Chapter 4

7 5 0
                                    

Nag aayos kami ngayon dahil ngayon na ako lalabas ng hospital. Tuesday. Aabsent nanaman ako dahil habang tumatagal ay sumasakit ang ulo ko. Pero gusto ko nalang umuwi at magpahinga. Umuwi na din kagabi si Kyle at bibisita nalang daw mamaya sa bahay. Nabalitaan din ni Princess 'yung nangyari kaya dadalaw din daw siya.

"Sure ka ba na gusto mo na umuwi? We can stay here para kapag may masakit ulit sayo atleast makakatawag agad tayo ng Doctor." Sabi ni Mama.

Umiling naman ako, "Nope, okay na 'ko. Gusto ko na din umuwi at makapagpahinga. Sa bahay muna ako uuwi para alam kong safe ako." Sabi ko kay mama. Tumango naman siya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.

Matapos ayusin ang gamit ko ay bumaba na kami sa basement at sumakay na sa kotse. May kotse naman kami. Hindi lang nagagamit.

Pag-uwi namin sa bahay ay umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama. Nakakamiss humiga dito. Bago ako matulog ay naalala ko munang icheck 'yung phone ko.

Kyle :))

[Where are you?!]
Delivered 7:45 PM

[Asan ka??]
Delivered 7:45 PM

[Kanina pa ako tumatawag sa'yo,
bakit hindi ka nagrereply?!]
Delivered 7:46 PM

[Hoy, Kim Chloie! Ano ba?! Nagaalala
na ako!]
Delivered 7:47 PM

[Pano ako hindi magaalala, eh
once in a blue mo lang ako tawagan
pag emergency lang! Kaya iisipin ko
what's happening!]
Delivered 7:47 PM

[Tangina naiinis na ako!
Ayaw mo ko replyan!!!]
Delivered 7:48 PM

Natatawa ako sa mga texts niya dahil kahit nasaan man siya ay hindi niya ako kinakalimutan. Meron din siyang 45 Missed calls. Siguro ubos na load nento. Pang 46 na tawag ay sinagot ni EJ siguro.

Pagka-off ko ng phone ko ay saktong tumunog ito.

Uknown
09********

[Hey, wassup? How's your feeling?]
Seen 8:21 AM

[Huh? Sino 'to?]
Seen 8:21 AM

[It's me, EJ!]
Seen 8:22 AM

[Ahh! Paano mo nakuha
number ko?]
Seen 8:22 AM

[I got it from your phone.
So, kamusta ka nga?
Okay kana ba?]
Seen 8:22 PM

[Okay na ako, btw.
Thanks daw sabi ni Mama sa
pagligtas saakin.
Tsaka nakalimutan ko din magpasalamat. Thank you, life saviour. :))]
Seen 8:23 PM

[It's nothing.
Konsensya ko kapag
nakita na kita tapos
lumala pa nangyari
sa'yo :))]
Seen 8:23 AM

"Hoy! Kala ko ba papahinga ka?! Ba't nakangiti ka diyan sa phone mo?! Patingin nga sino 'yan!" Kukunin sana ni Princess 'yung phone ko kaso naiwas ko naman. Malisyosa pa naman 'tong babaeng 'to. "Sino 'yan? Jowa mo? Ayieee! Sayang, ship ko pa naman kayo ni Kyle!" Sabi niya.

"Bestfriend ko lang 'yun! Ba't ba pinipilit niyo saken si Kyle? Eh bestfriend ko nga lang 'yon!" Angal ko.

"W-Wala lang! Bakit? Bawal ba?" Tanong niya.

"Bawal." Sabi ko nalang sabay natulog.

------

Nagising ako dahil parang may nagsasalita sa tabi ko.

"Sana lang, alam mo lahat. Alam mo lahat ng nararamdaman ko para sa'yo. Kundi ka lang sana manhid at choosy. Kung hindi lang ako natotorpe. Tangina. Kada may umaaligid sa'yo na lalaki, hindi ko maiwasan magalit. Gusto ko ako lang nasa tabi mo. Nasasaktan ako kada sinasabi mong bestfriends lang tayo. Kasi 'yun lang naman talaga meron tayo." Sabi nung pamilyar na boses pero nawala na din iyon at tumahimik na.

"HOY! Tangina mo! Alas singko na ng hapon! Baka gusto mong gumising? Aber!?" Nagising ako sa sigaw ni Princess.

"Ano ba 'yon?!" Sigaw ko pabalik at binato siya ng unan. "Kala ko ba pumasok ka?" Tanong ko.

"Oo bobo ka! Nakapasok nako at nakauwi lahat lahat borlogs ka padin?! Tindi mo naman ata!"

"Tangina mo pala alam mo naman masakit ang ulo ko, manggigising ka diyan? Kaya nga ako umuwi diba! Para matulog magdamag! Leche!" Irita kong sagot.

"Ay sorry naman, onga pala, kakaalis lang ni Kyle. Binantayan ka kanina. Tumango nalang ako. Naalala ko 'yung panaginip ko. Panaginip lang naman siguro 'yun. Bestfriend ko si Kyle simula pagka bata kaya imposibleng magkakagusto saakin 'yun. Never panga yata na-fall sa tao 'yun. "Binantayan kaniya kanina pa bago ako pumasok. Hanggang ngayon. Grabe, sana all may bestfriend na ganun."

"Maharot ka kasi! Lahat ng nakikita mo sa paningin mo, tingin mo agad jowa mo! Kaya wala kang kaibigan."

"Ang harsh mo naman saakin. Grabe ka!"

"Talaga naman, eh?" Angal ko.

"Di ba pwedeng, ampopogi lang nila? Onti nalang ako na magkakagusto diyan kay Kyle!" Sabi niya.

"As if naman magkakagusto sayo pabalik 'yun. Never ngang nainlove sa mga babae 'yun." Sabi ko.

"W-Wala ka kasing alam!" Biglang bulyaw niya.

"Anong hindi ko malalaman? Eh bestfriend niya ako? Kaya lahat alam ko! Never pa siyang nainlove noh!" Depensa ko.

"Oo nalang." Tanging nasabi niya at nanahimik.

Sa haba ng oras naming nagdadaldalan dito ay bumaba na kami para kumain. "Asan si Mama?" Tanong ko.

"Ewan ko saan nagpunta eh, nagmamadaling umalis kanina nung pagbalik ko." Sabi niya at tinulungan ako maghain ng kakainin namin.

Natapos na kaming kumain ay nagpaalam na si Princess na uuwi na muna at babalik nalang bukas. Ako naman ay umakyat na sa taas para mag-ayos ng kung ano ano.

Habang inaayos ko gamit ko ay tumunog ang phone ko.

Kyle :))
+092********

[Oh, gising ka na?]
Seen 9:00 PM

[Yes]
Seen 9:00 PM

[Kamusta pakiramdam?]
Seen 9:00 PM

[Okay naman! Btw,
naabutan mobang
umalis si mama?]
Seen 9:01 PM

[Yes, tulog ka na.
Sleep na, susunduin
kita bukas. Goodnight!]
Seen 9:01

[Okeyyy. Goodnight!]
Delivered 9:02 PM

Hindi na niya sineen ang huling sinabi ko. Siguro matutulog na din siya. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at natulog na din. Papasok na ako bukas.

All rights reserved. _cornibol. 2020

SINGULARITY: Kim (ON-GOING)Where stories live. Discover now