Between Something and Nothing

4 0 0
                                    

Busy akong nagsusulat sa notes ko. It's almost lunch time at hindi na ako mapakali sa upuan ko. Bukod sa gutom at antok na ako. Hindi ko mawala sa isip ko kung sino ang kasama kumain ni Lander. It's been a week since nagstart na ang classes at almost 5 days na akong concerned sa kanya.

He has always been eating out alone, although paminsan minsan sinasamahan siya nga iba naming kaklase but most of the time siya lang mag-isa sa room.

Timing nga naman talaga at pareho kaming mahilig magdala ng sariling pagkain. Kaya madalas kami lang dalawa sa room for a few minutes dahil bibili pa ng pagkain ang mga barkada ko.

So ako, palagi lang nakaw tingin dahil worried talaga ako if okay lang siya or if lonely ba siya. Kaya minsan through a mutual friend namin sinasabihan ko na isali siya sa group namin kasi para may kasama naman siya.

Almost a month na at concerned talaga ako sa kanya. Infairness sumasama na siya sa amin paminsan-minsan. May convo na nga kami kahit konti.

Habang busy akong nagcecellphone sa upuan ko bigla nalang niya ako kinausap at bigla akong nataranta.

"Hi Helen, tapos ka na ba sa performance task for tomorrow? May itatanong lang sana ako." Sabi niya.

Shemay, siyempre chance ko na iyon para maging friends kami.

"Oo tapoa na ako. Ano ba tatanong mo?" Pabilib talaga ako hayaan niyo n hahaha.

"Paano ba to gawin?" Tanong niya.

At doon nagsimula na medyo gumaan na aming atmosphere.

Maypagka joker kasi si Lander. At doon ako nadali, si ateng niyo nagka-crush kay Lander.

So ayun everytime magkasama kami, kinikilig talaga ako. Not until the time na nalaman ko na may girlfriend na pala siya at matagal na sila.

Dinibdib ko talaga iyon mga pare at chong. Hindi ko maisip na iyong introverted kong friend may girlfriend pala.

Grabe yung distansya ko sa kanya, although nag-uusap naman kami at nashare ko sa kanya na may crush ako sa isa naming kaklase, kahit na mas may crush talag ako sa kanya. Imbes na lumayo, nagbuild talaga kami ng friendship.

Pero dahil sa busy schedule, bigla nalang hindi kami nakapag-usap gaya ng dati.

End of Semester Activity na namin at busy ang lahat sa mga booths. So basically andaming kalat na nagawa. Kaya, nastress talaga ako kasi ako lang ang naglilinis.

Nahulog na naman ang puso ko, tinulungan ba naman niya ako maglinis. Kapalit daw ay Hershey's na Choco sa Canteen namin. Edi siyempre lumandi si ate gurl. Umoo naman ako at sabay kaming naglinis, habang ako nakangiti abot langit. Ang saya saya ko talaga noong araw na iyon.

So lumipas ang mga araw at medyo nagiging close kami at may mga bagay akong nalalaman sa kanya. Tulad ng hikain pala siya, allergic siya sa pollen, mga travels niya at mga hinanakit niya sa toxic niyang girlfriend. Naaawa talaga ako sa kanya dahil parang sakal na sakal na siya sa relasyon niya ngayon. Ngunut hindi niya maiwan-iwan. Gahd, kung alam niyo lang ilang beses ko na siyang pinagsabihan.

Mas naging close kami dahil sa Mobile Legends, hindi kasi ako marunong noong time na yon kaya siya yung pinapalaro ko dahil free rank up hahaha. At saka siya lang nakakaalam sa passcode ko. Ehh parang acting girlfriend lang no? Ayan kasi pinasok ko.

Umabot kami sa punto na hindi na niya kailangan ng permiso kunin phone ko. Magugulat nalang ako at ginagamit na niya. It was a happy day na naman.

One time, sobrang late niya sa school at akala ko absent siya. Pero dumating siya at kaya pala nalate siya dahil hinika siya. Concerned talaga ako sa kanya that time. Na lumabas talaga ako para kausapin siya. Medyo nagiging okay naman siya at napalagay na ang kalooban ko. Chour girlfriend ka te?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between Something and NothingWhere stories live. Discover now