Chapter 52 *catch me*

4.5K 62 27
                                    

Point of view: ALYANNA JOICE BILLOSA

I can hear everyone shouting. Clanking glasses. Whistles. Mga sigaw "YES BRO!!" at kung ano ano pa. Hindi ako makagalaw!!!!! I don't like it but my body can'y move away. At ANAK NG PICHA PIE CHEESE CAKES NA SUMAKAY SA JUNGLE LOG JAM ALYANNA BAKIT HUMAHALIK KA PABALIK?!

pokpok ka talaga alyanna bagay sayo damit mo. (>\\\\\\\\\\<)

"OKAY!!" rinig kong sabi nung MC ba yon. O manager. O ewan. Pumunta sya sa pagitan namin ni Relloso "Tama na yan at mukang.. Uhm... Dapat hindi nyo dito ituloy yan.."

Humiwalay na sakin si Seven. Aww...

More..

Charot.

Binitawan na nya yung kamay ko at hindi sya makatingin ng derecho sa kahit na sino. Kagat labi pa si gago nagpipigil ng ngiti habang kabaliktaran nya. Umiikot ang mata sa paligid habang kinikilig ang lahat pero ako ito at tuliro.

"WALANG FOREVER!!!!!"

May sumigaw mula sa likod ng mga tao at doon kitang kita ko ang mga walanghiyang kaibigan ni Seven na nagtatawanan. ALAM BA NILA TO?? PINAGTITRIPAN BA NILA AKO???

"MGA BITTER!"


napatingin ako kay Seven nung isinigaw nya yon. Kitang kita ko ang mapaglarong ngiti sa mga labi nya. Nag-belat sya sa mga kaibigan nya sabay hila sakin pabalik sa backstage habang tumatawa ng malakas.

Gulong gulo padin ang isip ko... Anong nangyari?

"Huy.. Okay ka lang na?" -Seven

"Ha...? Ako... Ano.. Oo? Medyo..."

Anong sagot yon Alyanna?? (>\\\\\\\<)

"Di ka ba natuwa sa performance natin?" ngiting ngiti pa sya habang nagsasalita.. Lalakad lakad sya para syang bata na hindi mapakali. Kwento sya ng kwento habang tinatanggal yung costume nya, nakuha pang magmulti-task ng gwapo. Este gago. "Enjoy na enjoy silang lahat oh! Nagcheer silang laaaahaaat!!" kaya naman wala na syang suot na tuxedo at yung polo nalang sa ilalim ang suot nya, bukas yung dalawang butones sa pinakataas.

Yummy...

Charot ulit.

"Seven.. Ano to?" - Ako

"Ha? Alin?" -Seven

"Ito?? Ano to? Tong ginawa natin? Tong ginawa mo? Ano yon? Ano yung nangyari dun--"

Ramdam ko yung biglang pagsikip ng lalamunan ko.. Ang hirap huminga.. Bakit ganito yung nararamdaman ko..

Hindi ba pwedeng kung galit, galit lang.kung kinikilig, kilig lang. Bakit halo?? Ano to? Gulong gulo na si ate mong bes (T///////////T)

"Sayaw.. Yanna.. Ano bang nangyayari sayo?"


"sayaw??? Di lang sayaw yon!!"

Tuluyan nang tumulo yung luha ko. Para akong hinihika. Tumalikod ako dahil hiyang hiya ako sa sarili ko bakit ganito yung reaksyon mo..

"Yanna.. Wala lang naman e--"

"Hindi yun wala lang!"

"Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Bakit mo ko hinalikan?!"

Humarap na ulit ako sa kanya. Ramdam kong namumula yung muka ko di ko padin alam kung sa galit ba o ano.

Nakikita ko sa mukha nya ang gulat.. Pero mas lamang yung naguguluhan..

"Kasi gusto ko.."

"Ano to? Pinagtitripan mo ba ako? Bakit sila nandon? Anong pinlano nyo? Na mapahiya ako?"

Sobrang sikip ng dibdib ko. Kahit tumahimik na ang hiyawan at kantyawan sa labas ay ramdam ko padin yung hiya, yung gulat, yung kaba na may nanonood saakin. Na may nakakakita sa akin.

"Yanna maniwala ka saakin hindi yun yung intensyon ko.."

"Eh ano pala??"

Nanlisik yung mga mata nya. Nakikita yung nakakakaba, nakakatakot na tingin nya sakin. Pero hindi sya galit. Hindi. Parang kahit sya sa sarili nya naguguluhan..

At bago pa ako makapagsalita ulit naramdaman ko nalang ang biglang pagsalpak ng likod ko sa pader. Napapagitnaan ni Seven at ng pader ang katawan ko, at muli nanahimik nanaman ako.

Naramdam ko ang pagdikit ng labi ni Seven sa mga labi ko.

Malakas...

Galit....

Nasasaktan?

Sumubsob s'ya sa balikat ko, ang mga kamay nya ay unti-unting umangat at binalot ako sa isang kalmadong yakap.

Mabigat ang paghinga namin pareho samantalang nakatayo lang naman kami dito.

"Yanna.. This time di ako nagbibiro..."

Hindi parin ako makagalaw makasagot man lang..

"I like you... I really do.. Di ko naman alam na dadating yung mga kabarkada ko ngayon e.. Di ko nga alam kung pano nila nalaman na may date tayo e.."

Humigpit ang yakap nya sakin at naramdaman ko nalang ang sarili ko na unti-unting umuunan sa balikat nya na para bang nakaramdam ako ng pahinga mula sa mabigat at mabilis na tibok ng puso ko.

"Kaya kita pinasayaw dun kasi gusto ko din makita mo kung gano ako kagaling magpractice kasi maganda na pagkakasayaw ko... Ang galing mo kasi gusto lang naman kita pantayan.. Saka gusto ko ipakita sa lahat kung gano ka kagaling, gano ka kaganda, gano ka ka---"

I moved my head so that we can be face-to-face and I pressed my lips on his. No rush. A sweet, mellow kiss that melted my whole being into a puddle.

"Dami mong satsat."

I ran my fingers through his hair at hinayaan kong mahulog ako. Hinayaan kong mahulog ako sa pagmamahal para kay Seven. Hinayaan kong mahulog ako dahil alam kong ngayon, sa wakas, sasaluhin niya ako.

🎉 Tapos mo nang basahin ang KISS (it started with a dare) - ENDING REVISED 🎉
KISS (it started with a dare) - ENDING REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon