CHAPTER 2

27 2 0
                                    

natapos ang tatlong subject na attentive ako at panay sagot. oo, baguhan lang ako. but just like what i've said earlier, 100 ang grades ko. hindi lang sa isa, kundi sa lahat ng subjects. di ko alam kung ba't biniyayaan ako ng gantong klaseng iq level.

paglabas ng teacher namin sa third subject, kinuha ko ang bagpack ko at naglakad papuntang cafeteria. pagdating ko sa cafeteria, nagulat ako kasi andami mong pwedeng pagkainan. may jollibee, mcdo, mang inasal, dunkin' donuts, 7 11, at marami pang iba. namangha ako kasi di ko inexpect na ganto pala ang school na pinatayo nila mommy at daddy.

habang nasa harap ako ng maraming stall na pwedeng pagkainan, isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. ang dunkin' donuts. pumasok ako dun at hindi naman ganun kahaba ang pila kaya di ako natagalan. pagkabili ko, dumiretso ako saglit sa 7 11 para bumili ng pepsi at bumalik na ko sa room.

pagbalik ko sa room, andun na rin ang limang lalaking nakaupo sa likod, kabilang na si justin at ang maliit na lalaking tumulong sakin kanina. di ko sila pinansin at dirediretsong naglakad papunta sa upuan ko.

habang kumakain ako, bigla na lang silang pumalibot sakin. yung upuan nila nilapit nila sakin, parang naka-form na kami ng circle ngayon. napatigil ako sa pagkain dahil sa kanila.

"hi!", masigla nilang sabi sakin. parang nag usap usap yata sila dahil sabay sabay silang nag hi sakin. "anong kelangan niyo sakin? 'tong pagkain ko?", tanong ko sa kanila. baka kasi mamaya, bully din sila. "hindi, eto oh. may pagkain din kami", sagot ng isa sa kanila na hotdog ang hawak hawak. napatingin ako kay justin dahil andami niyang mais na hawak. yung isa naman, rice with chicken ang pagkain tapos yung isa puro naman strawberry lang. tas yung isang tumulong tumayo sakin kanina, ang weird ng pagkain niya. ihaw ihaw ang kinakain niya. tinignan ko ang phone ko para tignan ang oras pero nine palang ng umaga pero ihaw ihaw na ang kinakain niya.

napakamot ako sa ulo ko at saka sila tinanong. "pwedeng magtanong?", tanong ko sa kanila. "nagtatanong ka na", bara sakin ni justin. "sabi ko nga", sabi ko sa kanila. "sure, ano bang itatanong mo?", sabi sakin nung strawberry ang pagkain. "bakit puro hotdog, mais, chicken, strawberry at ihaw ihaw kinakain niyo?", tanong ko sa kanila. "lalo ka na", turo ko dun sa maliit na lalaking tumulong sakin kanina. "nine palang ng umaga, pero bakit ihaw ihaw na kagad kinakain mo?", tanong ko sa kanya. "kasi yan ang mga paborito namin", sagot sakin nung chicken ang pagkain. "h-ha?", naguguluhan kong tanong sa kanila. "sige, ipapakilala na lang muna namin ang sarili namin", saad sakin ng lalaking hotdog ang kinakain.

pero bago pa man nila maipakilala ang sarili nila, biglang may nagsalita sa speaker dito sa classroom. "good morning rrtc students. sorry to interrupt y'all. we just like to announce that your next teachers (including your last subject) will not be able to see you today because there's an emergency meeting regarding to the precious daughter of the owner of this school. i hope y'all understand. thank you! i repeat...", saad nung nasa speaker na siyang kinailang ko. di ko na siya pinakinggang muli at dali dali kong kinuha ang phone ko at tinext si mom.

TO: MOMMY

Mom, akala ko ba napag usapan niyo na yung tungkol sakin? Bakit may meeting ulit kayo?

tanong ko kay mommy. ilang segundo lamang ang nakalipas, nag reply na siya.

FROM: MOMMY

Yes anak. Pero hindi lahat ng teachers nandun nung time na yun. That's why nagpameeting ako ulit. At ngayon kumpleto na sila. Sasabihin ko lang naman sa kanila na anak ka namin and they should know their limitations when it comes to you.

ONE OF THE BOYSWhere stories live. Discover now