Chapter IV: Part 2

527 13 0
                                    

Matapos halayin ng paring kastila ang batang babae ay itinali nya ulit ito sa puno kasama ang naghihingalo nyang nanay.

"Makukuha ko din pala kayo eh, gusto nyo pa sa mahirap na paraan. Kung pumayag ka sanang kuhanin ko ang anak mo, at maging asawa kita, di sana mamaya buhay kapa." sabi ng pari habang tumatawa ng malakas.

Kinuha nya ang itak, at aktong sasaksakin na nya ang dalawa, iyon yung oras na nakita nya ako at sasaksakin. Sa puntong yun, nagising ako. Hingal na hingal, at umiiyak na ako. Nagpasya na ko na magpaingin sa pinakamagaling na manggagamot oh albularyo. Si Ka Nomer.

"Ginagambala ka ba nila?" tanong nito.

"Ilang gabi ko na po sila napapanaginipan." ang sagot ko.

"May gusto ba silang iparating sayo? May sinasabi ba?"

"Tulungan ko daw po sila."

"Tulungan saan?"

"Hindi ko po alam"

Hindi raw nya ko matutulungan sa ngayon dahil hindi ko naman daw alam ang kailangan nila sa akin. Lumabas na ako at umuwi. Sa tapat ng lumang bahay ay may nakita akong kwintas. Kakaiba ito. Bilog ito na kahoy na may nakaukit na tatsulok. Sa gitna ng tatsulok ay may krus. Sinuot ko ito.

Kinagabihan ay hindi ko sila napanaginipan. Naisip ko na baka dahil ito sa Kwintas na napulot ko. Araw-araw ko na iyong sinuot at hindi ko na hinubad. Maski sa pagligo ko ay suot ko ito.

Hindi ko alam, iyon na pala ang simula ng mga kababalaghan sa aking buhay...

Ang babae sa Puno..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon