The Bastard

424 17 4
                                    

The Bastard

"Kailan ka ba magtitino, Shinubo?"

"Kung maputi na siguro ang uwak."

Kinalabit ni Erael ang tenga ko dahil sa sinagot ko kay Papa.

"Ganyan ba ang natututunan mo sa mga barkada mo? May tattoo ka pa!?"

Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa harapan nya.

Sino ba kasing may sabing tulungan nya ako sa problema ko? Problema ko nga kaya akin lang dapat. Huwag nalang syang magpakatatay sa akin, hindi ko kailangan.

"James, tama na iyan. Tara na." Pagpipigil ni Anne Marie sa asawa nya.

Hinawakan naman ni Erael ang braso ko para ayain ng tumayo. Pupunta kami sa Lucena ngayon. Doon kay Yolanda Lausingco. Death anniversary daw kasi ng asawa nito.

Di sana ako sasama, kaso halos pumutok na ang litid ng tatay ko. Stress na stress na nga sya kagabi dahil nasangkot ako sa raid, kaya pagbibigyan ko nalang.

Sa sasakyan ni JM kami sumakay na tatlo. Si Erael iyong panay na umiimik para magkaroon ng buhay sa loob ng sasakyan.

"Lilipas din iyan, Tol." Ani JM.

"Sanay na. Pasok sa tenga labas sa kabila."

"Shin, awat na sa mga gulo ha."

Ngumisi nalang ako at umiling.

Medyo may katagalan ang biyahe. At nang makarating kami sa Bahay Kubo ay nandoon na ang iba pang Lausingco. Inakay ako ni Erael papunta kay Yolanda para bumati.

"Hello, Lola." Erael greeted and kissed her cheeks.

Lumipat ang mata sa akin ni Yolanda at tinaasan ako ng kilay.

"Batiin mo ako kahit plastik." Aniya sa akin.

Umismid ako at yumuko para yakapin at halikan sya sa pisngi.

"Mag usap tayo mamaya." Bilin nya bago ako pakawalan.

Hindi ko na pinansin iyon at naupo sa isang tabi. Dahil kompleto na kami, sinimulan na ang pa-dasal.

Inuli ko ang mata ko sa buong lugar. Maaliwalas dito, sarap mamuhay. Sarap buhay ng Lausingco ah. Tangina, swerte daw pero bakit pakiramdam ko, malas sa akin?

I was quiet while watching them. Tapos na ang padasal kaya kanya kanya na silang usapan habang ako, nangangati na iyong lalamunan ko sa yosi. Gago kasi ni Erael, nilagyan ng sili iyong isang kahon kong yosi. Akala mo hindi sya nagyoyosi.

"Hi. Hindi ka pa kukuha ng pagkain?"

Inangat ko ang tingin ko sa isang babaeng maputi na nakatayo sa harapan ko. Kilala ko naman ito, bunso ng mga Lausingco-- Primrose ata pangalan.

"Masarap iyong pagkain. Kain ka na."

"Mamaya na. May tindahan ba dito malapit?"

"Opo. Doon sa paglabas ng gate."

Tumango ako sa kanya at tumayo tyaka sya iniwan doon. Masyadong mabait, kakaumay kausap.

"Oy! oy!"

Napamura ako ng may humila ng damit ko sa likod. Lintek, Erael.

"Saan ka pupunta?"

"Bibili lang ng candy."

"Candy mo mukha mo. Kumain ka na doon." Inakbayan nya ako. Dahil matangkad naman si Erael, hindi sya nahirapan.

Wala na akong nagawa kundi ang kumuha na ng plato at kumain sa isang tabi. Tumabi pa sa akin si Erael para masigurong kakain ako. Tangina. Daig pa nanay ko ah.

Shinubo Lausingco (Super Slow Update)Where stories live. Discover now