The 6th Madness

254 20 6
                                    

"Ano makakarating ka?"

"I'm on my way, bakit nagmamadali ka ba?"

"Hindi naman best friend," narinig ko ang tawa ni Tessa sa kabilang linya. "Saka ano, 'yung regalo pala ni Baby 'wag mong kalimutan."

"I know," I rolled my eyes. "Kung makaapura ka akala mo naman ikaw ang may birthday," huminto ako nang mag-red ang ilaw sa traffic light. "Fine. I'll be there in ten minutes." I disconnected the call and threw the car kit on the dashboard.

Birthday ng inaanak kong si Lyndon—anak ni Tessa. Two years old na ang bata kaya naman aligaga ang nanay niya sa paghahanda. Katabi ko ang isang malaking kahon na naglalaman ng ireregalo ko. Balot ng kulay blue na gift wrapper. Mabuti na lang kamukha ng bata ang ama niya at hindi namana ang ilong Tessa.

Kabisado ko pa rin ang daan papunta sa bahay nila dahil malapit lang iyon sa dating kong tinitirhan. Pagliko ko sa kanto ay bumungad sa 'kin ang matinding traffic. Damn! I blew so hard because of frustration. Kung kailan ka naman talaga nagmamadali saka ka aabutin ng kamalasan. I waited for a couple of minutes but it didn't move an inch. I checked my phone na 40% ang battery meter. Great! Nakalimutan ko palang mag-charge ng phone.

Puro galing kay Ayla ang laman ng inbox ko regarding on my next photoshoot. Ang iba naman ay kay Tessa at Brian, nangangamusta. I scrolled it until I reached the bottom part, unregistered number lang iyon na may 'I missed you' na message. Aksidente kong napindot ang dial button nang makarinig ako ng malakas na busina galing sa likod ko. Umuusad na ang mga sasakyan.

Habang nagda-drive, nagulat ako na 10 seconds na ang tawag kaya mabilis ko iyon pinatay. Baka mamaya kung ano ang isipin ng isang 'yon.

I parked my car in front of Tessa's house. Wala naman akong choice dahil walang parking area sa lugar na ito. Marami ng tao sa loob na sa palagay ko ay mga kamag-anak nila.

"Xander, hijo!" boses ng nanay ni Tessa.

Sabay-sabay napalingon ang mga tao sa loob ng bahay. Kumunot ang noo ko nang pagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa. Simpleng gray shirt, acid washed jeans, at sandals lang suot ko ngayon dahil mainit ang panahon. Hindi na nga ako nag-abalang isuot ang 24K gold necklace ko dahil hindi naman required. I didn't even wore my smart watch.

"Hi, Tita!" pagbati ko.

"How are you?" Nagbeso-beso pa kami. "Ang tagal kitang hindi na kita at parang lalo kang gumagwapo."

"Medyo lang," I smiled and looked around. "Si Tessa?"

"Nandoon sa kwarto, ayon pinapatahan ang apo ko, bigla kasing tinopak dahil sa dami ng tao."

"Sunod muna ko, Tita," pinakita ko ang hawak kong regalo. "Bigay ko lang 'to."

She nodded. Ipinagpatuloy niya ang pagkausap sa iba pang mga bisita. Kakatok sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang asawa ni Tessa—si Manny. We smiled at each other as a respect. Inaya niya akong pumasok sa loob.

"Happy birthday, Lyndon!" sinarado ko ang pinto.

"Salamat naman at nakarating ka, akala ko iindyanin mo 'ko," pinapatulog nito ang anak. "Salamat sa gift. Pakilagay na lang d'yan sa lamesa."

"'Di ba pwedeng na-traffic lang?" napansin ko ang mas malaking regalo na nakapatong din sa lamesa. "Kanino galing 'yung isa?"

"Kay Nyle."

I diverted my gaze on the box. "G-galing siya dito?"

"Oo. Kaaalis lang niya. Sayang nga at hindi kayo nagkasalubong."

"Excuse me?" Hindi ko nagustuhan ng slight ang sinabi niya. "Mabuti nga at hindi kami nagkita."

Ibinaba ni Tessa sa kama ang natutulog na si Lyndon. Hinaplos niya ang noo nito saka nilagyan ng kumot. "Hindi mo ba talaga siya mapapatawad? Grabe 'yung efforts ng tao sa 'yo. Naiintindihan ko na nagkamali 'yung tao pero sana makita mo na sincere si Nyle na humingi ng tawad."

The Gorgeous Man's MadnessWhere stories live. Discover now