minsan pag kasama ko siya pinipilit ko na lang maging masaya,masigla.Basta nawalan na ko ng gana makasama siya"yumuko siya pagkatapos niyang sabihin iyon.Ako naman ay naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa inis.Yung mahal ko na pinangarap ko,bibitawan niya na lang.Nasasawa?ako ngang kasama ni kuya ben sa higit maraming taon hindi nag sawa eh.

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala naman siyang alam sa nararamdaman ko kay kuya ben.

"So kaya ka nag cheat sa kanya?"kalamado kong tanong sa kanya at siya naman ay napa iyak.

"P-paano m-mo na laman?"

"Simple lang hindi ka ganun magaling mag tago.Nakita kitang may kasamang iba.Nag pi-picture ako nun gamit yung bago kong binili na camera.Hindi sinasadyang napasama kayo sa picture.Una hindi ako naniwala pero yun nga pinicturan ko kayo ulit.Zinoom ko at tama nga ko.Hindi ko sinabi kasi hindi ko naman sigurado na nag cheat ka talaga at wala ko sa posisyon para pangunan ka"humagulgol siya ng humagulgol at paulit ulit niyang sinasabi na maniwala ka mahal ko soya,mahal ko siya,mahal ko siya.

Napailing na lang ako una sa lahat kung mahal mo yung tao hindi ka mag hahanap ng bago.Kung napapagod ka na sa relasyon niyo dapat mag pahinga ka hindi yung hahanap ka ng iba.

"Kung mahal mo siya bakit mo siya niloko?"kalmado padin ako.

"Amesyl b-buntis a-ako"napaawang ang mga labi ko sa gulat.Hindi ko inaasahan toh.Sino ang ama?si kuya ben o yung lalaking kasama niya.

"S-sino ang ama?"kahit hindi pa in ako makapaniwala ay pinilit kong mag salita.Sana sabihin mong si kuya b--.

"S-si h-harry"at dun na ko tuluyang natulala.Wala akong masabi sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas ay umiiyak pa din siya.Ako naman ay naka bawi na sa pag ka gulat.Pinatahan ko siya dahil masama sa buntis ang ma stress.Kahit may kasalanan siya ay hindi ko hahayaang mapano yung bata sa sinpupunan niya.

"K-kelan p-pa julie?"tanong ko sa kanya pag katapos niyang tumigil sa pag iyak.

"1 month na amy,1 month ko na siyang niloloko.Maniwala ka hindi ko sinsadya"at umiyak na naman siya.Ako naman ay tinwag ang hardinero at inutusan siyang kumuha ng panyo at tubig.

"Julie,alam na ba yan ng parenth mo?si kuya ben alam na ba?eh yung ama ng bata sinabi mo na ba sa kanya?paninindigan niya ba?"sunod sunod na tanonv ko sa kanya.Dumating na yung pinakuha ko at pinainom siya,ako naman ay pinupunasan yung mga luha niya.

"A-alam na nila mommy nung una nagakit sila pero natanggap na din nila ng huli,si ben hindi pa na-natatakot ako,sabi saken ni harry mag-magpapakasal daw kami paninindigan niya yung bata.Amesyl masaya ko sobrang saya ko"ngumiti siya saken ako naman ay ngumiti na din.

"Masaya ko para s-sayo."ngumiti ako sa kanya ng todo at niyakap siya.

"T-thank y-you amy.Sana alagaan mo si benedict,alam kong may nararamdaman ka sa kanya.Ikaw ng bahala sa kanya huh"napa bitaw ako ng yakap sa kanya at nagulat.

"A-alam mo?"tanong ko sa kanya.Hindi ako maka paniwala.Sobrang gulat na gulat ako.

"Oo,napapansin kong lumayo ka saken nung naging kami ni benedict.Hindi ako pinanganak kahapon para diko malaman.Masyado kang transparent,hindi ko lang alam kung bakit hindi makita ni benedict na mahal mo siya hindi bilang kuya kundi totoong mahal yung gustong makasama sa dulo."this time napaiyak ako sa sinabi niya.Ang swerte ko sa kanya.

"Amesyl..."marinig kong tawag niya saken habang naka patong ang ulo niya sa balikat ko.

"Ano yun?"

"Si harry..."

"Anong meron kay harry?"

"P-pinsan s-siya ni benedict"at dun ako napa tingin sa kanya siya naman ay mukhang nagulat sa ginawa ko...




__________________________________________________

A/N

Enjoy reading and please vote...

I fell inlove with my best friendWhere stories live. Discover now